Napaangat ang ulo niya mula sa pagbukas ng malaking pinto na iyon ng San Antonio De Padua Parish. Mga nakangiting mukha ng pamilya at lahat ng taong malalapit sa kanila ni Light ang naroroon. Tila siya isang kumikinang na diyamante sa suot na strapless beaded wedding gown habang hawak ang kulay peach na bouquet. Idinaos ang engrandeng pag-iisang dibdib nila tatlong linggo lamang ang nakalipas. Ito ay sa kagustuhan na rin ni Light na ibigay ang pinakamagandang kasal para sa kanya bago pa man lumaki ang tiyan niya. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi ng magtama ang mga mata nila Light. Gusto niyang humagalpak ng tawa dahil nangingiwi ang mukha nito habang tila pinipigil ang pag-iyak. Naghalo ang kagwapuhan nito sa suot na black suit at ang pagkawala naman ng poise nito dahil sa

