Chapter 21

1050 Words

Nasilaw sya sa matingkad na sinag ng ilaw sa kisame. Ilang beses muna syang pumikit ng mariin at kumurap bago nasanay ang mga mata nya sa liwanag. Nilinga nya ang ulo para tignan kung nasaan sya. Isa lang ang sigurado nya, nasa ospital pa din sya. Napakunot noo sya dahil tila nasa VIP Room sya ng ospital. Pagbaling nya sa kabilang side ng kama ay mukha ni Gab na nakatiim ang mga labi at seryoso ang aura habang nakatingin sa kanya. Nakahalukipkip ito habang nakaupo sa stool sa gilid nya, mukhang hinihintay syang magising. "Gab, ano nangyari?" tanong nya habang bumabangon paupo sa hospital bed. "You passed out. How are you feeling?" nagbago ang seryosong anyo nito at lumambot ang ekspresyon. "Si Erinne?Kamusta si Gabby? Si-si L-light, ano nangyari sa kanya?" sunod-sunod na tanong nya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD