Chapter 17

1340 Words
Mabilis syang nakahanap ng pansamantalang matitirahan. Mabuti na lamang at kahit papaano ay nakaipon sya mula sa sweldo nya sa mga Del Fuego. Plano nya na mag-apply muli sa hospital bilang nurse o therapist para ma-practice ang profession nya. Isa pa, kailangan nya makahanap ng trabaho agad para masuportahan ang nanay at mga kapatid nya. Napalingon sya sa pinto ng bahay na nilipatan nya nang may kumatok. Mabilis syang tumayo at pinagbuksan ito. Ang nakangiting landlady nya ang bumungad sa kanya. Napagiliw nito makitungo sa kanya at pakiramdam nya ay wala syang magiging problema pakisamahan ito. "Iha, naisip ko baka wala ka pang unan at kumot kaya dinalhan kita para may magamit ka" sabay abot sa kanya ng unan na mukhang bagong palit ng punda at kumot na naamoy nya pa ang fabcon halatang malinis at bagong laba ito. Sinuklian nya ito ng nahihiyang ngiti "Naku, nag-abala pa ho kayo, Aling Siling. Maraming salamat po ha" wika nya ay marahang inabot ito sa matanda. Tinapik sya nito sa braso "walang anuman iha. Tawagin mo nalang akong Nay Siling. Huwag na Aling Siling, nakakatanda!" biro dito sa kanya sabay sapo sa sariling pisngi. Bigla tuloy nya na-miss ulit ang nanay nya. "Marami hong salamat, Nay Siling. Ang swerte ko ho at ang bait at ang ganda ng landlady ko" dagdag nya pa dito. Tila naman kinilig ito sa sinabi nya. "Kuuuuh! Ang batang ito! Parang ikaw ang magiging paborito kong boarder!" bulalas nito habang may malapad na ngiti sa labi at nakahawak sa braso nya. Lumabi sya at binalingan ito "Nay, ako lang ho ang boarder nyo!" tumingin ito sa kanya at sabay silang nagtawanan. Humawak ang matanda sa dibdib nito bago tumatawang sumagot "Oo nga pala noh?" Natatawa syang umiiling dito. Nang magpaalam ito ay bumalik sya sa pag-aayos ng mga gamit nya. Studiotype ang inupahan nya dahil gusto nya ng may privacy at hindi din sya sanay na nakikihati sa banyo. Gusto nya ay yung magiging kumportable sya kahit papano. Maliit lamang ito pero nang makita nya ito kanina ay ang gaan ng pakiramdam nya sa bahay. Tahimik at hindi ganun katao sa lugar at yun ang hinahanap nya lalo na kapag nakapasok na sya bilang nurse. Kahit pang-graveyard sya ay makakatulog pa din sya ng payapa kahit sa umaga. Isa pa ay napakaayos ng loob ng bahay. Mukhang well-maintained ito ni Nanay Siling. Napangiti sya ng maalala ang matanda. Napakagaan ng loob nya dito. Si Nanay Siling ay mag-isa lamang na naninirahan sa kanyang bahay kasama ang apat nitong mga napaka-cute na mga alagang furbabies. Katabing bahay nya lamang ito kaya anytime ay makakachikahan nya ito. Ang mga anak nya ay mga OFW ngunit umuuwi naman taon-taon. Nabanggit nga nya na dapat ay ipe-petition sya sa Canada ng isang anak nya pero tumanggi sya dahil mas gusto nya dito sa Pilipinas. Hindi nya daw kasi kaya ang lamig dun, rarayumahin lang sya! Naiiling sya na napapangiti nanaman. Napadpad sya ng Laguna, sa kagustuhan na din nyang makalayo kay Light. Isa pa, madaming mga malalapit na ospital dito. Susubukan nyang mag-apply sa isa sa pinakakilalang Hospital sa lugar. Ang St. Ravenus Medical Hospital. Balita nya maganda din ang compensation rate kaya dito sya mag-uumpisang mag-apply. Napapitlag sya ng marinig nya ang message alert tone ng cellphone nya. Kinuha nya ito mula sa bag nya at sinilip kung sino. Ang daming sunod-sunod na mensahe ang natanggap nya kaya napakunot ang noo nya. Tila nagrigodon ang t***k ng puso nya ng mapagtanto kung kanino galing ang mensahe. Sa damuhong malanding Ogre na si Shrek! Marahil ay nalaman na nito ang pag-alis nya. Napataas pa ang kilay nya habang lihim na nagngingitngit. "Ano ngayon nya lang nalaman na lumayas na ko? Anumpetsa na? Malamang napagod ang mga p*nyetang haliparot sa paglalampungan ng magdamag!" para syang nasisiraan ng bait na kinakausap ang sarili. Ay mali. Para syang siraulo na kala mo may