NAGSALUBONG ang kilay ni Carlota nang makita ang dalawang tao na naghihintay sa maliit na opisina niya sa loob ng grocery na pag-aari niya. Pagdating-dating niya ay agad na sinabi ng guard na may naghihintay sa kanyang mga bisita, pero nang tanungin niya ito kung sino ay hindi ito makasagot. Ngayon ay alam na niya kung bakit. Napatayo ang mga magulang ni George nang pumasok siya sa opisina. "Good morning," bati pa sa kanya ng mga ito. "Ano'ng kailangan ninyo?" matabang na sabi ni Carlota na ibinitang ang dalang handbag sa ibabaw ng office table niya. Pigil niya ang mapataas ng kilay nang maupo muli ang dalawa kahit pa hindi pa niya inaalok na umupo ang mga ito. Sa totoo lang ay mabigat talaga ang loob niya sa mag-asawa, lalong-lalo na sa ina ni George. Hindi niya gusto kung paano umast

