CHAPTER 16

1034 Words
Natutop nya ang bibig nya sa nakita nya. Si Light na nakaupo sa sofa habang may nakakandong na babae dito at wala ng saplot pantaas habang ang palda nito ay nakalilis na din paitaas at kita ang lacey underwear nito. Gumigiling ang babae sa kandungan nito habang magkahugpong ang kanilang mga labi. Sh*t! Napapikit sya ng mariin bago muling dumilat. Umaasa syang namamalikmata lamang sya. Makailang beses din syang kumurap kurap pero totoo ang nakikita nya sa harap nya. Patuloy pa din ang mga ito sa kalaswaan at hindi namalayaan ang pagpasok nya. Marahil masyado silang dalang-dala ng pagnanasa nila. Mabilis nya pinalis ang luha na kumawala sa mga mata nya. Eto na ba? Oo eto na nga. Eto na ang end game. Game over sa kahibangan sa pagitan nila ni Light. "Uhmm" pagtikhim nya para pukawin ang atensyon ng mga ito sa ginagawa. Agad naman na napabalikwas si Light at marahas na naitulak ang babae sa kandungan at nalaglag sa sahig. Kita ko ang pag-alog ng dalawang malulusog na bundok nito. Masama ang tingin na pinukol sakin ng babae habang si Light ay tila namumutla na hindi mawari. "Sun" bigkas nito sa pangalan nya. Pilit kong pinatatag ang sarili ko. Hindi ako papayag na magmukhang kaawa-awa sa harap nito. Walang emosyon ko itong tinignan bago nagsalita. "Pasensya na naistorbo ko kayo. Next time kakatok muna ko or siguro mas maganda sa-sa kwarto nyo gawin. Aakyat na ko." lumunok ako para pawiin ang tila bumabara sa lalamunan ko. Muntik pa kong pumiyok at mabulol. Konti nalang bubuhos na ang luha nya. Mabilis akong umakyat sa itaas at agarang sinara ang pinto. Muli kong pinalaya ang kanina pa pinipigilan na pagdaloy ng luha. Tumakbo ako sa cr at doon tumangis. Nang tila wala na syang mailabas na luha ay lumabas na sya ng banyo at nagbihis. Sa isip nya ay buo na ang desisyon nya. Magdamag na mulat ang kanyang mga mata. Pagod na pagod na ang pakiramdam ng isip nya. Namamanhid na din ang pakiramdam nya at mapait ang kanyang panlasa. Naihanda na nya ang kailangan. Maingat nyang nilapag sa kama ang sulat nya bago matamlay na dinampot ang kanyang bag. Dahan-dahan nyang pinihit ang doorknob at sinilip kung nasa sala pa ang dalawang haliparot. Nakahinga sya ng maluwag ng wala syang makitang tao dun. Maingat ang kilos nya at ayaw gumawa ng ingay para makaalis sya ng payapa. Nang nasa pintuan na sya ng penthouse palabas ay nilingon nya pang muli ang kabubuan ng bahay bago ngumiti ng matamlay at tuluyan ng lumabas. Pupuntahan nya yung nakita nyang room for rent sa online. Pero dahil maaga pa ay naglakad lakad muna sya. Bumalik sya sa parke na pinuntahan nya kahapon at dun umupo sa isa sa mga bench. Nilapag nya ang travelling bag nya sa tabi at niyakap ang sarili. Papasikat na ang araw dahil magaala-sais na ng umaga. Kinapa ko ang cellphone ko, dinial ang numero ng nanay ko. Alam ko gising na yun alas kuwatro palang. "Hello" dinig nyang sagot sa kabilang linya. Nag-init ang mga mata nya sa pagdinig palang nya ng boses ng nanay nya. Naalala nya ito lagi ang takbuhan nya pag may problema sya. Ito ang numero unong kakampi nya. Lagi itong handang makinig sa mga sentimyento nya at laging may nakahandang payo anuman ang pinagdadaanan nya. "Nay" gumagaralgal ang boses nya "Anak, umiiyak ka ba?" dinig nya ang nag-aalalang tono ng nanay nya kaya mabilis nyang pinalis ang luha na dumaloy sa mata nya at pilit pinasigla ang boses nya. "Hindi po Nay! Kakagising ko lang po kasi. Kamusta po kayo dyan? Hindi naman ba pinasasakit ng dalawa kong kapatid ang ulo ninyo?" "Hindi naman anak. Nakuu, ay eto at ikaw ay sobra na namin namimiss" wika ng ina nya na lalong nagpabalong sa luha nya. Gusto-gusto nya ng yakapin ito, lalo na sa ganitong panahon na kailangang-kailangan ko ng karamay. Pero ayoko silang bigyan ng alalahanin. Lalo at may sakit si Nanay at hindi ko gugustuhin na may mangyari dito sa pag-aalala sa kanya. Nadinig nya ang boses ng nga kapatid nya at nahimigan ko na nami-miss din nila ko. "Nay! Si Ate Sun ba yan? Ateeee miss ka na namin! Kelan ka uuwi?" magkasabayan na sigaw ng dalawa ko pang kapatid sa kabilang linya. Napangiti ako habang walang patid pa din ang pagluha ko. Just hearing their voices, I felt home. I found peace. "Hoy! Kayong dalawa huwag nyong pasakitin ulo ni Nanay ha! Kutos kayo sakin! Pag-uwi ko dyan mag-bonding tayo! Miss na miss ko na kayo" hindi ko na napigilang mapahikbi. "Mag-iingat ka dyan anak ha. Miss ka na namin. Sana makadalaw ka dito" "O-opo Nay. Palagi po akong mag-iingat. Kayo din ho dyan. Inumin nyo ho ang maintenance ninyo palagi ha. At kayong dalawa alagaan nyo si Nanay habang wala pa si Ate. Okay?" bilin nya sa mga ito. "Yes Ate! Etong si Nanay minsan matigas din ang ulo! Mahirap din pala magpalaki ng nanay eh ano?" napatawa sya sa tinuran ng bunso nila. Ito talaga ang pinakakengkoy sa kanila. Namana nya iyon sa tatay nila na palabiro din. Nadinig nya din ang pag-aray ng kapatid ko marahil ay kinurot ito ni Nanay dahil sa pinagsasabi nito. "Sige na anak at baka may gagawin ka pa. Ingat Nak" "Ingat dyan Ate I love you!" magkasabay pa ang dalawa na sumigaw. Nakatakip sa bibig nya ang kamay nya dahil baka mapahikbi nanaman sya. "I love you Nak" "I love you Nay at sa inyong dalawang mababait. Love you! Bye" pinatay na nya ang tawag. Humigop sya ng hangin at malakas din na binuga. Minsan talaga pamilya ang matatakbuhan mo sa oras na pakiramdam mo ang bigat bigat na. Alam kong hindi lahat ay ganito pero siguro ay maswerte ako na kahit hindi na kami kumpleto ay ang pagmamahal pa din nila ang pumapawi ng bigat at sakit at ang pumapayapa sa naguguluhan nyang isip. Tumayo na sya at naglakad palayo sa lugar na nagbigay ng sakit sa puso nya. Hay Light! Ikaw lang ang Light na nagbigay dilim sa buhay ko. Pashnea ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD