Chapter Seven

2537 Words
"Kumpadre! Ayos lang ba kayo? Pasensya na kayo, hindi kaagad ako nakapunta dito dahil may inaasikaso din ako sa aking negosyo abroad. Biglaan din kasi", ang kanyang ninong isang umaga ng pumunta ito sa kanilang bahay, kasama ang isang batalyong body guard. Ewan nga ba nya't bakit pa kailangan iyun, may kaaway ba ito? "Hindi naman na sila muling sumugod dito sa bahay. And until now, wala pang lead ang mga pulis kung ano talaga ang pakay nila sa kin", nakita niya ang pagtatagis bagang ng kanyang daddy. "Tama nga yan, mahirap nga yan kumpadre, sino naman kayang mga tarantadong iyan na gumawa nito sa inyo?", kampanteng tanong nito. "I don't have the hint" ang kanyang daddy. "Don't worry, I will help you find that jerk", nakikinig lamang siya sa usapanng mga ito. "Thank you kumpadre", umusal ng pasasalamat ang kanyang ama. "Ikaw naman, sino ba naman ang magtutulungan kundi tayong magkakaibigan lang din naman", anang matanda sabay lagok ng alak na natira sa baso nito. 'Malaki ang maitutulong ko sayo kumpadre, tutulungan kitang bumagsak, I wanted to see you helpless and in pain' Nakakita ng lusot si Paricia upang makaalis sa loob ng bahay. Ilang araw narin siyang nakakulong sa loob. Busy parin ang daddy niya sa pakikipag-usap sa kanyang ninong at ang mommy naman niya ay nasa silid nito. Her brother was also away. Mabilis siyang pumuaok sa kanyang kotse at binuhay ang makina nito. Hinarang siya ng guard nila ng marating niya ang gate. "I know you were being instructed by dad na hindi niyo ako pwedeng palabasin ng bahay, well, ngayong araw pinayagan niya ako dahil ako ang papupuntahin niya sa business meeting niya. Hindi naman ako magpupumilit diba? Dahil alam ko kung gaano ka delikado sa akin. At kung malelate ako, bukod na sa mawala ang deal na iyon pagagalitan pa ako ni daddy. Malaking kawalan iyon sa negosyo namin at pwede mawalan din kayo ng trabaho sa oras na malugi kami. Sino na ang magsusweldo sa inyo kung sa gayon?", ginamit na niya ang kanyang buong panlilinlang talent para malusotan ang mga guard nila. "Pero kabilin bilinan din ng daddy niyo na kahit ano mang mangyari ay hindi ka namin papayagang umalis na bahay lalo na at wala kayong kasamang bodyguard", hirit pa nang isa nilang guard. Medyo nairita na siya sa mga ito, kunting kunti nalang talaga at masisigawan na niya ito isa-isa. "I had Paolo with me, nasa kanto lang siya. Manong guard 20 minutes nalang at maleleyt na ako sa meeting na iyon. Kung hindi mo ako bubuksan ng gate kaaga, ikaw na ang bahalang mag explain sa daddy ha?", pananakot niya. Sinenyasan naman kaagad nito ang kasamang guard para ipagbukas siya ng gate. Nang mabuksan iyon, mabilis niyang pinatakbo ang kotse palabas, baka maabutan siya ng daddy niya. Mas hihigpitan pa nito lalo ang pagbabantay sa kanya. And she doesn't want it to happen. Nang makalabas na siya ng highway ramdam niya ang pagiging isang totoong malaya. "Diba kabilin bilinan ko sa inyo na wag kayong pumayag na lumabas siya. Mahigpit kong bilin iyon sa inyo!", pinagalitan nito ang mga nakaduty na guard. Naisahan ito ng kanyang anak. "Eh sir, tinakot ho kasi kami ni ma'am Patricia, sabi niya ho kasi na siya ang inutusan niyong ummattend ng meeting para dun sa isang deal niyo at kung hindi daw namin siya pagbubuksan ng gate, eh maiwala niyo yun at pwede daw ikalugi ng negosyo niyo", depensa nito sa sarili. "Ohh!! Patricia! Ang tigas tigas talaga ng ulo!", napasigaw na wika nito. "Sir, sabi niya po kasama niya si sir Paolo", sumbong nito. "Okay, thank you, I will call Paolo to confirm if his with her", anito at dumiritso sa loob ng bahay. Malayo layo narin ang kanyang narating ngunit hindi niya alam kung saan ang kanyang destinasyon.Bigla siyang kinabahan. "Oh God!!", aniya ng makitang may nakasunod sa kanya. Kanina pa iyun nakasunod sa kanya, hindi niya lang pinansin kanina dahil baka wala lang. Nasa tahimik na lugar pa naman siya. Ganito rin naman nag nakikita niya sa mga movies. Pagka ganitong scene ay kaagad haharangin ang sasakyan at pagbabarilin. Tapos iiwan duguan ang biktima at ayaw niyang mangyari iyon. Malaking pagsisi ang kanyang naramdaman. Mariin niyang tinapakan ang silinyador na siyang nagpapabilis ng takbo ng kanyang kotse. Pikit mata na lamang niyang minaneho ito. Kailangan niyang makapunta sa lugar kung saan maraming tao. Hindi niya alam ang gagawin at kung magpapatuloy siya sa pagpapanic lagot siya. "God, I'm sorry for being hard headed, please spare me from this evils", tumulo na pala ang kanyang mga luha. Kinuha niya ang kanyang cellphone, halos mabitawan niya na ito ng tumunog itong bigla. Nakita niya ang pangalan ng binata sa callers ID. Nabuhayan siya ng loob at kaagad na pinindot ang answer button. "Damn! Patricia, where are you?! What are you doing?", iyon kaagad ang bumungad sa kanya. Sinigawan siya nito, pero hindi siya galit sa ginawa nito, katunayan pa nga, lalo lang iyong nagpapahirap sa kanyang kalooban. Napaluha siya sa ipinakita nitong concern. Isa siyang tanga! Umiba ang takbo ng kanyang kotse dahil sa pagbunggo ng kotse na sumunod sa kanya. Napasigaw siya at nabitawan niya ang hawak na cellphone. "Patricia! Whats wrong? Please answer me!", narinig niya ang pagsigaw nito. Ang ganda naman ng timing ng lalaking ito. Hindi na niya magawang magsalita, iyak lang siya ng iyak. Mukhang katapusan niya na. Kumabog ng husto ang kanyang dibdib sa kaba. Napasigaw siya ng paputukan siya nito at pumutok ang hulihang gulong. Gumiwang giwang ang takbo ng kanyang kotse hanggang sa napahinto ito sa isang tabi. Sarado ang windshield nito ngunit hindi naman ito bulletproof. Nakita niyang bumaba na ang limang armadong kalalakihan na nakabonnet. They are all walking towards her. "Buksan mo ang bintana o gusto mo pang paputukan namin ito. Magbibilang lang kami hanggang sampu miss biyotipol, 1 2 3..." 'Lord, maawa ka, sana may makatulong sa akin para mailigtas ako. I don't want to die as of now, I am not yet ready", nanginginig na siya sa sobrang takot. Walang nakakaalam sa kanyang kinaroroonan. " 8 9 Wag mo ng tagalan pa, iba kami pag nagalit!", sinipa nito ang kanyang kotse. Hindi na maampat ampat ang mga luha na dumaloy sa kanyang mga mata. Nakarinig siya ng isang putok. Napatili siya at yumuko. Lagot na talaga siya. Wala na siyang kawala. Hinanap niya nag kanyang cellphone. For the last time. Tatawagan niya si Paolo o ang kuya niya. "Do not touch any single of her hair!", napaangat siya ng tingin ng marinig ang boses ng binata. Hindi siya pwedeng magkamali, si Paolo iyun. "Paolo", mahinang usal niya. Nakaramdam siya ng kaginhawaan. Nabuhayan siya ng loob. Pero paano siya nito natunton? Hindi naman niya nasabi nito ang kanyang kinaroroonan. Nakarinig siya ng mga putok, hanggang sa nagging palitan na ito. Nakita niyang nakabalandra na sa daan ang tatlong kalalakihan. They were all lying dead. Nahigit niya ang kanyang hininga ng makitang tinutukan ng baril ng tatlong kalalakihan ang binata. Gusto niyang takbuhin ito. 'Kailangan kong tulungan si Paolo, hindi ko kayang mag-antay lang. Baka may mangyaring masama sa kanya'. Kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod naglakas loob siyang bumaba ng kotse. Nilapitan niya ang lalaking wala ng buhay na nakahandusay sa daan at kinuha ang baril na hawak nito. Nanginginig may itinutok niya sa isang lalaki ang baril at pikit matang kinilabit ang gatilyo nito. "Tasyong!! Ilag!" narinig niyang may sumigaw. At bago paman siya maunahan ng lalaki. Pinaputukan niya ito. May magkasabay na tunog ang kanyang narinig bago niya naramdaman ang katawan ni Paolo na nakayakap sa kanya. "Aghh!!", narinig niyang daing ni Paolo kasabay pa nun ang isang putok. Humigpit ang yakap nito sa kanya. Nakitang niyang nakabalandra at wala ng buhay ang mga taong humabol sa kanya kanina. "Pao? O-okay la lang?", tanong niya dito. "Hurry up, umangkas ka na!", utos nito sa kanya na halos ipagtulakan na siya paakyat sa motorbike nito. Is he serious? Dito siya pasasakayin? Nagdadalawang isip pa siya. Kinuha nito ang helmet at isinuot sa kanya. So seryoso nga itong isakay siya. Matapos nitong maisuot sa kanya ang helmet kaagad itong umangkas sa motorbike. "Umangkas kana, dali!", utos nito. "H-Hindi ako marunong", reklamo niya. "Bilisan mo diyan kung ayaw mong ewan kita dito, wala ng panahon pa para mamili ka ng gusto mong sakyan", anito sa malakas na boses para talaga marinig niya. Umangkas nalang siya sa motorbike nito. "Humawak ka sa akin", anito. "Huh! Pero-" naputol ang kanyang pagsasalita ng kinuha nito ang kanyang mga kamay at ipinulupot sa baywang nito. "Wag kang bumitaw diyan kung hindi mo gustong mahulog. Kumapit kang mabuti", utos nito sa kanya. Pagkatapos nito magstart ng engine matulin nitong pinasibad ang motorbike. Kaya't napakapit siya na parang tuko. "W-wait!! Ang kotse ko", pigil niya dito. "Don't mind it, the most important thing for you to think is to stay away in that place", nakatiim bagang na wika nito. "Pero..b-baka anong mangyari ng kotse ko", dagdag niya. "Wow ha! Mas nag-alala ka pa diyan sa kotse mo kesa sarili mo Patricia! Nag-iisip ka ba ng tama? Alam mo bang halos mamatay matay na ako sa kaba kung saan kita pwedeng makita? Naisip mo ba iyon? Ha?!", sinigawan na siya nito at pinagilatan na parang bata. Kasalanan din naman niya. "Gusto ko lang naman maging malaya ah", maikling wika niya. Atleast ba naman maipagtanggol niya ang kanyang sarili. "At sa tingin mo naging malaya ka sa ginawa mo? Inilagay mo lang sa alanganin ang buhay mo!", mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng motorbike nito. Ngayon lang niya narealise na mali pala siya sa pambubuska noon na bubwit ang motorbike nito. "Kung talagang nag-aalala ka sa akin wag mong paliparin itong motorbike mo na parang tayo lang ang nasa daan!", sumigaw siya dito dahil baka hindi nito marinig ang kanyang sinabi. "Hold tight on me, trust me, I will