Eeya
Maaga akong gumising ngayong umaga at naabutan kong gising na rin si Nay Mela. Naghahanda na siya ng umagahan. Nag-aya pa siyang mag-almusal na. Kumain ako nang kaunti dahil pupunta pa ako sa inuupahan kong bahay para kunin ang iba kong mga gamit.
Ayaw niya pa akong payagan nang nalamang mag-ko-commute ako papunta kaya hinintay ko muna si Kuya Ronald kasama rin sa bahay hindi ko siya nakita no'ng mga nakaraan dahil umuwi siya ng probinsya nila. Nang makarating siya nagpahatid na ako sa pupuntahan ko.
Ang gamit pa namin yung trycicle pa ni Brandon. No'ng una nagdalawang isip pa ako kung pwedeng gamitin ito lalo na at walang paalam sa kanya.
Pero ang sabi naman ni Nay Mela. Kumuha talaga si Brandon ng trycicle kung sakaling mamamalengke o aalis at wala 'yong isa niyang kotse o kaya naman ay emergency.
Tulad ngayon, itong trycicle ang gamit namin dahil wala pareho 'yong dalawang kotse ni Brandon sa garahe niya. Tapos yung isa scooter type naman na motor. Hindi naman daw ginagamit ni Brandon kaya 'yong mga kaibigan na lang niya ang gumagamit minsan pang tinatakas kapag hindi siya pumayag.
Nagpababa ako sa tapat ng isa compound. Kung sa'n 'yong apartment na inuupahan ko.
"Kuya pakihintay nalang po ako dito, ha? Kaunti lang naman po yung dala ko."
Kaya rin maaga akong gumayak para walang masyadong makakita sa'kin na nag-a-alsa balutan baka mamaya ma-chismis pa ako ng mga mababait kong kapitbahay dito, mahirap na.
Nang na sa huling eco bag na ako ay biglang may pamilyar na boses ang sumigaw ng pangalan ko.
Nilingon ko agad si Lane.
"Ano ka ba! Wag kang maingay." Saway ko sa kanya ng bigla nalang akong niyakap mabuti nalang nakontrol ko yung lakas ng yakap at higpit ng yakap niya, baka matamaan yung tyan ko delikado may pagka-care less pa naman 'to at rinig na rinig ko yung atungal niya
Jusko, mabibingi pa ata ako nito
"Eeya Amalia Rosio! Sa'n ka ba nanggaling ha? Hindi ka man lang nagsabi. Alam mo bang muntik na kitang i-report sa pulis tapos i-pa-blotter sa barangay natin, susmaryusep! Nagbabalak na akong i-post 'yong picture mo sa f*******: at manawagan kapag 'di parin kita nakita rito sa bahay mo, huh! S'an ka ba nagpupunta? Pa'no kung may nangyare sayong masama?"
"Eh nandito na ako sa harap mo, walang nangyare." Unti-unti akong kumuwala sa yakap niya at nabibingi na ako sa boses niya
Isang kurot pa sa bewang ang natanggap ko matapos niya humiwalay sakin. Hindi siya mapanakit din ng slight. Note my sarcasm.
Nagpunas siya ng luha niya tsaka sipon na tumulo gamit pa ang dulo ng damit niya. Napairap nalang ako sa ginawa niya.
"At gusto mo pang may mangyare? Saka bakit may trycicle sa labas at nando'n lahat ng mga gamit mo?" Pinaningkitan niya ako ng mata at namewang.
"Magtatanan kayo, ano? Gosh, ang tanda na niya." Akusa niya sakin
"Sira! Si Kuya Ronald 'yon." Hindi ko alam kung itutuloy ko ba yung tungkol sa kasal, at sa pinagbubuntis ko o hindi eh
Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib at tinaasan ako ng kilay "O tapos?" Bumuntong hininga ako at hinila siya palabas ng apartment saka ko kinandado ang pinto.
"Sumama ka na lang sakin," sagot ko sa kanya.
Bago lumabas kinatok ko ang pinto ng bahay ni Ate April, may-ari ng apartment saka sinauli ang susi. Nagpaalam ako at nagpasalamat.
Pagdating sa pwesto ng trycicle puno na halos ang loob at sa bubungan. Kaya pumara nalang ako ng isa pang trycicle at pinasundan si Kuya Ronald.
"Ano ba talaga ang nangyare, 'Ya? Pa-showbiz ka naman masyado eh. Bakit may paalsa balutan pang ganap. Saka s'an tayo papunta?"
"Basta ro'n ko na lang ipapaliwanag sayo ang lahat."
Pagkapasok palang sa subdivision wala na ang tigil sa kakatanong ni Lane. Pagkapasok ng trycicle sa garahe tinulungan ako ni Kuya Ronald ibaba ang mga gamit at inilipat sa may sala.
Sinalubong ako ni Mama galing kusina at napatingin kay Lane na nasa gilid ko habang palingon-lingon sa paligid. Nilapitan ko siya at pinaharap sa ginang.
