“Ang ganda!” namamanghang bulalas ni Dorothea habang inililibot niya ang mga mata sa loob ng townhouse na nabili daw ni Miguel noong nakaraang buwan. Tumanggi siya nang sabihin nito na sa isang mamahaling restaurant sila pupunta kaya nagpasiya ito na dalhin na lang siya doon. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay pero komportableng sa mga mata ang light green na pintura ng pader sa sala at kusina. Mahilig siyang magluto dahil iyon naman ang gawain niya simula noong bata pa siya kaya nagustuhan niya ang mga gamit sa kusina. Kung titira siguro siya sa ganoong bahay ay baka palagi lang siyang tumambay sa kusina para magluto. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kinaroroonan ng malaking ref para tingnan ang laman niyon. Nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa kaniya ang napakara

