KADARATING lang ni Jared sa rest house bitbit ang kanyang mga pinamalengke. Kaninang bandang alas diyes ng umaga ay umalis siya at nagtungo sa bayan para ibigay ang full payment sa wedding coordinator na kinuha niya para asikasuhin ang kasal nila Aling Consuelo kahapon. Naisip rin niyang dumaan sa simbahan para ipagdasal si Sofia at muli ay humingi ng tawad rito. Tumuloy na rin siya sa palengke para mamili ng iluluto niya ngayong gabi. "Hindi pa siya bumabalik?" nagtatakang naitanong niya sa sarili nang mapansing napakatahimik ng bahay. Alas otso na ng umaga nang magising siya kanina. Pagbaba niya ay eksaktong paalis na rin si Arabella. Tinanong niya ang babae kanina kung saan ito pupunta, sumagot naman ito. Ang sabi ay maglalakad-lakad lang daw ito sa labas pero alas tres na nang hapo

