Habang nagalalakad kami ni Vincent pauwi ay mau nadaanan kaming nagkukumpulang mha tao sa gilid ng kalsada. Siniko pa ako ng Vincent dahil napansin niya na rin pala.
"'Tol, ano kaya nangyayari? Tara silip tayo," aya niya. Hindi pa naman ako pumayad pero nauana na siya kaya wala na akong nagawa kun'di ang sumunod.
"Maawa na po kayo, Kuya. Pakawalan niyo po ako," hindi ko pa nakikita ang nagaganap pero rinig ko na ang boses ng isang batang umiiyak.
'Parang pamilyar.'
"Tumahimik ka kung ayaw mong samain sa akin!" banta ng lalaki. Namilog ang mga mata ko sa aking nakita.
"E-erika," sambit ko. Nasalikuran nito ang lalaking may hawak na patalim at nakatututok ito ngayon sa leeg ni Erika. Nakaramdam ako nang takot para rito dahil baka tuluyan ito ng lalaki.
"'Hala! 'Tol si Erika 'yan ah!" gulat ding sabi ni Vincent.
"'Tol, kailangan kong maligtas si Erika. Habang tumatagal lalong nagiging delikado ang buhay niya," ani ko kay Vincent. Hindi maari, parang kapatid na ang turing ko sa batang 'to kaya hindi ko kayang basta na lamang itong hayaan.
"Ha? A-nong plano mo ngayon?"
"Akong bahala. Basta maging alisto ka lang, okay? Kukunin ko si Erika at ako ang makikipagpalit sa kan'ya ro'n sa lalaki," bilin ko kay Vincent.
"Ano?! Sira ba iyang ulo mo? Delikado iyan baliw ka! Marami naman sigurong paraan at may mga pulis na rin naman. 'Wag mo isugal iyang buhay mo!" ang vindi pagsang-ayon ni Vincent sa balak kong gawin pero desidido ako.
"Basta, magtiwala ka at kailangan ko sng tulong mo, maliwaga?" Napahimalos na lang si Vincent sa mukha niya dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa.
"G*go ka talaga! Ano pa nga bang magagawa ko? Basta mag-iingat ka."
Lumapit ako sa lalaki at kinuha ang atensyon nito.
"Manong..." tawag ko rito na agad naman ako nitong nilingon.
"Bakit?" asik nito sa akin. Maging si Erika ay napatingin na rin sa akin kaya sinenyasan ko ito na tumahik. Hindi na iton namansin ni manong kasi panay ang linga niya sa paligid.
"Pakawalan mo 'yang bata, hindi ka ba naawa diyan?"
"Pakialam mo ba? Gusto mo ikaw isunod ko? O baka gusto mong unahin kita!" Napailing na lang ako dahil sa yabang nito. Iba talaga kapag sabog!
"Ako? Wala naman, napadaan nga lang ako eh! Pero sa totoo lang, duwag lang ang mga gumagawa ng ganiyan. Duwag ka pala?"
"Hoy gag* ka! Anong pinagsasabi mo diyan? Lalo mo lang ginagalit iyang suspect eh!" rinig kong saway ni Vincent sa akin sa likuran.
"Tarantado ka! Halika rito!" galit na singhal ni maning habang masama ako titig sa akin.
"Kung hindi ka duwag, eh 'di pakawalan mo iyang bata. Napaghahalataan kan masyado eh! Hindi maangas tingnan alam mo ba iyon?" pang aasar ko pa. Nagtagis ang bagang nito dahil sa sinabi ko, napangisi ako dahil halatang napipikon na siya. 'Wag naman sana ako magkamali sa ginagawa ko.
Subalit tumawa ito nang malakas at nakakaloko. Putcha, sabog pa yata ang gag*.
"Anong akala mo sa akin? Uto-uto? Gusto mong pakawalan ko itong bata para mahuli na ako ng mga pulis?" Sh*t! Mahihirapan pa yata ako nito.