"Ma, si Lane po, kaibigan ko. Lane, si Mama Zenaida, mother-in-law ko." Kulang ang salitang gulat ang rumehistro sa mukha ni Lane halos mamutla siya sa harap namin. 'Di ko alam kung matatawa ba ako o alalahanin siya.
Nilapitan siya ni Mama at hinagkan sa pisnge. Hilaw naman na ngumiti itong kaibigan ko at nagbabantang tumingin sakin.
"Welcome sa bahay nilang mag-asawa iha. Have you eaten? Come, join us in the kitchen," masayang pag-aya niya pa sa kanya na agad na inilingan ni Lane
"Nako, salamat po, pero tapos na po ako bago hinila este pumunta rito."
"Okay sige, maiiwan ko na kayo."
Saka siya bumaling sakin "Tawagin mo nalang sila Diday at Antonette, if you need their help to transfer your things. I just visited to check on your husband, Brandon." Umiling ang ginang at puno ng inis ang mukha. "Saka mabatukan na rin pero ang walang hiya nakaalis na raw ang sabi ni Mela. He's giving me a headache."
"Ma, h'wag na po kayong mag-alala pa samin ni Brandon. Kaya na po namin 'to maaayos din po ang lahat." Sinuklian naman niya ng ngiti at yakap.
"I'm really thankful that you wedded my son. Ngayon palang nakikita ko na 'yong future n'yong pamilya. At sana maayos na isip ng anak kong 'yon. Pa'no aalis na ako, magiingat kayo rito. Call us when there's an emergency okay?"
"Yes ma. Ingat po kayo." Paalam ko sa kanya at hinatid ng tingin papunta sa kotseng naghihintay sa kanya sa labas.
"Ano buntis ka?! Anak ng barakuda naman Eeya susmaryusep! At may balak ka bang sabihin sa akin 'yon?" Sigaw niya. Sa dami kong sinabi pagbubuntis ko talaga yung tumatak sa isip niya. Sabagay kahit naman sino yun agad yung matatandaan.
"H'wag ka ngang mag-ingay." Saway ko pa sa kanya mabuti nalang nandito kami sa likod bahay sa may garden. Ang ganda sana rito pero wala masyadong mga halaman puro d**o, dalawang upuan at lamesa lang. Mabuti na lang at may mga puno kaya malilim.
"Teh, kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko? Malalaman mong buntis ako? Sige nga."
"Hindi naman imposible yun," biro ko sa kanya na irap lang ang natanggap ko.
"Pero, hindi nga? Pa'no yan. Alam na ba si Nanay Sol?" Mahinahon niya tanong at haplos sa impis ko pang tyan.
"Hindi pa. Natatakot akong ipaalam sa kanya. Nag-Maynila lang ako tapos ito na. Sabi ko pa naman tutulungan ko pa siya." Malungkot kong sagot. Hindi ko alam, siguro ubos na ang mga luha ko kaya wala na akong maiyak ngayon. Ngunit ang bigat sa kalooban kong pakiramdam ko ay nabaliwala ko lahat ng sakripisyo ni Nanay Sol sa akin.
"Ano ka ba. Hindi naman siguro ma-be-beast mode si Nanay Sol, slight lang." Hagikgik pa nito
"Ewan ko sayo." Irap ko rin sa kanya.
"De, baka mas maiintidihin niya kung sasabihin mo kaagad. Saka, kahit h'wag mo na siguro tulungan si Nay Sol, eh, abroad anak niya diba?"
"Oo, pero nakakahiya, pasasalamat ko na rin para sa pagkupkop niya sa kin."
"Shet! sana all mabait na pamangkin." Sabay inom pa ng orange juice niya. Napailing na lang sa pinagsasabi ng babaeng 'to.
Pero ginawa ko pa rin. Kinagabihan tinatawagan ko ang cellphone number ni Nay Sol at habang nag-ri-ring ang kabilang linya, parang lalabas sa katawan ko 'tong puso ko sa kaba. Napahawak nalang ako sa noo ko ng hanggang ngayon wala paring nagtatas ng tawag.
Tulog na kaya sila? Alas-syete pa lang. Panigurado nanunuod iyon ng balita. Tinawagan ko ulit, hindi naman tumagal sinagot na.
"Hello Amalia! Kumusta ka na anak? Pasensya na at nakacharge itong telepono naka-silent pa nang tumawag ka. Kumusta ka r'yan?" Napangiti ako ng marinig ko ulit ang malambing na boses ni Nanay Sol.
Minsan napagkakamalan pa kaming mag-ina dahil sa hawig ng boses namin. Na minsan hindi niya itinatanggi.
Napabuntong hininga ako. Sa lahat, ito lang ang isusukli ko? Hindi ko maiwasang maluha. Akala ko hindi na ako luluha, pero heto at humihikbi na ako.
"Ano bakit ka ba umiiyak d'yan? Ayos ka lang ba? May masakit sayo? Gusto mo pumunta kami d'yan ni Izzy? 'Nak ano?"
