HINDI nya alam ano isasagot kay Doc Gab. Ayaw nya din naman sana itong umasa. Mukhang kailangan nya talaga itong makausap para maklaro nya din ang lahat.
Napaangat ang tingin nya mula sa pagkalikot sa cellphone ng bumukas ang pinto ng kwarto. Niluwa ay ang pawisan pero ang yummy pa din na si Light. Naka-hubad baro ito at boxer shorts lang ang suot kaya bakat ang mayabang na bumbilya nito. Nakapaskil ang malapad na ngiti nito na talaga namang nakakatulo ng laway at nakakaluwag ng garter ng panty!
"Bakit ganyan tingin mo sakin ha, Unano? Naghahamon ka ba ng second round?" pilyong sambit nito ng mapansin ang hindi mapuknat na titig ko dito.
Dagli syang napabawi ng tingin habang pakiramdam nya ay nag-iinit ang pisngi nya. Bwisit talaga tong hudyo na to!
"Second round mo mukha mo! Halos hindi mo na nga ko tantanan kagabi na ogre ka! Ang sakit pa ng ari-arian ko!" angil nya dito sabay dampot ng unan sa tabi nya at binato dito pero mabilis din itong lumihis para umilag at walang hirap na tumalon sa kama palapit sa kanya.
Natuliro nanaman sya sa tanawin na nasa harapan nya. Napakasimpatiko ng ngiti nito habang nakatunghay sa kanya at papalapit. Ang lalaking mahal nya mula noon hanggang ngayon. Ang lahat ng nangyari na ito sa pagitan nila ay isang bagay na hinding-hindi nya pagsisisihan. Kahit na alam kong panandalian lang ang papel ko sa buhay nito. Lalo pa at alam kong magaling na ito mula sa pagkaka-aksidente at wala talaga itong erectile disorder. Sya mismo ang nakapagpatunay nito kagabi. Pati sundalo mahihiya sa pagkatikas ng bumbilya nito. Kaya't anumang oras ay maari na syang lumayo.
Alam naman nya na naging isa lang sya sa mga babae nito na naikama nya. At gaya din ng iba, baka biglang taguan o ipagtabuyan din sya nito kapag nagsawa na. Isa pa, alam nya kung sino talaga ang mahal nito. Pinilig nya ang ulo nya. Bigla syang tila sinaksak sa dibdib at ginising sa pagpapantasya nya. Hindi na nya hihintayin na mangyari pa na ipagtabuyan at taguan sya nito. Ako nalang ang kusang lalayo. Yun man lang maliit na dignidad nya na iyon ay maiwan man lang sa kanya.
"Hey! Ganyan na ba talaga ako kagwapo at natulala ka na dyan, Unano?" untag nito sa kanya na nasa harapan na pala nya. Nakatukod ang mga kamay at mga tuhod sa magkabilang gilid ng hita nya dahil nakasandal sya sa headboard ng kama. Inangat nito ang isang kamay at pinisil ang baba nya.
Umirap sya dito at hinawi ang kamay nito. Imbes na mainis naman ito sa ginawa nya ay tumawa lang ito at tumabi sa kanya sabay hapit sa beywang nya para maalis ang espasyo sa pagitan nila
"Before we eat our breakfast paliliguan muna kita, Baby ha?" wika nito na agad naman nyang ikinalingon dito.
"Pinagsasabi mong siraulo ka? Hindi ako imbalido, kaya kong maligo mag-isa!" bahagya nyang tinulak ito habang nanghahaba ang nguso nya.
Lumabi naman itong humarap sa kanya at pasimple syang hinatak muli palapit "sige, ako nalang paliguan mo"
Napaawang nalang ang labi nya. Hindi nya malaman kung matatawa o maiinis ba sa mga kalokohan nito. "Eh kung paliguan kaya kita ng kumukulong tubig? Dami mong alam! Ang laki-laki mo na magpapaligo ka pa. Abnormal ka?" galaiti nya dito
Ngumisi naman ito at nilapit ang mukha sa kanya "oo malaki talaga to. Nakita mo naman diba?"
Ramdam nya ang pag-blush nya sa sinabi nito. Kaya mabilis nyang kinurot ng pino ito sa tagiliran na kinahiyaw nito pero may kasamang malakas na pagtawa.
Napatili nalang sya at napamura ng kumilos ito at walang hirap syang binuhat "yawa ka talaga, Shrek! Ibaba mo ko!"
"Alin ang ibababa ko, baby unano?" tudyo nanaman nito habang naglalakad na ito papunta sa banyo habang buhat sya.
Mabilis nyang inabot ang buhok nito at sinabunutan pero hindi man lang umaray. "Napaka mong talipandas ka--- uhmmp" hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil walang babala nitong sinakop ang labi nya. Masuyo ang pagdampi ng mga labi nito wari ba ay tinutudyo sya.
Inilayo nito ng bahagya ang mukha sa kanya at nagsukatan sila ng tingin. Tila nang-aasar pa ito habang inaakit sya dahil kinagat pa nito ang ibabang labi habang unti-unting bumaba ang tingin sa labi nya.
Ang sarap sapakin ng impakto na to. Ang lakas mang-akit at mambitin. Nagmamaktol na isip nya. Hindi na nya napigilan ang sarili at walang pag-aalinlangan nyang inabot ang likod ng ulo nito para magtagpo muli ang labi nila.
