Maaga syang gumising kinabukasan para makapaghanda sa pag-apply sa hospital. Bumangon sya at inayos muna ang higaan bago tumungo sa kusina at maghanda ng almusal.
Kasalukuyan syang nakasalampak sa harap ng lamesa habang nasa harap ang umuusok na black coffee at cheese bread na binili nya kahapon sa coffee shop kung saan sila nagkita ni Gab.
Muli nyang inalala ang naging pag-uusap nila kahapon.
"I'm inlove with somebody else, Gab." napayuko sya matapos itong sabihin pero dagli din napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang malakas nitong paglunok. Nakita ko din ang pagtaas baba ng adam's apple nito at ang pagdaan ng lungkot sa mukha nya.
"I'm sorry" hinging paumanhin ko ng wala akong marinig na tugon mula dito.
Sumilay ang pilit na ngiti sa mga labi nito bago umiling at nagsalita "No. Don' be sorry, Sun. I actually admire you more by doing this. I am hurt, yes, but you just saved mo into a much deeper pain." marahan nitong muling inabot ang mga kamay nya at masuyong pinisil iyon.
Nag-iinit ang mata nya sa naging tugon nito. Bakit ba minsan ang unfair ng mundo? Magmamahal ka na rin lang sa hindi pa kayang suklian ang pagmamahal mo.
Ngumiti ako dito at hinigpitan ang hawak sa kamay nito "Hays, feeling ko kailangan na magretiro ni Kupido" bulalas ko habang nanghahaba ang nguso.
Agad naman kumunot ang noo nito pero may sinusupil na ngiti sa labi "Bakit?"
"Eh kasi mali-mali ang mga pinapana nya! Hindi magtagpo ang mga puso. Hindi na sya sharp shooter! Baka malabo na ang mata nya" tumawa ko ng mahina at lumabi. Kita ko din ang pagkabura ng kalungkutan sa mata ni Gab at tumawa sa tinuran nya.
Umiiling ito na nakatingin sa kanya habang nakangiti "Goodness. Tell me how to unlove you, Sun. Because to be honest, you are a perfect example of an ideal woman that every man will dream of. I swear!"
Pakiramdam ko ay nangamatis ang mukha ko sa tinuran nito. Ngunit agad na nalungkot ng may maalala. Ngumiti ako ng mapait "Unfortunately, there's this man who never saw what you are seeing in me right now"
Marahas itong humugot ng malalim na hinga at bumuga "It's his loss, not yours. You have to remember that you will never be enough to the wrong person, Sun"
Ouch. Wrong person. Sakit!
Pero hindi tumututol ang isip nya. Dahil alam nya na ito nga ang eksaktong nararamdaman nya. She felt like she's not enough for Light. That's what he made her feel after everything that she have witnessed on his penthouse.
Damn! Ayoko na balikan yun. Ayoko na.
Umiling sya at pilit winaksi ang pagbalik ng eksena sa utak nya.
"Sun, can we atleast be friends?" napatitig sya sa gwapo nitong mukha.
"Friends lang?" ngumiti ako habang sinusukat sya ng tingin.
He gave me a confused glare "Oo? Naku Sun ha!" banta nito sa kanya
"Ayaw mo ng with benefits?" pinanlakihan ko pa ito ng mata at tinaas-taasan ng mga kilay
Kita ko ang pagguhit ng hindi makapaniwala nitong itsura sa mukha nya at umawang pa ang labi. Hindi ko na napigilan at napatawa ako ng malakas
"Joke lang!" napahawak pa sya sa tyan nya sabay peace sign dito. Ito naman ay walang tigil ang iling ay nahawa na din sa pagtawa
"Huwag mo ko jino-joke joke dyan. Baka patulan kita!" pilit nitong inaabot ang pisngi nya para kurutin na hinahawi naman ng mga kamay nya. Kung titignan para nga talaga silang magjowa na naghaharutan. Pero para sa kanya, para syang nakahanap ng kuya na hindi nya naranasan dahil sya ang panganay.
Napangiti sya habang binabalikan iyon. Tila sya nagkaroon ng bagong malapit na kaibigan. Nalungkot nga lang sya at lilipat na pala ito ng ibang ospital.
Bigla nyang natampal ang noo nya "Shocks! Hindi ko pala natanong kung saan sya lilipat na ospital!"
Tumayo na sya at nagligpit. Naisip nya itetext nya nalang ito mamaya.
Mabilis syang kumilos at naghanda para sa pag-apply nya ng trabaho.
Kasalukuyan syang nasa Lobby ng hospital at dinudukot sa bag ang envelope nya ng bigla syang mapatigil sa nakita.
Nanlalaki ang mga mata nya at nakaawang ang labi nya. Tila din panandaliang natulos sya sa kinatatayuan nya. Si Doc Jon! s**t!
Nataranta sya ng mapagtanto na papunta sa direksyon nya ito. Oh my gosh! Hindi nya ko pwede makita! May sa tsismoso pa naman tong isang to!
Kapag nagkataon baka itimbre pa nito kay Shrek kung nasaan sya at magulo nanaman ang nananahimik na nyang universe!
Kung hahanapin man ako ng Ogre na yun malamang dahil hahanapin ako ni Dona Mila at kargo nila 'ko. Pero hindi dahil gusto nya ko bumalik. Duh?!
Natataranta syang nagpalinga-linga at naghanap ng matataguan. Agad syang tumakbo papunta sa pader sa gilid at kinubli ang katawan doon habang panaka-nakang sumisilip dito.
Mabuti nalang at abala ito sa pagbabasa ng chart na hawak nya habang tila pinapaliwanag sa kanya ng kasamang isa pang doktor ang laman ng chart. Nang mapatapat na ang mga ito sa pinagkukublihan ko ay sinarado na nito ang chart at sinuksok ang kanang kamay sa bulsa ng lab coat nito.
Akmang sisilip sya muli ng makitang lumingon ito sa pinagkukublihan nya. Kaya halos ibaon na nya ang sarili sa pader para lang hindi nito makita.
"Jusmio! Huwag naman po please!" piping dasal nya habang tila maglips-to-lips na sila ng pader.
Nakahinga sya ng maluwag ng makalampas na ito at lumiko sa kabilang pasilyo.
"Wew! Muntik na ko dun ah!" mahinang bulalas nya habang tinatapik tapik ang dibdib para pahupain ang kaba nya.
Muli nyang inayos ang sarili. Sinipat nya ang sarili sa glass window bago naglakad papunta sa HR ng ospital.
Nang makapasok ako sa loob ay agad naman akong in-estima ng receptionist at in-endorse sa recruitment department.
Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa kinauupuan ko kung saan ako pinaghintay ay halos bigla nanaman ako nawindang sa nakita kong lumabas ng pinto ng isang silid sa HR.
Mariin kong pinikit ang mata ko. Pashnea! Mukhang sa ibang planeta pala dapat ako lumipat eh ano po? Dahil kung dito-dito lang sa earth ang dami mo pa ding makikitang kakilala kahit saan ka magpunta!
"Sun?" pukaw ng isang pamilyar na tinig sa kanya. Unti-unti nyang minulat ang mata nya at pilit na ngumiti. Huli na din naman para magtago pa sya.
"Gab!"