Akma akong kakalas para daluhan ang nagdo-doorbell ngunit mahigpit pa din ang pagkakapulupot ng matigas nitong braso sa beywang ko. Ramdam nya ang pagtutol nito na itigil ang milagrong ginagawa nila.
"Shrek, may tao sa labas" pilit nyang nililingon ito ngunit lalo lang nitong binaon ang mukha sa kanang leeg nya at nagpatuloy sa paghimas sa isang hita nya. "Shhhh...baka nagkamali lang yan. I'm not expecting any visitor today except for those *ssh*les that Lola Mila sent" may inis sa tono ng pananalita nito sa pagitan ng panaka-naka nitong paghalik sa leeg nya.
Sabay nanaman silang napaigtad ng sunod-sunod na ang pag-buzz ng doorbell. Walang humpay. Yung hanggang sa punto na parang gusto na nito mawasak ang eardrum ng nasa loob para pagbuksan na ito.
"Makakapatay talaga ko kung sino man ang istorbo na 'to!" nagngingitngit nitong turan habang dahan-dahan nitong niluluwagan ang pagkakahawak sa kanya. Isang malakas at marahas na buntong-hininga muna ang pinakawalan nito bago sya tuluyang bitawan.
Sya naman ay nanatiling nakatayo sa may sala para abangan kung sino ang iluluwa ng pintuan na pwedeng mapatay ni Light anumang oras. Napangiti sya sa naisip. Hindi dahil makakapatay si Light kundi dahil sa pagkairita nito dahil sa pagkabitin. Lihim na din syang nagpasalamat dahil hindi natuloy ang kapusukan nila kundi ay baka may mabuo na talaga.
"What the f*ck are you guys doing here?" dinig nya ang iritableng boses ni Light ng buksan nito ang pinto.
"Is that how you treat your visitors, you brute?!" dinig nyang sagot ng isang bisita nito. Hindi pa nya nakikita ang nasa labas dahil nakaharang ang likod ni Light at kalahati lang ng pinto ang nakabukas habang hawak pa din nito ang seradura pero parang alam na nya kung sino ang bisita base sa boses nito.
"Hindi kayo visitors, bwisitors pwede pa!" angil nito pero niluwagan din ang pinto at hinayaang makapasok ang dalawang bisita. Sila Judge Dreb at si Levy. Hinanap ng mata nya si Doc Jon pero wala ito. Ang dalawang kaibigan lang ni Light ang nandoon.
"Hi, Angel!" magkasabay na bati ni Dreb at Levy sa kanya
"Hi!" masiglang bati nya sa mga ito. Matapos ay binaling ang tingin kay Light na daig pa ang crumpled paper sa pagkalukot ng mukha.
"Mas lalo ka yatang gumaganda ha, Angel?" puri ni Dreb sa kanya na ikinapula ng pisngi nya.
"Oo nga, Angel. Ang ganda mo lalo!" segunda naman ni Levy.
"Nakuuu, kayong dalawa tigilan nyo na ----" hindi ko natapos ang sasabihin ko at sabay-sabay kaming napalingon kay Light ng madinig namin ang pagbagsak ng remote ng tv.
"Pwede ba? Sabihin nyo nalang anong pinunta nyo dito? Sinasayang nyo ang oras ko!" galit na ang tono nito at marahas na dinampot ang nilaglag nitong remote. Hays! Kawawang remote at napagdiskitahan pa ng init ng ulo ng Ogre na to! Lihim syang umismid pero nangingiti din. Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit nacu-cutean sya sa pagmamaktol nito.
"Maiwan ko muna kayo, ikukuha ko muna kayo ng merienda" paalam nya sa mga ito para makapag-usap.
"Thanks, Angel! Tamang-tama gutom na talaga ko" sagot ni Levy habang hinihimas ang tyan.
Nginitian ko ang mga ito bago tumalikod. Narinig ko pa ang himutok ni Light sa kaibigan.
"Patay-gutom ka? Dami-dami mong pera dito ka pa makikikain!"
Kung may makakarinig sa kanilang iba malamang mao-offend na sa kagaspangan ni Light. Bruho talaga! Naiiling syang naglakad papasok sa kusina para ipaghanda ng makakain ang mga bisita nito.
Pagbalik ko sala ay napakunot ang noo ko dahil tila seryoso na ang pinag-uusapan ng mga ito. Si Levy at Dreb ay magkatabi sa mahabang sofa habang si Light ay nakaharap sa mga ito at nakaupo sa pang-isahan na sofa. Nakasandal ito at nakahalukipkip. May envelope na nakapatong sa may coffee table at tinititigan nilang tatlo.
Maingat kong nilapag ang pagkain sa table na agad namang dinukwang ni Levy. Slapsoil talaga ang hinayupak kayaman-yaman eh!
"Unano, akyat ka muna sa kwarto. May mahalaga lang kaming pag-uusapan" wika ni Light sa kanya. Hindi talaga nya maintindihan dahil napakaseryoso nito at ni Dreb. Si Levy lang ang cool na cool na tila hindi apektado sa kung anong problema ng dalawang kaibigan at abala lang ito sa pagnguya ng slice ng banana bread at paglagok ng juice.
"Don't you think that she shoul ---" hindi natuloy ni Dreb ang sasabihin ng putulin ito agad ni Light at matalim na tignan ang kaibigan. Wari bang may mensahe na pinaparating dito ang mga titig na pinupukol.
"No need." madiin na sagot ni Light
Tumikhim si Dreb at umiwas nalang ng tingin sa kanya sabay kuha ng juice at wari bang uhaw na uhaw ito na diretsong tinungga ang buong laman ng baso.
"Uhm, sige akyat na muna ko" paalam ko. Ramdam ko kasi ang nanunusok na tingin sakin ni Light.
Nalilito man at curious din kung ano ba ang tila mabigat na bagay na pinag-uusapan nila ay dumiretso na din ako sa kwarto. Hindi nya mawari pero may pakiramdam sya na may kinalaman din sa kanya ang bagay na iyon. O baka masyado lang akong OA? Assuming? Feelingera? Ano pa ba?
"Aish! Bahala na nga sila!" marahas nyang pinilig ang ulo at nagpapadyak bago nagmartsa papunta sa kama at binagsak ang sarili.
Hindi nya namalayan na nakaidlip sya. Dala marahil ng pagod at puyat sa pinaggagawa nila ni Light kagabi.
Maya-maya ay naalimpungatan sya dahil nangalay sya sa posisyon ng higa nya. Wala pala syang unan at para palang nahulog sa building ang itsura nya ng nakatulog. Nakadipa ang mga kamay at nakalawit ang paa sa sahig habang nakahiga sya pahalang sa kama. Konti nalang pwede na din syang pumasang scarecrow.
Dahan-dahan syang bumangon at napapangiwi padin sya dahil may sigid pa din ng kirot sa pagitan ng hita nya sa tuwing gagalaw sya.
Nakaramdam sya ng pagkauhaw. Pumasok muna sya sa banyo para maghilamos at mag-ayos ng sarili bago napagpasyahan na lumabas.
Marahan nyang pinihit ang seradura ng pinto at inawang lamang ng konti para tignan kung andun pa ba ang mga kaibigan ni Light at kung nag-uusap pa din sila.
May mga boses sya na naririnig at sinilip nya sa awang at nakumpirma na andun pa sila. Nagdalawang isip tuloy sya kung lalabas pa ba o hintayin nalang na matapos sila dahil baka makaistorbo sya. Pero biglang napukaw ang atensyon nya ng tila madinig nya ang pangalan nya sa usapan ng mga ito.
Ako ba ang topic nila? Naintriga tuloy sya at ginusto na makinig sa usapan ng mga ito. Niluwagan nya pa ng konti ang pinto para mas maging malinaw sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"I guess, she deserves to know about it, Dude" lalo lang naningkit ang mata nya at pilit iniintindi ang mga sinasabi ng mga ito. Bakit ganun ang sinasabi ni Dreb? Ano ang dapat ko malaman?
"I agree with Dreb, Light. Pare, dapat malaman ni Sunny na kasal na kayo." parang gustong lumabas ng eyeballs ko sa mata ko sa sobrang panlalaki nito dahil sa gulat sa narinig ko. Naitakip ko sa bibig ko ang kamay ko para hindi ako makagawa ng ingay.
"No. Hindi na nya dapat malaman. Aayusin ko to. Wala syang kinalaman dito. She doesn't deserve this" malamig ang boses na turan ni Light.
Oh my God! Pano nangyari na kasal na kami ni Light? Bakit ayaw nito na malaman ko? Hanggang sa napaawang nalang ang labi ko dahil ang kontrabida kong isip ay walang pakundangan kung sagutin ang mga naglalarong tanong sa isip ko.
Hindi ka kasi nya mahal!