Mariin akong napapikit habang sinusupil ang pag-iinit ng mga mata ko at ang nagbabadyang luha na nais umagos mula dito. Pakiramdam nya ay paulit-ulit syang sinaksak sa dibdib sa mga narinig nya.
She doesn't deserve this. She doesn't deserve this.
Paulit-ulit itong ume-echo sa utak ko. Parang gusto ko nalang maglaho. Parang gusto ko nalang lumayo. Hinawakan nya ang dibdib nya, parang sasabog ito sa tindi ng sakit na nararamdaman nya. Maingat nyang sinara ang pinto at dahan-dahang dumausdos paupo sa sahig habang tahimik na tumatangis.
Alam naman nyang masasaktan sya sa huli at sya ang talo sa laro na ginawa nila ni Light. Pero hindi nya inaasahan na ganito pala iyon kasakit. Hindi nya napaghandaan ang bigat at sakit lalo at marinig mo sa taong mahal mo na hindi ka nya deserve.
Napatingala sya habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig nya upang hindi kumawala ang hikbi nya at huwag makagawa ng ingay. "Bakit? Bakit nga ba si Light pa ang mahal nya? Bakit ba hindi maturuan ang lintik na puso na ito na iba nalang ang mahalin? Yung masusuklian din ang pagmamahal nya at hindi paglalaruan lang. Hindi pang-kama lang. Hindi lang pampawi ng init" mahinang usal nya sa pagitan ng piping hikbi nya.
Sa pagitan ng pagiyak nya ay nadinig nya ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone nya.
Mabilis nyang pinunasan ang mga luha sa mata nya habang sisinghot-singhot na marahang tumayo at tumungo sa bedside table kung saan naroroon ang kanyang cellphone at nakita sa screen kung kanino galing ang mensahe. Doc Gab.
Hi Beautiful! Let's meet tomorrow ha? See you!
Love,
Gab
Ngumiti sya ng mapait. Yung mas mapait pa sa ampalaya. Sana si Gab nalang ang minahal nya. Bakit kasi sa Light pa na yun na nuknukan na nga ng babaero eh mas manhid pa sa naturukan ng anesthesia na ice-caesarean!
Bumuntong-hininga sya at inayos ang sarili. Gusto kong lumabas at lumanghap ng hangin. Parang sinasakal ang pakiramdam ko dito sa loob. Gusto kong huminga at mag-isip. Ito yung punto na parang gusto mo nalang magka-amnesia. Para hindi mo na maramdaman yung bigat, sakit at lungkot.
"Arrghhh! Ayoko na ng ganitong pakiramdam!" mahinang usal nya at muli nanamang bumalong ang luha nya habang ginugulo ang buhok nya. Ngunit mabilis nya ding pinalis.
"Kaya mo yan, Sun! Fight!" pag-cheer nya sa sarili at pilit na ngumiti habang nakatingin sa salamin sa tokador at sumusuntok suntok sa hangin ang kamao.
Mabilis syang pumasok sa banyo at nag-ayos. Lalabas muna sya. Tinakpan nya din ng concealer ang mugto nyang mga mata. Bago sinuot ang shades para itago ang pamumula nito.
Binuksan nya ng malakas ang pinto ng kwarto ng palabas na sya para kung sakali man na may pinag-uusapan pa sila na hindi nya dapat marinig ay mapatigil na agad ang mga ito.
Dagli ang paglingon ng tatlo sa kanya. Ngumiti sya sa mga ito. Nakangiti din pabalik si Dreb at Levy sa kanya pero si Light ay nakakunot ang noo.
"Saan ka pupunta? Mamalimos ka ba sa labas at naka-shades ka pa?" napaismid sya sa pang-aasar nito. Pitikin ko kaya to sa bumbilya nito ng makaganti man lang ako!
Pinilit nyang ngumiti sa harap ng mga ito. "Lalabas lang ako saglit. Lumuwas yung classmate ko sa probinsya dito sa Manila. Ime-meet ko lang bukas na kasi ang flight nya papuntang Taiwan" pagdadahilan nya.
Napahinga naman sya ng malalim ng mawala ang pagkakakunot ng noo nito at tumango. Siguro ay gusto din nito na umalis sya para naman mas malaya silang mapag-usapan ang mga dapat nilang pag-usapan.
