“Fishball!” halos halikan na ni Dorothea ang bintana ng kotse nang matanawan niya mula sa labas ang mga nakahilerang sidewalk vendor. Natuon ang atensiyon niya sa kariton ng matandang lalaking tindero ng fishball. “Baby?” Hindi niya pinansin si Miguel kahit narinig niyang tinawag siya nito. Takam na takam siya sa mga pagkaing nakikita niya sa labas. Mabuti na lang at traffic at saktong tumigil ang sasakyan sa katapat ng mga nagtitinda ng mga pagkain. “Baby? may problema ba?” tanong ni Miguel. Hinawakan siya nito sa balikat para kunin ang atensiyon niya. “Gusto ko ng fishball!” kagat labing sabi niya sa binata.Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. “Pero malapit na tayo sa restaurant,” anito. Kadarating lang nila ng Maynila. May inalok ulit na trabaho sa kaniya si Sammy at hindi n

