KAHIT na buhat-buhat na si Arabella ni Jared palabas ng gubat ay hindi pa rin tuluyang humuhupa ang takot niya kanina. Buong akala niya ay doon na siya sa gubat magpapalipas ng gabi, mabuti na lang talaga at hinanap siya nila Jared. Naalala niya ang sinabi ng lalaking naglalakad sa kanilang likuran, ayun dito ay may mga rebelde sa lugar na iyon. Ipinagpapasalamat niya at walang nakakita sa kanya na mga rebelde. Hindi niya ma-imagine kung ano ang mangyayari sa kanya, sakaling hindi siya nataguan nila Jared. Ilang sandali pa ay tuluyan nang nakalabas ng kakahuyan sina Arabella. Nakita niya ang ilan pang mga tao na naroon—kasama na si Aling Consuelo—at may ilan ding pulis. Nang matanaw sila ng mga ito ay agad na sinalubong sila ng matanda. “Diyos ko, Arabella! Mabuti’t natagpuan ka na nila.

