HINABOL ni Tristan si Dianna sa inis nito. Wala nang ibang ginawa si Dianna kung hindi ang iwasan at layuan siya nito. Napapansin na iyon ng karamihan sa kaniyang mga katrabaho. "Dianna, sandali nga!" Tumakbo si Tristan at hinawakan ang kamay ni Dianna at pinilit na iharap sa kaniya. "Ano ba?" salubong ang nagngangalit nitong mga kilay na sigaw. "Ano'ng ano ba? Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Hanggang kailan ka lalayo sa akin? Hanggang kailan mo ako pahihirapan? Gusto ko lang naman makipag-usap sa 'yo nang lubos mong maunawaan ang lahat ng nangyari sa nagdaang tatlong taon simula nang bumalik ako sa Korea galing dito sa Pilipinas!" "Makulit ka bang talaga? Ayoko na nga, e! Ayokong malaman dahil sapat na ang mga nakikita ko! Isa pa, matagal na 'yon! Matagal na rin tayong tapos kaya p

