ILANG araw na lang at aalis na ako. Limang araw na lamang ang pamamalagi ko sa condo na ito. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay na ipundal ko. Ngayon ay kinakailangan ko na itong ibenta at ang mga gamit na hindi ko naman na kailangan. Huminga ako ng malalim at saka tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa. Pinatay ko muna ang TV bago umalis ng sala. Papunta na ako sa kusina nang biglang tumunog ang door bell mula sa labas ng unit ko. Mabilis akong nagpunta roon upang makita ko kung sino ang nasa labas. Sa maliit na screen malapit sa pinto ay nakita kong si Tristan ang naroroon. Gulo-gulo ang buhok niya at mukhang nakainom. Namumugto ang mga mata niya. Parang pasan niya ang buong mundo. Nakaramdam ako ng awa at para bang gusto ko siyang pagbuksan ng pinto. Gusto ko siyang pa

