CHAPTER 50 - NANG SIYA'Y LUMISAN

1186 Words

TULALA at wala sa sariling umuwi ako sa building kung saan ako tumutuloy ngunit nang makita ko ang unit ni Dianna, iyon ang mas pinili kong pasukin. Inalala ko ang passcode niya at sinubukan kong buksan iyon. Naukit pa rin naman sa aking mga labi ang simpleng ngiti nang bumukas ang pinto. Hindi pa siya nagpapalit ng passcode. Pumasok ako at isinara ko iyon. Nilingon ko ang hallway ng bahay niya papunta sa sala. Walang kalakas-lakas akong naglakad. Bagsak na bagsak ang magkabilang balikat. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Idagdag mo pa ang katahimikang bumabalot sa kabuuan ng bahay ni Dianna. Biglang pumatak ang mga luha ko nang malapit na ako sa sala. Nakatayo ako sa hindi kalayuan at nakatingin sa sofa na palagi naming inuupuan at hinihigahan. Tila ay nakikita ko ang aming nakaraan. Ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD