Eeya
Matapos ang sapilitang picture taking. Naunang naglakad at umalis si Brandon ng munisipyo kung saan kami ikinasal, natuloy yung civil wedding na gusto niya. Nakita ko pang hinabol siya ng isang grupo ng kalalakihan at pilit na tinatawag pabalik.
"Iha, pagpasensyahan mo ‘yong anak ko, huh," hinging paumanhin sa'kin ng Mama ni Brandon.
Pinilit kong ngumiti. "Ayos lang po ‘yon Ma'am, naiintindihan ko po."
Kinawit niya ang kanyang kaliwang braso sa akin. "Ano ka ba dapat Mama na itawag mo sa'kin at Papa naman sa asawa ko." Lingon niya sa katabi nitong lalake, na hindi mapagkakailang ama ni Brandon.
Sa tindig dito at pangangatawan hindi sila nagkakalayo ng anak, pati ang awra nilang nakaka-intimidate, kahit na medyo may katandaan na.
"Opo. . . M-mama." Nginitian ko silang dalawa na sinuklian naman. Sa totoo lang naiilang pa rin ako at nahihiya sa kanila.
Kahit na mabait ang pakikitungo nila sa ‘kin, at ramdam kong puro ito. Baka lang iniisip nilang, wala akong pagpapahalaga sa sarili ko dahil heto at nagpabuntis sa hindi kakilala.
Ngunit isa sa pinagpapasalamat ko ay ang pagtanggap sa ‘kin ng mag-asawa.
Kahit na ng araw ring iyon lang nila ako nakita at nakilala.
Nang malaman na nagdadalang-tao ako agad nilang inayos ang kasal. Ikalawang araw matapos kong sabihing buntis ako, hindi na nila ako pinatingin uli sa doctor at nakuntento na sila sa sonogram na dala-dala ko at isang reseta ng mga vitamins at gatas.
Hindi man lang tiningnan saglit ni Brandon iyong dala ko, sa halip kunot-noo at sama nang tingin ang binigay sa akin.
Na parang kahit makita niya iyong litrato ng magiging anak niya, hindi parin siya naniniwala.
Nais pa ng mag-asawa na sa simbahan idaos ang kasal pero ang laking tutol ni Brandon.
"Sapilitan na nga gusto niyo pang sa simbahan gastos lang yan. Diyan nalang sa munisipyo. Lalo nang hindi pa napapatunayan kung anak ko ba yan o hindi malay ko bang pinapaako lang sa ‘kin yan." Isang hampas ang natanggap nito sa Ina. Kaharap ko siya sa inuupuang sofa sa kanilang sala.
Nanlamig ako sabay iwas nang tingin nang ibinaling niya ang tingin sa ‘kin na kung hindi lang siguro ako babae at buntis kanina niya pa ako sinugod.
"Payag ho akong magpa-DNA test kapag naipanganak ko na ‘tong bata. Para ho mapanatag kayo." para hindi niya 'ko bigyan ng tingin na akala mo ako na ang pinakasinungaling at manloloko sa mundo.
Alala ko sa mga sinabi niya noon.
Pagkalabas naabutan pa namin ang kakaalis lang na kotse ni Brandon sunod ang isa pangsasakyan.
"Mayayari talaga sa 'kin yang anak mo mamaya Arman! Iniwan lang basta 'yong asawa niya." Gigil na sabi ni Mama habang binubuksan ang pinto ng kotse sa tabi ng driver seat.
Sumunod akong binuksan ang pinto sa likod.
"Hayaan mo at kakausapin ko," sagot nito at pinaandar ang sasakyan
Nang makauwi sa bahay na pagmamay-ari ng Brandon sumalubong sa amin ang sigurong hindi katandaang ale kasama ang dalawa pang babae. Naunang pumasok ang mag-asawa.
"Nasan si Brandon Mela?" tanong agad ni Mama Zen sa matandang babae.
"Ayun nga ang pinagtataka namin. Umuwi dito pero umalis din agad galing dun sa kwarto niya dala yung bag na lagi niyang gamit kapag may laro sila. Ano bang nangyayare?" sagot nito sabay sulyap sa akin at napayuko nalang ako.
Napahilot nalang si Mama sa nalaman at dumeretso sa taas ang asawa.
Dahil pa yata sakin ang hindi pagkakasundo ng pamilya nila. Napakagat ako ng labi.
Pinaupo ako sa sofa at inabutan ng tubig ng babaeng kasama kanina sa sumalubong sa amin. Nginitian ko siya at nagpasalamat.
Nang may dumating na dawang lalake, kasama sila sa mga humabol kay Brandon kanina.
"Ta sorry hindi namin napabalik si Don kanina." sabi nang lalaking naka puting polo shirt at maong na pantaon.
Kasama ang lalaking naka kulay baby blue na short sleeves button down shirt. Parehas ang tangkad nila.
"Saan nagpunta ‘yong magaling niyong kaibigan?" tanong ni mama habang nakaupo sa tabi ko
"Nasa court ni Tob 'ta kasama si Alec. Silang tatlo lang po nandun." sagot nung lalakeng naka-short sleeves
Napailing ang ginang at humarap sa'kin, puno ng kalungkutan ang muka nito.
"Nakakahiya sayo Eeya pasensya na sa ugaling pinakita ng anak ko. Habaan mo pa sana ang pasensya mo sa kanya."
Napakabait nila.
"Mukang hindi naman naglayas 'yong Anak mo Zenaida. Puno pa yung mga damit niya sa kwarto." imporma ng asawa nito galing sa taas
Tumabi ito sa dalawang lalake bagong dating. "Mauuna na ako Eeya 'nak at may papaluin pa ako sa pwet sa sobrang tigas ng ulo."
Rinig namin ang hagikgik ng lalaking naka short sleeves shirt
" 'To ang epic no'n sa itsura ni Don tapos papaluin sa pwet" at tuloy na ito sa halakhak pero hampas mula sa katabing lalake ang nagpatigil dito.
Napailing nalang ang asawa pero may konting ngiti sa mga labi
Oo nga naman sa itsura no'n ang laking tao, tattoo-an pa tapos papaluin lang sa pwet ng tatay. Napangiti narin ako.
"Sige na hindi pa ba kayo sasabay na dalawa?"
"Sige po tito. 'Ta alis na kami." Ngumiti ito sa amin sabay lahad ng kamay sa akin
"Ako nga pala si Jaxx, kaibigan ni Brandon."
Ngumiti ako sabay tinanggap ko at nakipag-kamay "Ako si Eeya."
Lumapit din 'yong kasama niyang tumawa kanina "Ako naman si Rowan. Pogi for short." Sabay ngisi nito ng pilyo at halik sa likod ng palad ko.
Medyo nagulat ako ginawa nito pero nginitian ko din siya at nakipag-kilala.
Parehas din silang may itsura, si Jaxx na mabait ang bukas ng mukha kabaliktaran ang kay Rowan na mahahalatang pilyo sa kislap ng mata at ngisi.
"Tara na kung anu-ano pa 'yang sinasabi mo ang dumi-dumi talaga niyang bibig mo." Hatak nito kay Rowan na ngumuso pa at sumimangot sa sinabi ng kaibigan.
Bakit parang ang cute nito gusto kong kurutin yung nguso niya
"Alis na kami 'ta at congratulations sa inyo Eeya," sabi ni Jaxx at hinila na paalis ang kumakaway pang si Rowan na kung hindi pa napatid sa may pinto hindi pa titigil
"Ang kulit talaga ng batang 'yon. Hayaan mo at kakausapin ko agad 'yong anak ko."
Bumaling ako kay mama. "Hayaan na po muna natin si Brandon 'ma. Naiintindihan ko po siya, siguro ay nabibigla po siya sa pangyayare."
"Sige. Halina at kumain na tayo sa kusina baka nagugutom ka na." aya sa'kin papuntang kusina.
Doon namin naabutan ang mga hinandang pagkain. Napakarami nito, hindi ko sigurado kung mauubos lahat.
"Hello! Ako nga pala Diday at ito naman si Antonette," pakilala sakin ng isang babae, morena siya ngunit maganda, at sabay turo sa babaeng nag-abot sa akin ng tubig kanina, maputi ito at baby face.
"At ako si Mela tawagin mo nalang akong Nanay Mel. Kasambahay kami dito pero sila Diday at Antonette minsan lang sa isang linggo nagpupunta dito. Ayaw kasi ni Don na may maraming tao dito sa bahay niya." ngumiti sila sa akin at ginantihan ko sila ng ngiti.
Ramdam ko ang maluwag na pagtatanggap sakin. Pwera sa may-ari ng bahay. Hays
Lumapit si mama Zenaida kay Nay Mela at inakbayan ito. "Dahil 'tong si Mela ang katuwang ka noon sa pag-aalaga kay Brandon no'ng maliit pa. Kaya siguro siya lang yung pinapayagan niyang magstay dito sa bahay niya. Ewan ko ba sa batang 'yon."
"Hindi naman ganyan si Sir Brandon no'n eh. Simula nang nag-college naging ganyan na siya iritable at masungit lalo. Ano nga pala pangalan no'ng babaeng lagi niyang kasama tapos nang hindi na nagpupunta dito ay naging dragon na si Sir Brandon kala mo manununtok o bubugahan ka ng apoy kapag kausap o kaya tingnan ka lang niya." Litanya ni Diday na umiiling pa habang nakatalikod sa amin at kumukuha ng mga plato sa lalagyan nito na naging sangi ng patahimik sa paligid
Babae? Ibig sabihin may minahal na siya? At base sa kwento ni Diday naging ganun na ugali niya dahil sa babaeng yun? Siguro ganun niya kamahal 'yun na pati paguugali niya nagiba.
Ramdam ko ang pait sa panlasa ko. Bakit ganito? Gusto kong umiyak. Siguro dahil sa pagbubuntis kaya siguro iba-iba yung nararamdaman ko.
Hinaplos ko yung maliit ko pang tiyan.
Nak wag naman ganun masyado, huh? At kaya natin 'to. Kapit ka lang diyan. Mahal na mahal ka namin.
Nakita ko pa ang pagbatok ni Nay Mela kay Diday na ikinareklamo nito. Pagngiti ng alinglangan ni Mama sa akin at pagiwas ng tingin ni Antonette.
Bakit? Wala lang naman sa akin yun. Nakaraan na.
Talaga ba? Wala lang? Eh konti nalang iiyak ka na
Singit ng isang bahagi ng utak ko kainis ramdam ko yung paginit ng mga mata ko na sana hindi na tumuloy sa pagluha.
Umiling nalang ako at yumuko sabay pumikit para mawala na sa isip ko yun
Humarap sa amin at tumawa ng pilit si Diday matapos siyang pagdilatan ng mata ni Nay Mela. "Ang ibig kong sabihin eh kumain na tayo! Tama! kain na at baka nagugutom ka na Ma'am Eeya masama sa buntis ang nalilipasan ng gutom."
At dali dali nitong nilagay ang mga plato sa harap namin at mga baso naman ang hawak ni Antonette nilalagyan niya ng juice pagkalapag.
Pinagsandukan naman ako ni Mama Zenaida ng ulam na tinanong niya ba kung gusto ko at kanin.
Isinawalang bahala ko nalang yung narinig ko at kumain. Wala akong karapatan masaktan sa kung ano mang patungkol kay Brandon sa nakaraan niya o kung ano pa man.
Panggulo lang ako sa tahimik niyang buhay, sa buhay nila. Pasalamat na lang ako na tanggap ako ng pamilya niya.
Sana maging maayos maging papaano ang mga sumunod na bukas sa amin ng anak ko. Pati na rin ng ama niya.
Para kahit papaano maging maayos kami sa paningin ng anak ko kapag lumaki na siya.
Kahit para sa bata.