PAGBUKAS ko ng pinto ng unit ko ay ang saktong pagyuko ni Tristan upang iwan sa tapat ng pinto ang mga pagkain na araw-araw niyang ginagawa para sa akin. Natigilan siya at naiangat niya kaagad ang ulo niya nang makita ako. "D-Dianna?" Inayos niya ang sarili at tumindig sa harapan ko. Halata ang kabang nararamdaman niya dahil sa pag-utal ng bibig niya. "K-Kumusta ka na?" dagdag niyang tanong. Tinapunan ko lamang siya ng tingin at saka na siya iniwan. Deretsiyo akong naglakad papunta sa elevator ngunit napahinto ako nang magsalita siyang muli. "D-Dianna, m-magpapaliwanag ako. Pakinggan mo muna kasi ako." Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y umangat ang lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko. Hinarap ko siya nang nagsasalubong ang mga kilay ko. "Pakinggan? Sino ang makikinig sa iyo at diyan s

