Chapter 3 - Boses

1032 Words
Nang marinig kong tinawag ako ni Vincent ay agad ko itong nilingon dahil ang lahat ay nagsigawan at nagtilian na. "Halaaaa..." Parang nagslow-mo sa paningin ko habang iyong patalim ay lumilipad derekta sa akin. Halos hindi ako makagalaw sa pagkagulat kahit pa sumisigaw na sa utak ko na tatamaan na ako ngunit may kakaibang nangyari. Hindi ko alam kung nakita rin ba iyon ng lahat o ako lang. Biglang may sumulpot na babae sa aking harapan na 'di ko napansin kung saan ba siya galing. Humarang ito sa harap ko at nakipagtitigan saglit na parang isa o dalawang sigundo bago puhimit paikot saka biglang sinangga ang patalim patungo sa amin sabay bagsak nito sa lupa. Kitang-kita ko na pinigilan niya iyon gamit ang kamay na hindi dumadampi sa kan'ya ang kutsilyo ng lalaki. Natulos ako aking kinatatayuan dahil sa halong gulat at takot. Hindi sa kutsilyo kun 'di sa aking nasaksihan. '''Tol," tawag sa akin ni Vincent. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa akin at inalog-alog ang balikat ko. Doon na tila nagising ang diwa ko na naiwan sa babaeng nakita ko kani-kanina lang. "H-ha?" tugon ko na lang. "Grabe 'tol muntik ka na do'n ah! Buti na lang hindi ka natamaan, ayos ka lang ba talaga?" paniniguro ni Vincent kaya napatango na lamang ako at agad na hinanap ko si Erika. "Si Erika nasaan na?" "Ando'n siya kasama iyong Dswd at mga pulis dahil baka na trauma raw ito," saad nito kaya nag-aya na akong puntahan na namin si Erika. "Erika...kumsta ka?" Nilapitan ko ito agad nang makita ko na siya habang nakaupo ito at may mga pagkain at inumin na hawak. "Kuya Mickee," sambit niya nang makita ako. Tumakbo agad ito palapit sa akin at yumakap, niyakap ko rin ito habang hinaplos ang ulo nito. Muli ay umiyak na naman siya na may paghikbi. "Sshhh.... Tahan na, ligtas ka na," pagpapatahan ko sa kan'ya. "S-salamat po, K-kuya," aniya habang humihikbi. "Walang anu man, Erika. Nasaktan ka ba niya kanina habang wala kami?" Umiling naman siya kaya nakahinga ako nang maluwag. May lumapit naman pulis sa amin at agad ko itong namukhaan dahil ito iyon isa sa sinenyasan ko kanina. "Kumusta ka, bata? Ayos ka lang ba? Humahanga ako sa tapang mo kanina pero sa susunod ay mag-iingat ka at 'wag ka basta-basta susuong sa gano'ng sitwasyon dahil hindi mo masasabi ang mangyayari," pahabang lintaya nito. Tama naman siya pero iba kasi ang magagawa mo kapag malapit sa iyo ang na sa gano'ng sitwasyon. "Ayos lang po ako, Sir. Pasensiya na po pero kahit sino naman po ay gagawin iyon lalo na kapag malalapit na tao ang napapahamak." Tinapik nito ang balikat ko na bilang naiiintindihan niya ako. "Alam ko, napakabait mo. Nga pala, kaano-ano mo si Erika?" "Hindi ko pa siya kamag-anak pero parang kapatid na po ang turing ko sa batang 'to. Nakilala ko siya rito sa kalsada nagtitinda ng sampaguita," tugon ko. "Gano'n ba, nasaan ang pamilya niyan?Delikado kasi talaga para sa kan'ya ang paglalagi rito sa lansangan. Tulad na lang sa nangyari ngayon, mabuti at naligtas mo siya." Bumaling ito kay Erika at nagtanong, "Ahm... Erika, nasaan ang mga kasama mo? Mga magulang mo?" "W-wala po, hindi ko pa alam. Si tiyang lang po kasama ko at ibang pinsan pero naroon po sila sa ilalim ng tulay." "Puwede ko ba silang makausap?" Nagkatinginan kami ng pulis at tumango ako sa kan'ya ba sang-ayon ako sa naisip niya. Mas maganda ngang kausapin kung sino man ang kasama ni Erika. Nag-usap pa kami saglit bago umalis si Kuyang pulis. Hinatid naman nami si Erika malapit sa tulay, hindi na kami sumama dahil ayaw na magpahatid ni Erika bukas naman ay sasamahan ko si kuyang pulis para bisitahin sila. Nagpasya na kaming umuwi ni Vincent, parang pagod na pagod ang katawan ko ngayong araw. Hindi ko na sinabi kay lola ang nangyari kanina dahil ayaw kong mag-alala pa ito sa akin at sana lang ay hindi makarating sa kan'ya. Pagkatapos naming maghapunan ay nagpaalam na ako kay lola na mauuna nang matulog. "Lola, sa kuwarto na po muna ako med'yo antok na po kasi ako eh." "Sige lang, apo. Mauna ka nang matulog at alam kong pagod ka sa eskuwela maghapon. Ako nang bahala rito." Agad na ako lumapit kay lola at hinalikan ko pa muna ito sa noo. "Good night po, lola." "Good night din, apo. Naku, napaka-sweet mo talagang bata ka. Oh siya't pumanhik ka na sa iyong kuwarto." Nakangiti akong tumango kay lola at umalis na. Sobrang bait talaga ni lola, siya na ang naging ama at ina sa akin mula nang mangibang bansa ang parents ko. Agad na sumalampak ako sa kama at dinama ang lambot no'n na parang bang maiibsan nito ang pagod ko. Pumikit ako saglit pero ang mukha bigla ng babae kanina ang nakita ko. Agad akong napadilat dahil hindi ko alam kung totoo ba iyon kanina o guni-guni ko lang? Pero hindi, kitang-kita ko ang ginagawa niyang pagpigil ng kutsilyo kanina. "Ahh... Nakabaliw naman!" Inalala kong muli ang kan'yang mukha, pumikit akong muli at doon ko pinakatitigan ang mukha niya. Ang mga mata nito ay may pagkasingkit at maganda rin ang mga pilik mata nito. Saktong tangos ng ilong at ang labi niya mapula. Hindi ko alam kung naglagay ba ito ng lipstick at ang mukha niya ay makinis na hindi mo makikitaan nang bakas ng pimples. 'Sa madaling sali, maganda siya!' Mahaba ang itim at may pagkakulot nitong buhok. 'Saan ba galing iyon? Multo ba siya?' Bigla ay kinilabutan ako't nanindig ang aking mga balahibo. Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isipan ko dahil do'n! "Bahala na nga! Bakit ko pa iisipin iyon, eh, guni-guni ko lang naman! Oo tama!" para aking timang na kausap ang sarili't kinukumbinsi. Umayos na ako nang higa dahil mas ramdam ko na ngayon iyong antok. Pumikit na ako ngunit dinig ko pa naman ang kung anong mga ingay mula sa labas maging ang panunuod ng tv ni lola. Pero 'di katagalan ay idlip na rin ako at palalim na sa ang pagkahimbing nang biglang may narinig akong nagsalita. "Tss! Bakit ko ba ginawa iyon kanina? Pero pasalamat ka sa 'kin niligtas kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD