IKADALAWAMPU’T dalawang kaarawan ng bunsong kapatid ni Jared na si Leslie at sa isla nito napiling mag-celebrate. Ngayon nga ay nasa pintuan siya ng rest house at inaabangan ang pagdating ng kapatid at mga kaibigan nito. Siya ang nag-asikaso ng party ni Leslie, iyon ang pambawi niya sa hindi pagsipot sa kaarawan nito noong nakaraang taon. IIang sandali pa ay dumating na ang van na inupahan niya para sunduin sina Leslie. "Kuya!" malakas na sabi ni Leslie pagkababa nito ng sasakyan. Lumapit ito sa kanya at malambing na yumakap. "Kanina pa namin kayo hinihintay. Hindi ba dapat before lunch nandito na kayo?" aniya. "Nagkaproblema kasi iyong van na sinakyan namin papunta sa Atimonan, eh. Anyway, these are my friends," sabi nito at isa-isang ipinakilala ang mga kasama. "And this is Dr. Sofi

