Kasalukuyan silang nasa sala at hinihilot ni Light ang kanyang mga binti dahil madalas na ang mga ito na sumakit. Gayundin din ang balakang at likod niya. Marahil dahil kabuwanan na rin niya at nabibigatan na rin sa tatlong malilikot sa loob ng tiyan niya na akala mo nagwre-wrestling. Kapag sumipa ang isa ay asahan mo na susunod na ang dalawa pa. Sila Lola Mila at Lola Edel ang madalas nilang bisita sa bahay at laging kung ano-ano ang bitbit ng mga ito. Labis ang kasiyahan ng matanda lalo na ng malaman na triplets din ang pinagbubuntis niya. "Muffin?" untag ni Light sa kanya. "Hmmm?" sagot niya habang kumakain ng grapes na sinasawsaw sa bagoong alamang. Tapos na ang paglilihi niya pero ang weird pa rin ng mga trip niyang pagkain. "Ano ipapangalan natin sa mga babies, Love?" tanong
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


