Habang nakikipag-usap si Light sa mga gwapong bisita ay sya din namang pagtunog ng celphone nito.
"Hello, Lola! Sino ba tong mga pinadala mo dito sa penthouse ko?" nakakunot ang noo nito at halatang inis ang tono
Lalong nalukot ang mukha nito at tila hindi nagustuhan ang sagot ng lola nito sa kabilang linya.
"Light, papasukin mo na sila para makapagsimula na sila" wika ko dito dahil mukhang wala itong balak papasukin ang mga gwapitong manggagawa.
Niluwagan nito ang pinto pero hindi pa din maipinta ang mukha nito. Mabilis itong lumapit sakin at bumulong "you stay here, Unano. Don't you dare flirt with those assholes! Baka hindi ako makapagtimpi at makapilipit ako ng leeg!" may gigil sa tono nito.
Lihim na gusto kiligin ng puso ko sa tinuran nito. Dahil sa sinabi nito ay para itong possessive na jowa. Pero agad din na napawi nang maalala na wala nga palang sila.
"Tingin mo naman sakin? Malandi?" inis nyang balik dito.
Kita ko ang paglambot ng mukha nito at paghugot ng buntong-hininga. "It's not that. Wala lang akong tiwala sa hilatsa ng mukha ng mga gunggong na yan"
"Insecure kalang yata. Kasi ang mamacho nila!" asar nya dito. Pero mukhang wrong move yata dahil tinamaan yata ang malaki nitong ego. Kita ko ang paglapat ng labi nito at pagtangis ng mga ngipin.
"Mas gwapo naman ako sa mga yan!" para itong bata na ayaw magpatalo.
Lihim syang natatawa sa itsura nito. Pero totoo naman na kung itsura ang pagbabatayan ay mas nakalalamang naman talaga ito. O baka bias lang ako dahil inlove ako sa hudyo na to? Hays!
"Wala naman sa itsura yan, Shrek. Nasa performance" hindi nya alam kung saan nya nakuha ang mga pinagsasabi nya. Parang gusto nya sampalin ang sarili nya
Kita ko ang pilyong ngisi nito, napakabilis magpalit ng mood ng impakto. "Oo nga. Nasa performance talaga. Gusto mo pa ba na mas itodo ko pa ang performance mamaya, Muffin?".
Pakiramdam nya ay nag-init ang mga pisngi nya sa sinabi nito. Mukhang may balak pa talaga itong ulitin ang kahibangan nila. Hindi pala one-night stand ang gusto nito, mukbang! Siguro gaya ng sa ibang mga babae na naikakama nito, hanggang magsawa sya. Tsaka nalang sya iiwan kapag nagsawa na.
Napailing sya. Hindi ako papayag. Mahirap pa nito pag may nabuo pa sa kapusukan namin. Napaawang ang labi nya. Wala nga pala silang gamit na proteksyon. Hindi malabong may mabuo! Napakagat labi nalang sya sa naisip. Bahala na. Kung may mabubuo atleast may remembrance sya, at wala syang pagsisisihan. Mamahalin nya ito sa abot ng makakaya nya.
Inirapan nya ito. "Tumigil ka nga dyan, Shrek! Sapakin kita dyan eh".
Mahinang tawa ang narinig ko mula dito sabay walang sabi-sabi na hinapit ako at mabilis na hinalikan sa labi. Tila wala itong pakialam sa mga tao sa paligid nila. "Be ready later, Love. Mapapagod ka nanaman" sabay pisil sa baba nya at nagpahabol pa ng isang halik sa labi.
Tinulak nya ito sabay kurot sa tagiliran "Napakasiraulo mo talaga!"
Sabay silang napalingon ng makarinig ng sigaw. Kita nila na pababa ang isang lalaki hawak ang kamay nito "Ano nangyari?" nag-aalala kong tanong dito.
Hindi nya namalayan na nahawakan na nya ang kamay nito at nakita ko na dumudugo ito. "Naipit ako ng tools" mahina nitong sagot habang nakatingin sa mukha ko.
"Let me clean ---" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng may biglang humablot ng kamay nya mula sa pagkakahawak sa lalaki. Paglingon ko ay ang madilim na mukha ni Light ang nakita ko.
"Kailangan talaga may paghawak, Unano? Maliit na sugat lang yan hindi nya yan ikakamatay!" galit na singhal nito sakin.
Parang gusto kong sagutin din ito ng pagalit na "hawak lang naman iyon pero bakit parang gusto nang pumatay?" Pero hindi nalang nya isinatinig dahil baka lalong uminit ang ulo nito.
"His wound needs to be cleaned, Shrek. Nurse ako kaya alam ko na dapat linisan agad yun dahil pwedeng maimpeksyon" inirapan ko ito at pumiksi sa pagkakahawak nya sabay lapit sa lalaking may wound cut at giniya sa may lababo para mahugasan ito.
Narinig ko ang yabag nitong mabibigat paakyat ng kwarto at ang mahinang mura nito sabay bagsak ng pinto ng kwarto. Mukhang buong pinto na ang magigiba this time hindi lang ang lock ng doorknob.
Mabilis nyang nilinisan ang sugat ni Jack. Yun ang pangalan ng lalaki na nasugatan. Mukha itong Turkish na may pagka-arab dahil sa balbas nito na halatang bagong ahit lamang pero kita pa din ang traces na itim na maliit na balbas sa baba nito na lalong nagpadagdag sa appeal nito. Sakto naman na natapos ko na lagyan ng gasa ang sugat nito ay natapos na din ng dalawa pa ayusin ang lahat ng locks ng bahay.
Si Shrek naman ay andun sa kwarto at nagmamaktol pa din dahil hindi pa ito lumalabas. Daig pa ang bata mukhang mapapa-alo pa ito mamaya. Napaka-arte!
"Thank you, Miss. I'm sorry I guess I drove Mr. Del Fuego fuming mad" nag-puppy eyes pa ito pero nakangiti ng napakasimpatiko.
"You're welcome." maiksing sagot nya. Mahirap na baka lalo pang maghuramentado si Shrek pag nagtagal pa ang mga ito.
Matapos magligpit ng mga gamit ay nilapag ng mga ito sa may sala ang toolbox. Napanganga nalang ako nang sabay sabay na maghubad ng tshirt ang mga ito at humantad ang perpektong pagkakaukit ng mga muscles nila gayundin ang mga abs nito. Napawisan nga pala sila kaya magpapalit sila ng damit. Ang nakakaloka lang wala man lang kasing pasabi! Hindi ako ready!
Naglakbay ang mga mata ko at napadako sa perpektong V line ng mga ito. s**t! Napakamakasalanan ng mga mata ko! Pero bakit hindi ko maramdaman sa mga ito ang nararamdaman ko pag katawan ni Shrek ang nakalantad sakin?
Napalunok ako ng bumaba pa ang tingin ko. Gusto ko lang tignan kung Daks ba o Juts. Char! Pero hindi pa nakaka-landing ang mata ko sa pakay ko ng biglang may kamay na tumakip sa mga mata ko.
Napaigtad pa ko ng marinig ko itong sumigaw "My house is not a dressing room! Get your asses outta here now, you f*ckers!"
Dinig nya ang mga nagmamadaling kilos at yabag palabas ng pintuan ng penthouse. Halos matuyuan naman ako ng laway ng maramdaman ko ang labi nito sa kanang tenga ko habang nakatakip pa din ang mga mata ko. "Naenjoy mo ba ang tanawin kanina ha, Unano?"
Dahil sa inis dito ay nagawa nyang sumagot ng mapang-asar "Oo. Malayong-malayo sa katawan mo. Putok na putok ang abs ng mga yun, Shrek. Samantalang yung sayo parang walang sustansyang abs!" nakagat nya ang labi nya sa tinuran nya.
Ramdam ko ang paghigpit ng kamay nito sa mata ko. "Ah ganun ha" parang gusto kong magsisi sa sinabi ko pero alam kong hindi ko na mababawi pa kahit sabihin kong nagjo-joke lang ako.
Ang kaliwang kamay nito ay nasa mga mata nya at ang kanang kamay naman nito ay dahan-dahan ng naglalandas pagapang sa katawan nya mula sa tyan pababa ng pababa. Napasinghap sya ng maramdaman ang labi nito sa leeg nya. Mula sa halik hanggang sa sumisipsip na ito na parang bampira hanggang ang dila naman nito ang nagpasasa sa leeg nya.
"Uhmmmm" hindi nya napigilan ang umungol ng maramdaman nya ang kamay nito sa ari-arian nya. Shemay! Pakiramdam nya ay nagbabasa na ito kahit na kumikirot pa din. Gusto nyang pagalitan ang ari-arian nya dahil masyadong active! Konting himas lang ambilis mamasa!
Hinawakan nito ang isang hita ko at akmang itataas para mas maging malaya itong isakatuparan ang binabalak. Ngunit naputol ito ng biglang tumunog ang doorbell.
"F*ck!" gigil na mura nito.