SA MULING pagbalik ng binata sa paaralan ay tuluyan na siyang nagpakita sa dalaga. Kasama ni Dianna si Darwin nang mga oras na iyon at kasalukuyan silang tumatawa ng malakas habang nagre-review. Panay sa pagkukulitan at pahaharutan ngunit parehas silang natigilan at parehas nawala ang kanilang mga ngiti nang makita nila si Tristan na nakatingin sa kanila. "T-Tristan?" utal-utal at kinakabahang tanong ng dalaga. Napatayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo sa bench. Ganoon din ang ginawa ni Darwin at tumabi pa siya kay Dianna. "A-Ano'ng ginagawa mo rito?" muling tanong ng dalaga na may magkahalong takot at panginginig ng boses. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang si Tristan ay nanatiling nakatingin sa kaniya. Nais lumuha ng kaniyang mga mata ngunit patuloy niyang pinipigilan iyon. "