"Wala po Nay, salamat po. Ayos lang naman po kami rito." Heto na.
"Mabuti naman. Eh bakit ka ba umiiyak, huh?"
"Nay, bu-buntis po ako."
Ang huli ko na lang na narinig sa kabilang linya ang pagtawag ni Izzy kay Nanay Sol at pag-iyak nito.
Sinugod sa malapit na hospital ang Nanay. Kaya walang pagaalinlangan na umalis ako ng bahay dala ang tote bag ko. Walang tao sa sala kaya dere-deretso akong lumabas.
Pero bumungad sa akin si Brandon na pababa ng kotse niya. Hilam sa luha ang mukha na siguro'y pinagtaka nito.
"And where are you going? It's already night time in case you didn't noticed." Lumapit siya sa 'kin at itinaas pa ang baba ko para magtingnan ako sa mukha. Sa taas niya mahihirapan siya kausapin ako.
"What happened? Ayos ka lang ba?" Nakita ko ang pagdaan ng pagkabahala sa kaniyang mga mata ngunit tila nililinlang lamang ako nito dahil seryoso at blangko itong nakatunghay sa akin.
"Si. . N-nanay sinugod s-sa hospital k-kailangan ko s-siyang puntahan." Utal kong sagot siya kanya at tuluyan ng humagulgol nang maramdaman ang mainit na yakap niya.
"Where? Ihahatid na kita. Pero gabi na. Hindi ba masama sayo saka sa baby? Mahamog na. And you're just wearing a cotton short tapos ang nipis pa nitong damit mo."
"M-magbibihis nalang ako basta makapunta lang sa k-kanya."
Hoodie jacket, makapal na lenggings ang suot ko at hawak-hawak ang isang puting bonnet. Nag-sapatos na rin ako dahil sa sobrang pagmamadali ko tsinelas lang ang suot ko kanina.
Pagbalik ko sa labas. Nailabas niya ulit yung kotse na pinagbabaan niya at naghihintay na siya sa labas ng gate.
"T-tara na," aya ko sa kanya, saka siya humarap at tiningnan ang itsura ko kung pwede na ba.
Napansin niya ang hawak kong bonnet at siya na rin ang kusang lumapit at nag-suot sa akin.
Napahinto ako sa paghikbi sa mga kinilos niya. Itinaas niya pa ulit yung baba ko saka pinapusan ang mga luha sa pisnge ko gamit ang hinlalaki niya. Init ang hatid nito sa akin, nabawasan kahit papaano ang iniisip ko.
Ang natira na lang sa akin ang pakiramdam na magkalapit kami at ramdam na ramdam ko ang presensya na. Matindi na rin ang t***k ng puso ko.
"Okay. But, relax yourself first. Hindi ka pwedeng ma-stress isipin mo ang baby, at kung mahinahon ka na sabihin mo sa akin ang lugar at pupunta na tayo."
Huminga ako ng malalim, tama, may bata akong dala-dala ngayon hindi na lang ako ang mag-isa, may buhay na nakaasa sa akin. 'Di ko alam kung ano na ang mangyayare sa akin kanina kung nagtuloy-tuloy ako at hindi nakasalubong si Brandon. Lalo na at wala akong nasa isip kanina, kundi ang mapuntahan si Nanay.
Tumingin ako sa mga mata niya.
"Ayos na ako salamat. Pwede mo na ba akong ihatid?" Huminga siya ng malalim at tinanggal sa pisnge ko ang mga kamay nya, parang may kulang bigla.
"Sige halika na." Pinagbuksan niya ako ng pinto, sa tabi ng driver seat. At inalalayan akong makasakay.
Hindi ko akalain na sa ganitong paraan pa kami magkakasamang dalawa. Dilim ang nakapaligid sa amin. Pero dinaig ito ng puso kong kay bilis ng tumibok dahil na sa tabi ko lang ang nagmamay-ari nito. Sa kanya na ang puso, kanyang-kanya niya.
Mas lalo akong nahulog sa pinakita niyang pag-alala sa akin kanina ng makita niya akong luhaan. Kahit na para lang sa baby, at least ramdam ko unti-unti tinanggap niya papaano.
Bumaling siya ng tingin sa akin saglit at binalik sa ulit sa daan. Kaya umiwas ako ng tingin sa kanya, nakakahiya nahuli niya pa akong nakatingin sa kanya.
"Kumain ka na? We can stop or drive through to the nearest fast food."
"Hindi na kumain na ako kanina. I-ikaw kumain ka na ba? Kung hindi pa, huminto muna tayo." Bakit ako nautal?
Tumango siya. "Sige mag-drive through na lang tayo."
Sa huli binilhan niya rin ako ng makakain. Ewan, sa gitna ng byahe, naging mahinahon ang pakiramdam ko bigla. Siguro dahil kasama ko siya, napangiti ako do'n. At binaling ang tingin sa labas.
Sana ayos lang si Nanay Sol, kasalanan ko kapag may nangyare sa kanyang masama.
***
Itutuloy...