"Kuya..." umiiyak na tawag ni Erika. Sobrang awang-awa na ako sa kan'ya dahil sitwasyon niya ngayon, takot na takot na siya at magkahalo na ang kan'yang luha't sipon pati buhok ay gulo-gulo pa.
"Hay naku, manong. Hindi ka rin nag-iisip, eh, 'no? Ano ba ang makukuha mo diyan sa batang iyan? Palaboy lang iyan dito sa kalsada sinong ang tutubos niyan sa iyo? Wala!" Saglit itong timigil at tila napaisip. Sana ay kumagat siya sa plano ko.
"Oo nga, 'no? Patayin ko na lang pala agad 'to. Wala naman pa lang pakinabang eh." Itinaas niya ang patalim kaya nagsigawan lahat ng mga tao na naro'n.
"Waaaaagggg!"
"Hala diyos ko!"
"Maawa ka sa bata, kuya!"
Naalarma ako kaya bigla akong napasigaw. "AKO NA LANG! PALIT KAMING DALAWA NIYANG BATA!"
Tumigil si manong at muling napalingon sa akin. "Kung papatayin mo iyang bata, mamamatay ka pa rin dahil pauulanan ka nila ng bala. Talo ka pa rin, pero kapag ako kinuha mo puwede ka pang tumakas. Ikaw bahala kung isasama mo ako, tsaka mayaman kami magkakapera ka pa sa 'kin," pangungumbinsi ko pang muli rito, importante makawala na si Erika.
"Sige, siguraduhin mo lang na makakatakas ako dahil tutuluyan talaga kita!"
"Mickee... Ano ka ba!" saway pang muli ni Vincent. Tumitig ako sa dalawang pulis ma med'yo malapit sa gawi ko at tinanguan ko sila. Nakuha naman nila ang ibig king sabihin kaya tiwala akong alisto sila sa gagawin ko.
"Oo naman, sa totoo lang may tampo rin ako sa mga parents ko kaya okay lang kahit kunin isama mo na lang ako. Hindi na kasi nila ako pinapansin sa sobrang gusto nilang magpayaman ay baliwala na lang ako," sabi ko sa kan'ya habang unti-unti skong lumalapit sa kan'ya.
"Bibilang ako nang tatlo sabay tayo. Pakawalan mo iyang bata tapos pupunta ako sa iyo, ayos na ba iyon?" pangungumbinsi ko pa.
"Sige, mabuti oa nga't may pakinabang ka bata. 'Wag mo lang akong gag*hin kung ayaw mong todasin kita!" Tumango ako bilang sang-ayon.
"Isa, dalawa, tatlo!" Pagbitaw niya kay Erika ay inilang hakbang ko na rin si manong.
"Erika takbo!" Agad naman itong takbo. Narinig ko si Vincent na tinawag siya.
"Erika, dito dali!"
Hinawakan ko agad ang kamay ng suspect at binali iyon upang mabitin niya ang patalim. "Hayup ka! Niloko mo lang ako!"
"Mas hayup ka! Kung may problem ka, lusutan mong mag-isa hindi iyong nandadamay ka pa! Duwag!" Pinagsusuntok ko ito sa mukha nang tatlong beses subalit hijdi ko napaghandaan ang pagtadyak nito sa akin mula sa likod kung kaya't natumba ako.
Hirap na siyang dumilat, duguan ang mukha pati ang kanang kamay niya na may hawak na patalim kanina ay napuruhan ko yata sa galit at gigil ko. Talagang bali. Dali-dali na akong bumangon dahil nandiyan naman na ang mga pulis upang hulihin na siya.
Nakahiga siya ngayon kaya ako'y bumangon na upang umalis. Tinalikuran ko na ito at pupuntahan ko na sina Vincent at Erika nang bigla magsigawan na naman ang mga tao.
"Halaaaaa!"
"Aahhhh!"
"'Tol! Mickee ilag!"