Chapter Eight

1101 Words

"MAUPO ka na doon, Jared. Ako na ang bahala diyan," ani Mang Gener sa kanya. Huminto siya sa pagsisibak ng kahoy at pinahid ang pawis sa kanyang noo gamit ang likod ng kanang kamay niya. "Kaya ko na ho ito, 'Tay." "Nakakahiya naman sa 'yo, anak. Pumayag ka na ngang dito idaos ang anibersaryo namin ni Consuelo, tapos pinagta-trabaho ka pa namin," bakas sa tinig ng matanda ang pasasalamat. Tinapik niya ang balikat nito. "Kayo naman ho, hindi na kayo iba sa akin." Nakangiting tumango ang matanda. Malapit sa pamilya nila ang mag-asawa. Katunayan ay si Consuelo pa nga ang nag-alaga sa kanya noong bata pa siya. Parang magulang na rin ang turing niya sa mga ito. "Kumusta ka na ngayon, Hijo?" pagkuway ay tanong ng matanda sa mas seryosong tinig. Matagal siyang napatitig sa matanda. Maya-maya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD