NANG nasa himpapawid na ang mag-ama ay malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dianna. Sinamahan siya ng kaniyang ama sa flight nito. Mananatili sa Pilipinas ang papa niya ng isang linggo upang matiyak lamang nito ang kaligtasan ng anak sa bago nitong titirhan. "Anak, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito. Tumango si Dianna ngunit hindi nito inialis ang pagtingin niya sa bintana. Wala siyang ibang makita kung hindi ang makakapal na ulap lamang. "Dianna, huwag ka nang magsinungaling. Alam kong hindi ka okay. Iniisip mo pa rin ba siya?" Hinawakan ng kaniyang ama ang balikat ni Dianna. Hindi tuloy napigilan ni Dianna ang pagtulo ng luha niya. Naging mabilis ang paglambot at pagkirot ng puso niya. "Ayoko na siyang isipin, Papa. Kakalimutan ko na siya," tanging sagot nito. Ipin

