Chapter Fifteen

1153 Words

NAKAUPO sa buhanginan si Arabella at nakatingin sa ilang mga bangka na nasa laot. Maaga siyang nagising. Pagkatapos niyang mag-almusal ay lumabas siya ng rest house kahit bahagya pa siyang iika-ika. Hindi na gaanong namamaga ang kanyang paa. Noong isang gabi ay inihatid nga ni Mang Antonio ang kapatid nitong matandang babae sa rest house para hilutin ang paa niya. Pinuno niya ng sariwang hangin ang kanyang dibdib. Walong araw na siya sa isla at nami-miss na niya ang mga naiwan niya sa Manila. Gayunman ay hindi niya maitatanggi na kahit paano ay nagugustuhan na rin niya ang pananatili sa isla. Lalo ngayon at kahit papaano ay nakakagaanan na niya ng loob ang mga tao roon, pati na si Jared.  "Sadyang matigas talaga ang ulo mo, 'no?" Narinig niya ang tinig ni Jared buhat sa kanyang likuran.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD