MULI akong uminom ng alak. Mag-aalas dos na ng madaling araw ngunit patuloy pa rin kami sa pag-iinuman ng kaibigan kong si Daryll. Wala na rin ako sa sarili. Pakiramdam ko'y napakainit ng paligid. Nahihilo ako at tila lumulutang sa ere. "Alam mo, Pre? Kaysa sa gumaganyan ka at nagpapakalasing ka, bakit kaya hindi mo na lang sundan si Dianna sa Pilipinas?" suhestiyon niya. "Ha?" Kumunot ang noo ko. Lasing na ako pero malinaw pa rin sa aking isipan ang sinasabi ng kaibigan ko. "Mahal mo, 'di ba? E, bakit hinahayaan mo lang? Masakit para sa mga babae ang hinahayaan lang, Dude! Lalo na kapag galit sila. Mataas lang ang pride nila pero malambot ang girls, Dude! Kaysa sa nag-aaksaya ka ng oras, puyat, at pera sa kakainom, ilaan mo na lang 'yan para kay Dianna. Sundan mo siya pagkatapos ay l

