"Damn! You look so pale!" Naglakad ito palapit sa kan'ya habang hila ang stand ng dextrose n'ya. Bakas ang magkahalong inis at pag-aalala. "I'm--I'm okay. Don't worry about me." Humakbang s'ya palabas ng banyo habang bitbit pa din ang towel. Sinalubong s'ya nito at huminto ilang pulgada ang layo sa kan'ya. "Come here," malambing nitong sambit habang naka-angat ang isang kamay sa kan'ya para abutin. Tinitigan n'ya ang mga kamay nito na naka-angat sa kan'ya at binalik ang tingin sa mukha nito na hindi nakangiti pero hindi din naman nakasimangot. Nakatiim ang mga labi at mataman na nakatitig sa kan'ya. Dahan-dahan naman n'yang inabot ang kanyang kamay. Marahan s'ya nitong hinatak palapit sa katawan nito at mataman na tinitigan ang mukha n'ya. Wari ba ay isa itong eksperto na sinusuri an

