Chapter 19

1224 Words
"What are you doing here?" tanong ni Gab habang nakakunot ang noo pero tila sumasayaw ang mga mata. Umupo ito sa katabi nyang silya at nilapag sa gilid nito ang mga bitbit na gamit. He looks so fresh wearing his baby pink longsleeves na pinatungan ng lab coat at nakasabit pa ang stethoscope nito sa leeg. "Namamasyal lang" sagot nya na hindi ito tinitignan. Baka kasi matawa sya bigla pag nakita reaksyon nito sa pamimilosopo nya. Hindi ako nagkamali dahil kita ko ang pagkulubot ng ilong nito habang pilit hinuhuli ang tingin nya. "Siraulo ka talaga, ang aga-aga puro ka kalokohan na babae ka!" mabilis nitong inabot ang pisngi nya at kinurot iyon. "Aray! Gabrielle Montierde!" hinahawi nya ang kamay nito na nakakurot sa kaliwang pisngi nya habang binabanggit ang buo nitong pangalan. Bigla silang natigilan ng mapansin na nakatingin na sa kanila ang mga tao sa loob ng HR. Oh no! Ang daming Marites na nagkalat. Mahinang usal ng isip nya. "Ayan kasi, ang ligalig mo kasi eh!" angil nya dito ng pabulong Mahina itong tumatawa. Parang hindi ito bothered na mai-tsismis o mapag-usapan. "Bakit ka nga andito? Bukod sa pamamasyal" ulit nito sa tanong nya kanina at sinakyan na din ang kalokohan nya. Abot hanggang tenga ang ngiti ng loko habang inabot sa tabi nito ang chart at inumpisahan buksan iyon. "Malamang mag-aapply! Di ba nga lumayas na ko sa impaktong amo ko na ogre?" inirapan nya ito. Gwapo sana makakalimutin lang talaga minsan. Tumango-tango ito habang ang buong atensyon ay nasa chart na na binabasa. "Lumayas ka na nga dito, Mr. Montierde. Mag-rounds ka na!" tinulak nya pa ito ng mahina. Nakakailang din naman kasi kung andito sya habang ini-interview sya. Sa hinuha nya ay dito din lilipat ang bruho na ito base sa endorsement ng patient charts na hawak nya. "Mamaya pa ang schedule ko ng rounds, Mrs. Montierde" hindi pa din sya nito tinitignan pero sinusupil ang pilyong ngiti sa labi. Nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong nya sa sinabi nito. Kung sa iba nakakakilig yung sinabi nito pero sa sitwasyon nila ngayon mas lamang yung nakakabwisit! Mabilis nyang dinukwang ito at tinakpan ng isang kamay ang bibig nito. "G*go ka talaga! May makarinig sayo, bwisit ka!" angil nya dito. Pilit nitong tinatanggal ang kamay nya sa bibig nito habang tumatawa sa sariling kalokohan. Kasalukuyan sila na nasa ganun na posisyon ng makarinig ng tikhim sa gilid nila. Sabay pa silang napalingon. "Mrs. Miranda!" naunang nakabawi si Gab at ito na ang bumati sa dumating. Sabay silang napatayo. "Dr. Montierde, magandang umaga." malumanay na bati ng ginang sa kanya. Magaan ang aura nito at sinsero ang ngiti. Palagay ko ay nasa 50's na ang edad nito. "By the way, this is Ms. Sunny Cruz, she will be applying as nurse" pakilala nito sa kanya. "Sunny, this is Mrs. Miranda, the HR Director of this hospital". "Good morning, Ma'am. I'm pleased to meet you" nag-hand shake sila nito habang hindi napapalis ang ngiti sa labi nito at paglipat-lipat ng tingin sa kanila. "Pleased to meet you, too Ms. Cruz." matapos ang pagkakamay nila ay bumaling ito kay Gab. "Is she your girlfriend, Gab?" nagniningning ang mata nito na nakatingin kay Gab. Tumawa naman si Gab at inakbayan sya na lalong kinalito nya. "Muntik na Tita. Unfortunately, nabasted ako" halos gusto ko na takasan ng ulirat dahil sa hiya sa pinagsasabi nito. Wala akong nagawa kundi ang pasimpleng sikuhin ito para tantanan na sya ng pang-aasar. Napalingon ako sa ginang ng marinig ko ang nakakahawa nitong hagikgik. Tila aliw na