Chapter Ten

1140 Words

"MARAMING salamat ulit, Hijo," ani Aling Consuelo kay Jared. Niyakap siya ng matanda. "Kanina pa ho kayo walang tigil sa kapapasalamat sa akin," aniya na ginantihan rin ito ng yakap. Mula sa simbahan hanggang ngayon ay puro pagpapasalamat ang naririnig niya buhat sa matanda. Umalis sa pagkakayakap sa kanya si Aling Consuelo. "Hindi ako magsasawang sabihin iyon dahil ikaw ang tumupad sa pangarap ko mula pa noong kabataan ko." "Narinig ko `yan ha," ani Mang Gener na hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila. "Pinakasalan naman kita sa munisipyo, ah. Mga konsehal pa nga ang ninong at ninang natin. At niyaya din kita noon na magpakasal sa simbahan pero ang sabi mo gamitin na lang natin sa pang-araw-araw ang pera na naipon ko para sa kasal." "Eh, aanhin naman natin ang kasal sa simb

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD