TAHIMIK na nakatingin si Arabella sa labas ng kotse na minamaneho ni Jared. Nakaupo siya sa backseat habang katabi ni Jared sa harapan si Ambet. Patungo sila sa San Pablo Church, ang pinakamalaki na simbahan sa isla na nasa mismong bayan. Ang buong akala niya ay simpleng hapunan lang ang gagawin para sa selebrasyon ng kasal nila Aling Consuelo, pero may inihanda pala na sorpresa si Jared para sa mga ito. Nalaman lang niya iyon kanina bago sila umalis ng rest house patungo sa simbahan. Dapat sana ay simpleng off-shoulder white blouse at dark green na square pants ang isusuot niya, pero kaninang tanghali ay nagulat na lang siya nang dumating si Jared na may dala-dalang isang paper bag at iniabot iyon sa kanya. Isang mahabang blue gray chiffon dress ang laman niyon. Parang sinukat talaga sa