aliw ito sa nalaman. "Serves you right, though. You've been a heart breaker for quite some time now. Ngayon nakahanap ka ng karma mo" sabay tawa nanaman nito. Ako naman ay parang tanga lang na walang ginawa kundi ang magpalipat-lipat lang ng tingin sa dalawang ito. Wala akong maintindihan. Dahil kanina ang pormal pormal pa nila ngayon para lang silang magbarkada o matagal ng magkakilala kung mag-usap. Mukha naman na nahalata ni Gab ang pagkalito nya kaya tumikhim ito. "Sorry Sun. This old but beautiful woman right here is my Aunt. Husband naman nya ang chairman nitong hospital" "Anong old pinagsasabi mo? Isusumbong kita sa mommy mo! Mas old pa yun sakin! Ikaw na bata ka!" nakalabi nitong sagot kay Gab sabay hampas sa braso. "Naku, Iha. Pasensya ka na ha. Akala ko ay may nakahuli na muli sa puso nyang batang yan. It's been a long time" tila may dumaang anghel sa gitna namin dahil sa panandaliang katahimikan na namayani. "Uhm.. Tita, I'll leave you two. May mga pag-aaralan pa kong charts ng patients" may naramdaman sya kakaiba matapos may masambit ang Tita nito. Ito din ang dahilan sa mabilis nitong pamamaalam paalis. "Sun, see you around" ginulo nito ang buhok nya at mabilis na kinurot sa pisngi. Hinabol nya pa ang kamay nito para hampasin pero mabilis na itong nakatakbo palabas. Nang mapabaling sya sa Tita nito ay napakalapad ng ngiti nito sa kanya. "Let's go, Ms. Cruz" at giniya na sya papasok sa loob ng opisina nito. Nang matapos ang interview nya ay agad na syang lumabas sa HR office. At dahil magtatanghali na din pala kaya napagdesisyunan nya na dumaan ng cafeteria ng hospital at dun nalang mag-lunch. Sakto namang pagpasok nya ay namataan nya si Gab na nakaupo sa sulok habang humihigop ng kape. "Kala ko ba may rounds ka? Eh bakit mukhang rounds ng kape ang inaatupag mo?" bungad nya dito. Kita nya ang pagngisi nito at pag-iling. Tinapik din nito ang upuan sa tabi nya matapos nito umusod. Hindi sya sumunod dito at umupo sa katapat ng upuan nito dahil gusto nya obserbahan ang kilos nito. "I smell something fishy, Gab" mataman ko itong tinitigan Bununtong hininga ito at nag-iwas ito ng tingin. "Tsismosa ka din eh no?" sumilay ang ngiti nito pero hindi iyon umabot sa mata nito. I know there's something wrong. Malalim muna syang bumuntong-hininga bago nagsalita "Buwisit talaga ang pag-ibig eh no? Bakit kasi nauso pa kung masasaktan din lang naman tayo" nangalumbaba ako at tumingin sa malayo. Umangat ng tingin ito papunta sa kanya bago umigkas ang isang kamay "drama mo!" pinitik sya nito sa noo "Aray naman! Bwisit ka talaga! Ikaw na nga tong dinadamayan" inirapan nya ito habang hawak ang noong pinitik nito. "sating dalawa ikaw tong madrama! Ayaw mo pa kasi i-chika sakin!" Umiling ito habang natatawa sa kanya. Tumingin ito sa noo ko na lalong kinatawa nito. Namula pala yung parte ng pinitik nito at mukha akong siopao asado na may pula sa gitna ng ulo. "Wala nga kong ichi-chika." pagtanggi pa nito sabay higop sa kape nito. "Hmmm.. Hindi ka pa na-inlove?" binalik nya sa baba ang isang kamay nya habang nasa lamesa ang isa pa. Tumingin ito sa kanya at naiwan sa ere ang pagkakahawak nito sa cup ng kape "May amnesia ka? Di ba binasted mo pa ko?" nakaarko ang mga kilay nito pero mukha naman walang hinanakit sa tono nito. "Gagi, sa iba. Yung dati. Yung past. Gets mo?" inis nyang dinuro to. Ngumiti ito ng mapait bago diretsong tumitig sa kanya. Humugot ito ng hangin bago malungkot na sumagot "Oo. Dati. Sobra. Pero sumuko sya".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD