INILIBOT ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay na tutuluyan ko. Bumili ako ng bahay sa isang subdivision at ang pinsan kong si Chris ang makakasama ko. Isa siyang medical student. Kasing edad ko siya ngunit mas matanda lang ako ng dalawang buwan sa kaniya at sa eskwelahang pinapasukan niya ako papasok. Nagpapatulong ako sa kaniya upang makapag-enroll ulit. Kahit na malungkot ang puso ko at walang gana ang katawan ko ay nagawa ko pa rin namang ngumiti. Muli ko na namang nakita ang pinagpaguran ko sa pag-aartista na isinusumpa kong hindi ko na babalikan pa. Ayoko na ng magulong mundo kasama ang media. Lahat na lang nakikialam. Napakaraming sumasawsaw. Pati yata ang kulay at brand ng undies at bra ko, gusto na rin nilang malaman. "Ate Dianna, kumusta ka na?" tuwang-tuwang tanong ni Chris