Napangisi naman ito at nagsalita sa pagitan ng halikan nila "I love it, Baby. Rawwrrrrr!" at bahagya pa nitong pinanggigilan ang ibabang labi nya at kinagat-kagat ng marahan na ikinaungol nya.
Nang makapasok sila sa bathroom ay marahan sya nitong inilapag sa bathtub at doon lang naputol ang halik nila. Kapwa sila humahabol ng hininga.
Binuksan nito ang faucet at tinimpla ang tubig na maligamgam. Tila parang gumagaan ang pakiramdam nya sa pagkakababad ng katawan nya sa tubig. Maging ang kirot sa ari-arian nya ay tila naiibsan.
Inabot nito ang damit nya at tinanggal gayundin ang underwear nya. Mukhang tototohanin nito na papaliguan sya. Hindi na din sya nagprotesta at nagpatinaod nalang dito. Mukha din naman hindi sya mananalo.
"Move forward, Love. Para masabunan kita ng maayos" ayun nanaman ang malambing na trato nito sa kanya. Hindi kaya may split personality ang lalaking toh? Kanina mapang-asar ngayon naman malambing nanaman. Lalo tuloy nahuhulog ang marupok kong puso!
Nang matapos ay ito din ang nagtuyo ng buhok nya, nagpunas sa katawan nya at nagbihis sa kanya. Hindi talaga nagpaawat kahit ilang beses nya sinubukan na pigilan ito at sya nalang sana ang gagawa.
"Ano ba to? Alipin for a day challenge?" nakataas kilay nyang tanong dito
Tumingin ito sakin at nagulat nalang ako ng bigla itong kumanta. "ako'y alipin mo kahit hindi batid. Aaminin ko minsan ako'y manhid. Sana ay iyong naririnig. Sayong yakap ako'y nasasabik" may papikit-pikit pa at ginawang mic ang kamay ng loko.
"So songerist yern?" nakataas ang kilay na asar nya dito habang pinipigilan ang sarili na mapangiti. Pero infairness, nasa tono at maganda ang timbre ng boses nito. P*nyeta! Kailangan talaga saluhin lahat ng good qualities? Hays!
Sa halip na sagutin ang pang-aasar ko ay mabilis nya akong binuhat at pinasan na parang sako ng bigas. "Hoy Shrek! Ano nanaman bang trip mo? Ibaba mo ko!" sigaw nya dito habang nagpupumiglas pero malakas na tawa lang ang sinagot nito. Dinala sya nito sa baba at dumiretso sa kusina at doon sya maingat na inilapag at pinaupo.
Akma nya pa sana itong sisipain matapos syang mailapag pero mabilis ito nakaiwas at nilabas pa ang dila para asarin sya habang inaayos ang pagkain nila sa lamesa.
Hanggang sa pagkain ay mistula itong alipin nya na pinagsisilbihan sya. Napakunot noo pa sya dahil iisa lang ang plato na nilapag nito sa mesa. "Hindi ka kakain?" tanong ko habang akmang dadamputin ko ang kutsara na nasa plato ko pero inagaw nito.
"Kakain, bakit?" sagot nito habang nagsimula nang magsandok ng fried rice sa plato sa harap nya. Magkatabi sila ng upuan at inurong nito ang plato pagitan nila
"Eh bakit isa lang ang plato? Tapos inagaw mo pa yang kutsara ko?" naiinis nyang singhal dito
Matamis itong ngumiti at pinakunot ang ilong "Share tayo. Susubuan na kita"
Siraulo na yata talaga tong isang toh! Hindi ko na talaga alam bakit ganito ang kinikilos nito.
"At bakit kailangan mag-share at magsubuan?" nakataas ang kilay nya na tanong dito
"Syempre para konti lang ang hugasan, mahal ang tubig ngayon. Tsaka ang pagkain sinusubo naman talaga, may iba ka pa bang gusto isubo, Unano?"
Nag-init nanaman ang pakiramdam ng mukha nya. Sabay kasi nyang naramdaman ang inis sa sinabi nitong mahal ang tubig at ang hiya sa kahalayan ng bunganga nito.
Mabilis nyang hinuli ang tenga nito at piningot "Kahit kelan bwisit yang bunganga mong Shrek ka! Kala mo naman isang pool ng tubig ang magagamit sa paghugas ng pinagkainan ko!" gigil na magkalapat ang ngipin nya habang pinipingot ito at tumatawa.
Sabay kaming natigilan sa pag-aasaran ng may mag-doorbell. Mabilis na tumayo si Lithe at tinungo ang pinto. "Who are you guys? What do you need?" narinig nyang wika ni Lithe sa kung sino man ang nag-doorbell.
"We are here to fix your room locks. We were sent by Dona Mila. And Oh by the way, she also requested to bring this food for the both of you."
Napatulala sya mg makita ang kanilang bisita. Mag-aayos ng door locks pero ganyan kakikisig? Mga mukhang may mga lahi ang itsura ng tatlong kalalakihan at base sa pagsasalita may pagka-englisero din. Putok ang mga muscles sa suot na puting t-shirt. Mas lamang na mukhang mga modelo ang mga ito kesa taga-ayos ng padlock. Ano to?