Prologue
Prologue
"Kailangan mo nang bumalik Cielo. Alam mo kung saan ka nararapat at hindi iyon dito," may diing sabi ni Kuya Gabriel. Pero paano? Hindi ko na kaya pang umalis. Hindi ko na kayang pang iwan si Mickee.
"Kuya Gabriel, puwede bang maging tao na lang talaga ako? May iba pa namang paraan hindi ba?" may pagmamakaawang sabi ko sa kan'ya. Alam kong puwede talaga akong maging tao ngunit paano?
"Gagawin mo lang kumplikado ang lahat, Cielo. Masasaktan ka lang lalo na ang mga taong sinasabi mong mahal mo! Sinabi ko na sa iyo 'to noon na 'wag kang iibig sa mortal 'di ba? Cielo naman!" Pinunasan ko ang mainit na luha sa 'king mga mata na kanina pa umaagos. Naiiling ako habang kausap siya't nagmamakaawa na tulungan niya ako.
"Pero 'di ba sabi mo, hindi ako tao at hindi na rin ako anghel? Ano pala ako kung gano'n?" Umiwas nang tingin si kuya Gabriel sa akin at sandaling nanahimik.
"Iiwan na muna kita, Cielo! Pag-isipan mong mabuti. Magdesisiyon ka na, tandaan mo! Doon ka nababagay, doon ka galing at doon ka rin babalik kasama ko!" Turo niya pa sa kalangitan bago ito nawala sa harapan ko.
"Kuya..." tawag ko pa ngunit wala na talaga.
Napaupo na lamang ako habang humahagulhol sa pag-iyak. Biglang bumalik sa aking ala-ala no'ng araw na makilala ko si Mickee.
'Ang araw na iniligtas kita!'
"M-mickee..." mahinang bulong ko habang nakatingala sa kalangitan hanggang sa unti-unting bumagsak ang ulan kasabay ng aking paghihinagpis.