"Okay. Mag-ingat ka. Huwag ka magpagabi at delikado sa daan" wika nito na hindi sya tinitingnan.
Napaismid sya ng lihim. Baka nga mas gusto mo na may mangyari sakin sa daan para hindi ka na mamrublema sa pagiging kasal natin. Huramentado ng isip nya.
Pilit syang ngumiti "Yes, Sir!" pinasigla nyang pilit ang boses nya at sumaludo pa dito na kinatawa naman ng dalawang kaibigan nya.
Dali-dali na syang lumabas ng pinto ng hindi lumilingon. Ramdam kasi nya na nakasunod ng tingin ang mga ito sa kanya.
Hmp! Eto na nga aalis na para hindi na kayo maistorbo! Galaiti ng isip nya.
Nang makalabas ay dahan-dahan lang syang naglakad. Wala naman syang direksyon na pupuntahan. Hanggang sa dinala sya ng mga paa nya sa isang parke.
Ang daming mga nagpi-picnic. May mga nakalatag na sapin sa damuhan at abala ang mga nanay at tatay sa pag-aayos ng mga dala nilang pagkain habang ang mga bata naman ay walang humpay sa pagtakbo at paglalaro.
Hindi nya namalayan na nakangiti na sya habang pinagmamasdan ang mga ito. Habang abala sya sa pagtingin sa mga batang naglalaro ay dagli syang napayuko dahil naramdaman nya na may humihila sa laylayan ng damit nya.
Lumuhod sya para magpantay ang mukha nilang dalawa. Isang napaka-cute na batang babae. Naka-pigtail ang buhok nito. Napakakinis ng maputing balat at namumula ang matambok na mga pisngi at naka-pout ang lips. Ang sarap kidnapin!
"Hi Baby! Where's your mommy?" malambing na tanong ko dito. Baka nawawala ito.
"Miss pretty, I can't find my mommy!" ngayon lang nya napansin na nangingilid pala ang luha nito. Hanggang sa tuluyan na itong umiyak.
"Shhh..come here. Let's find your mommy, okay? I'm sure she's so worried about you already" binuhat ko ito na agad din naman na humilig sa balikat ko. Nakuu, pag ganito ang batang ito ay maki-kidnap talaga!
Sa tantya nya ay nasa 4 or 5 years old ito. "Next time baby do not talk to strangers ha!" bilin ko dito.
Lumingon lingon ako sa paligid at tinitignan baka merong natataranta na nanay na hinahanap ang anak nya. Pero sa dami ng tao sa park medyo nakakahilo ang tignan sila isa-isa. Umupo muna kami sa bench at naghintay baka may mapadaan na gwardya.
Iniupo ko ito sa hita ko "What's your name baby?" tanong ko dito habang hinihimas ang buhok nito.
"My name is Gabrielle but you can call me Gabby. How about you?" she's smart and sooo damn cute!
"Beautiful name! Well, my name is Sunny but you can call me Tita Pretty" malapad ang ngiti nya na wika dito.
Tila isang anghel ang batang ito na pinadala sa kanya para makalimot sa sakit na nararamdaman nya.
"Okay Tita Pretty!" Nag-thumbs up pa ito at ngumiti din. Lumabas tuloy ang dalawang malalim na dimples nito. Konti nalang kakagatin ko na ang batang to eh! Nanggigigil ako!
Dinala nya ang bata sa information area. Pagdating dun ay nagulat sya ng magsisigaw si Gabby.
"Mommy!" bumitaw ito sa kanya at patakbong yumakap sa tinawag nitong mommy. Ang ganda din pala ng mommy ni Gab may pinagmanahan ng ganda.
Abot-abot ang pasasalamat ni Erin sa kanya. Ang mommy ni Gabby. Halos magkandaiyak pa ito at hindi matapos tapos sa pagpapasalamat. Binilinan ko nalang na mas bantayan sya sa susunod para hindi na sya mawala.
Nagpasya na syang umuwi dahil inabot na din pala sya ng dilim. Alas otso na kaya kailangan na nyang bumalik sa penthouse.
Nang makarating sa tapat ng pinto ng condo ay dahan dahan nyang binuksan ang pinto. Nang magkasiwang ay tila nakarinig sya ng malalim na hinga. Napaisip sya marahil nanunuod ang tatlo ng tv. Tinulak ko ang pinto at natulos ako sa kinatatayuan ko sa nadatnan ko.