HABANG ako ay nakaupo sa sala ay hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang nangyari kanina. Hindi ako sa kiss namin ni Darwin natutuliro, e. Doon sa iniabot sa akin ng guard na isang plastic na hanggang ngayon ay hindi ko pa kinakain ang laman. Ang nilalaman niya ay kanin, burger steak, kutsara at tinidor, at may maikling letter na nakasulat sa card. Katulad na katulad ng ginagawa ni Tristan araw-araw noong nasa Korea pa ako at ang hand written niya, imposibleng ako'y magkamali. Limang taon ang naging relasyon namin. Posible bang hindi ko makikilala ang sulat kamay niya? "Hoy, Ate! Tulala ka riyan?" Natauhan ako nang bigla na lamang sumulpot si Chris. Bahagya pa akong nagulat. "Hindi ko alam, Chris," naguguluhan kong sagot habang patuloy kong iniisip ang mga nangyari kanina. "Ha? Ano

