Mabilis na lumipas ang dalawang buwan at aaminin nya na nag-eenjoy sya sa trabaho nya. Dagdag pa na puro mababait ang mga katrabaho nya.
Na-assign sya sa Emergency room habang si Gab naman ay sa Neuro Department. Magkalayo man ang department nila ay hindi naman ito nagmimintis na puntahan sya o minsan naman ay sinasabayan sya sa break nya. Kaya ang akala ng lahat sa hospital ay boyfriend nya ito. Wala din nagtatangka na lumapit o manligaw sa kanya dahil na din doon, idagdag pa na pamangkin ang lalaki ng Director ng ospital.
Kasalukuyan syang nakasimangot at tila mabigat ang kanyang pakiramdam. Marahil ay dahil sa pagod. Nasa canteen sya ng umaga na yun para mag-break. Ngayon lang sya nakapag-break mula sa graveyard shift nya dahil sa sobrang busy ng ER. "Bakit sambakol ang mukha mo?" bungad ni Gab sa kanya.
"Lumayas-layas ka nga dito! Mainit ulo ko at naiinis ako sa mukha mo!" angil nya dito. Hindi nya maintindihan bakit ang sama ng loob nya. Nag-crave kasi sya ng nilagang saging at gusto nya itong isawsaw sa asin na may sili kaya lang naubos na daw ang saging.
Lumapit ito sa kanya na may dalang cup ng kape mula sa vendo machine. "Grabe! Konti nalang bubuga na ng apoy ah?! Dinig na dinig ng buong cafeteria. Daig mo pa ang dragonesa na may hormonal imbalance" natatawa itong umupo sa harap nya.
Inirapan nya ito. Napapansin nya din na lately lagi nyang hinahanap ang mukha ni Gab pero pag nakikita naman nya ay naiinis sya. "Ewan ko sayo. Kamusta pala yung operation mo?" pag-iiba nya ng usapan pra iwaksi ang mga kakaibang nangyayari sa kanya at ang inis na nararamdaman na hindi nya maipaliwanag.
"Successful naman pero under observation pa. Sana walang complications. Alam mo na, masyadong kritikal kapag open brain surgery" nilapit nito ang kape sa kanya na kinakunot ng ilong nya.
"Ang baho naman ng kape na yan! Lalasunin mo ba ko, Gabrielle Montierde?!" angil nya dito habang nakatakip ang ilong at tinutulak palayo ang kape.
"Mabaho? Ang kape?" takang-tanong nito habang mabilis na inangat ang baso at inamoy
"Hindi naman mabaho ah? Ganito naman lagi ang binibigay ko sayo, ngayon ka lang nagreklamo" tinignan sya nito sa mukha ng may pagtataka.
"Basta ilayo mo na lang please! Ang baho talaga bumabaliktad sikmura ko, Gab" makaawa nya dito.
Agad naman na inilayo nito sa kanya ang kape at itinapon sa basurahan. "What's happening with you, Sun?"
"Sun! Andito ka pala?!" hindi natuloy ang pag-uusap nila ni Gab ng tawagin sya ng kasama nya sa ER na si Loisa.
"Bakit Loi?"
"Akala ko kasi ay nandun ka pa din sa ER kanina. Baka kamukha mo lang. Kasi parang sinugod nya ang anak nya dito sa ospital. Tsaka parang may hinahanap din sya sa ospital kanina. Hindi ko lang masyado natuunan ng pansin dahil busy ako" umupo ito sa kabilang table. Ngayon palang din ito magbe-break.
"May anak kamo? Malamang hindi talaga ako yun, Loi. Wala naman akong anak" nginitian nya ito
"Sabagay oo nga. Pero magkasing-ganda kayo nung babae" pahabol pa nito bago nagsimulang kumain.
"Aysus! Ikaw talaga! Sagot ko na meryenda mo bukas!" biro nya dito na kinakilig nito.
Tumango ako at nginitian ito muli bago binalingan si Gab. Tila nabaon ito sa malalim na pag-iisip. "Gab, may problema?"
Agad naman na nag-angat ito ng mukha bago diretsong tumingin sa kanya. Inalalayan sya nito tumayo at naglakad na palabas ng canteen. Tinanguan nya muna si Loi bago nagpatinaod dito. "Have yourself check, Sun." halos pabulong nitong sambit
"Ha? Bakit?" huminto sila sa may entrance ng E.R.
"I think you're pregnant" naestatwa sya sa tinuran nito.
Bigla nya natutop ang bibig nya at dagling nanlaki ang mata. Shocks! Sa sobrang busy ko ay hindi ko na napansin na pangalawang buwan ko na ngang hindi dinadatnan! At kaya pala lately may mga kakaiba syang food cravings. May mood swings din sya.
"Oh my God!" bulalas nya habang napatulala.
Dagli syang niyakap ni Gab nang makita ang pagpatak ng luha nya. "Shhh! I'm here, Sun. Tutulungan kita" alo nito sa kanya.
"Gabrielle" dagli silang napahiwalay sa pagkakayakap ng marinig ang pagtawag na iyon sa pangalan ni Gab. Mabilis din nyang pinunasan ang mga mata nya.
Sabay nilang nilingon ang pinanggalingan at sabay din nilang binigkas ang pangalan nito.
"Erinne!" sabay na bulalas nila ni Gab. Ngunit magkaiba ng tono. Ang kanya ay kinukumpirma kung ito nga ba ang Erinne na mommy ng batang naligaw na tinulungan nya samantalang yung kay Gab ay gulat ang rumehistro.
"Bakit ka nandito? Sino ang naospital?" nilapitan ko ito. Namumula ang mga mata nito na tila galing sa pag-iyak.
"Si Gabby, na-dengue sya. She needs blood transfusion asap" nag-umpisa na gumaralgal ang boses nito.
Napahawak sya sa dibdib nya sa tinuran nito. "Nakapagpa-test ka na ba kung pwede ka mag-donate?"
Tumango ito "Hindi kami match ng dugo"
"Sa blood bank nakapag-request ka na? Halika samahan kita" hinawakan ko sya sa braso.
"Walang available na blood type nya" mahina at puno ng lungkot ang boses nito
Tinignan ko ito at nakayuko lamang ito habang nkakahawak sa kamay ko na nasa braso nya. "Ano ba blood type nya?"
"AB Negative" tila bumagsak ang balikat ko. Goodness! Rare ang blood type ni bagets!
Nanginig ang mga balikat nito dahil sa piping pag-Iyak at maya-maya ay bumaling ito kay Gab na kanina pa tila natulos lang sa kinatatayuan at tahimik na nakikinig. "Gabrielle, please help me. Help our daughter". Pagmamakaawa nito kay Gab. Halos tila gusto na din nito lumuhod sa harap ng lalaki.
Halos mapanganga sya sa sinambit nito. Oh my gosh! Si Erinne kaya ang sinasabi nitong ex? At si Gabby, ang napaka-bibong si Gabby ay anak nito?!
Hindi pa sya nakakahuma sa mga rebelasyon ng may dumating naman na ambulansya at binaba sa stretcher ang isang duguang lalaki. Nagkulay pula na ang suot nitong longsleeve sa dami ng dugo. Natutop nya ang bibig ng tumapat ang stretcher sa kanya at nakita nya ang mukha nito na kahit punong-puno ng dugo ay makikilala pa din nya.
Nanginginig ang mga kamay nya na nakatakip sa bibig nya "Light!" mahinang sambit nya. Tila bigla syang nanlambot, nawalan ng lakas ang tuhod at nagdidilim ang paligid nya.
"Sun!" dinig nyang sigaw ni Gab ngunit hindi na nya naimulat ang mga mata at tuluyan na syang nilamon ng dilim.