NANG makauwi ng Pilipinas si Tristan upang hanapin ang dalaga ay kung saan-saan ito napadpad. Pansamantala siyang nanirahan sa isang condo unit upang may natirhan siya hangga't hinahanap niya ang dalaga. Nagbayad siya ng mga tao upang tulungan siya sa paghahanap. Wala siyang kaalam-alam kung saan niya maaring matagpuan ang dalaga. Sa naglipas na mahigit isang linggo ay malaki-laki na rin ang naubos niyang pera ngunit hindi pa rin niya natatagpuan si Dianna hanggang sa may nakapagsabi sa kaniya na sa isang medical school daw nag-aaral ang dalaga. Kaagad niyang pinuntahan iyon upang hanapin si Dianna. Balot na balot siya upang hindi siya makilala ng kung sino man hanggang sa muli niyang nasilayan ang dalagang matagal-tagal ding nawalay sa kaniya. Subalit ang oras ding iyon ang muling bumas