kaaway. Kung may makakakita sa kanya iisipin talaga na baliw sya. Binuksan nya ang mensahe. "Hoy Unano! Asan ka ba? Umuwi ka na! Isusumbong kita kay Lola Mila!" napapalatak sya sa unang mensahe na nabasa nya habang napapahigpit ang hawak sa cellphone nya sa gigil. "Edi magsumbong ka! Ogre ka!" sigaw nya sa cellphone nya na akala mo naman ay maririnig ang sentimyento nya. Binuksan nya pa ang mga sumunod na mensahe "Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Sunny side up! Kung ayaw mo maparusahan! Uwi na! Now na!" parang gusto nang umusok ng ilong nya. Tinawag pa syang sunny side up? Ano itlog lang????? "Eh kung itlog mo kaya i-sunny side up ko na talipandas ka?! Grrrrrr!" makaasta to sa mga text messages kala mo walang ginawang kababuyan! Hindi na nakuntento sa ari-arian ko, umararo pa ng iba! Sarap basagin ng bumbilya! Ang ibang mensahe ay puro isang salita lamang. Pero hindi nya alam ano mararamdaman. Unano! Muffin! Baby! Love! Sweetheart! Gulong-gulo na ang puso nya! Naiinis sya sa sarili nya dahil sa kabila ng lahat, she still longs for this f*cking man! Sya at sya pa din. Pinagkakanulo sya ng pagmamahal nya dito. Namumuhi sya dito pero mas kinamumuhian nya ang sarili nya. Marahas nyang binagsak sa kandungan ang cellphone nya at madiin na hinilot ang magkabila nyang sentido. "Bakit ba pagdating kay Light napakarupok mo! Mahihiya pati kropeck at chicharon sa pagkarupok mo!" at marahas na sinabunutan ang sarili sabay hilamos ng mga palad sa mukha. Napatigil sya sa paghilamos ng palad sa mukha nya ng tumunog muli ang message alert tone ng cellphone nya. Akala nya ay mula kay Light ulit pero nagkamali sya. Hi Beautiful Sun! Just would like to remind you on our date later. Would you like me to pick you up? Just give me the address of your employer. Gab Napahilot sya sa magkabilang gilid ng ilong nya. Oo nga pala! Muntik na mawala sa isip nya ang usapan nila ni Doc Gab. Tumingin sya sa orasan, alas dos na ng hapon. Kailangan na nya maghanda dahil malayo-layo ang byahe nya mula Laguna pabalik ng QC. Nagtipa sya ng reply nya dito. Matapos maisend ay binuksan nya ang cellphone nya at inalis ang sim card. Bibili sya ng bagong sim para mas maging tahimik ang buhay nya. Pagdating nya sa meeting place ay nandun na si Gab at kumaway sa kanya habang may malapad na ngiti. Napakasimpatiko nito sa suot na black polo shirt na may lining na white. Idagdag pa ang makinis at mamula-mula nitong balat. Putok din ang muscle sa braso nito na halatang alaga sa gym. "Hi! You are as lovely as ever" puri nito sa kanya matapos sya alalayan na makaupo sa hinatak nitong silya. Napaka-gentleman! Halata nya din ang pagpapa-cute nito. Nginitian nya ito "Naku, huwag mo na ko bolahin" wika nya sabay pabirong umirap na kinatawa nito ng mahina. Pansin ko din ang pagtingin ng ilang kababaihan sa pwesto namin at tila kinikilig sa nakikitang magandang tanawin. Swerte ko na nga at ako ang kaharap nito at tila ako lang din ang nakikita ng mata nya. "By the way, I just would like to let you know na magta-transfer na ko sa ibang hospital" panimula nito. Tumatango-tango sya habang tila hindi nag-sink in sa kanya ang sinabi nito. Okupado sya ng napakaraming bagay. Napukaw lamang ang pansin nya ng maramdaman ang kamay nito na humawak sa mga palad nya. "Sun? Are you okay?" tinignan sya nito ng may pag-aalala. Pinilit ko ngumiti at tumango. Lumunok muna ako ng malakas at tumikhim para pawiin ang tila namumuong bara sa lalamunan ko bago nagsalita "there's something I want to discuss with you, Gab" seryoso kong turan. Dagling kumunot ang noo nito at sumeryoso ang mukha. Inalis nito ang pagkakahawak sa kanya at pinagsalikop nito ang mga kamay at ipinatong ang baba habang matiim na nakatitig sa kanya. "About what?" halata ang kuryosidad sa tono nito "About us" diretsang sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD