Chapter Thirteen

1544 Words

“OUCH!” malakas na daing ni Arabella. Naupo siya at tiningnan ang bahagya nang namamaga na kaliwang paa. Napapikit siya at nakagat ang ibabang labi habang marahan iyong hinihilot. Nagngingitngit siya sa inis sa sarili. Dahil sa kagagahan at katigasan ng ulo niya ay hayun ang napala niya. Dinukot niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon at sinubukan ulit iyong i-on, pero bigo siya. “Kung hindi ka ba kasi tanga!" nangingiyak-ngiyak niyang kastigo sa sarili. "Sa dami pa talaga ng puwede mong makalimutang gawin, ang pagtsa-charge pa ng cell phone ang hindi mo nagawa!” Maaga siyang umalis ng rest house at nawala na sa isip niyang i-charge muna ang kanyang cell phone. Ayaw sana kasi niyang maabutan siya ni Jared kapag nagising ito, kung maaari nga ay ayaw niyang magpakita dito buong araw. Pero

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD