SINAMAHAN ako ni Darwin na pumasok sa loob ng library. Sa hallway pa lamang ay pinagkakaguluhan na kami ng mga kapwa namin kamag-aral. May ka-schoolmate raw silang artista. Hindi ko lang masabi na iniwan ko na ang propesyon kong iyon at hindi ko na babalikan pa. Nang makahanap na kami ng bakanteng lamesa at upuan ay nagkaniya-kaniya na kami ng upo. Magkaharap kami at binuksan ko naman ang libro ko upang magmukha talaga akong nagbabasa dahil bawal ang maingay rito sa loob ng library. "Kailan ka pa umuwi ng Pilipinas?" curious kong tanong. "Bago ka pa man napabalitang umuwi ng Pilipinas ay nakauwi na ako. Sa makatuwid ay nauna akong umuwi ng Pilipinas kaysa sa 'yo." "Ha? Pero, bakit? Hindi ba model at artista ka sa Korea?" "E, bakit ikaw? Artista at modelo ka rin naman, ah? E, bakit n