not let you fall", puno ng paniniguro ang boses nito. Ngayon pa ba siya hindi magtitiwala dito kung halos itinaya na nito ang sariling buhay nito kanina? Tumahimik nalang siya at sa halip ay mas hinigpitan ang pagkakayakap dito. Baka mahulog pa siya. Napabuntong hininga na lamang siya at inihilig ang kanyang ulo sa likod ng binata. Matagal na akong nahulog, kung alam mo lang lalaki ka! Naramdaman niyang parang malayo na sila sa kamaynilaan, malayo na nga. May binabalak ata ang lalaking ito. "T-teka lang, were getting far, hindi naman ito ang daan pauwi sa bahay namin diba?", pagtatanong niya dito. "Tumahimik ka lang diyan. Mamaya na tayo mag-uusap", tumahimik nalang din naman siya. "Bullshit! Mga gago!!", pinagsusuntok nito ang mga tauhang nagbigay sa kanya ng impormasyon. "Bigla nalang kasi daw dumating ang isang lalaki sir eh', sumbong nito. "Kaya nga! Isang lalaki lang at lima sila and yet they failed to get that woman! Bakit gaano ba kagaling ang lalaking iyan? Kasing galing ni James Bond?!" umuusok na ang ilong nito sa galit. "Sir-" "Magsialis kayo ngayon din kung ayaw niyong matulad sa mga gagong kasamahan niyo!!", pinagtatabuyan nito ang mga ito. Hindi niya matatanggap na naisahan na naman siya ng mga ito. Mas lalong tumindi at nangati ang kanyang mga kamay na patayin ang buong pamilya ni Salvador Ayala. Ang kanyang trahedor na kaibigan. Hindi niya palalagpasin ang pangyayaring ito. Nadagdagan narin ang kanyang listahan sa mga taong gusto niyang tumbahin. Ang binatang iyon. He hated so much when someone from nowhere will suddenly interfere into his plan. "Pumunta ka kaagad dito sa aking opisina. May bagong akong ipapatrabaho sa iyo", matapos niyang makigpag-usap sa isa sa mga tauhan niya sa telepono ay kinuha niya ang kanyang basong puno ng alak at inisang lagok ito. Matapos siyang tinulungan ng binatang makababa sa motorbike nito ay iginiya siya nito papasok sa isang bahay. It was so big. Kahit na may mga ilaw ang palibot ng ng bahay pati narin sa loob ay nakakapangilabot parin. Hindi lang pang aksyon film ang buhay niya ngayong araw, horror na rin. "Saan tayo?", aniya ng pagbuksan siya ng pinto. "This is one of our family's property", sagot nito at kaagad inilock ang pinto. "Ah okay ganun ba?", maikling tugon niya. "I know your hungry, maghinaty ka lang dito, magluluto ako ng hapunan natin", hapunan? Bakit, may stock ba ito rito? "May nagmementina ng bahay at ng lugar, kaya't weekly may budget dito", paano nito nalaman ang nasa isip niya? "Ah huh?, T-tulungan nalang kita", nakakahiya naman kong mag-aantay lang siya dito. "Diyan ka lang, hindi ako kumbinsi sa cooking skills mo, nakaligtas man tayo kanina sa mga taong yun, baka ngayon pag hinayaan kitang ikaw ang magluto matututluyan na tayo", nagpanting ang kanyang tainga. Iniinsulto siya nito. "Nag-offer lang naman ako sayo, pero kung feeling mo makakabawas ng limampung porsyento sa p*********i mo ang pagtulong ko sayo sa pagluto, eh di sige magluto ka na doon at bilisan mo dahil kanina pa ako gutom. Diba? Magaling ka naman magluto siguro naman hindi mo ako pag-aantayin ng kalahating oras", itinulak niya ito papunta sa kusina. "Aghhh!" biglang itong napadaing. "OA mo! Hindi naman iyon kalakasan", tinaasan niya ito ng kilay. Nakita niyang hinawakan nito ang sariling braso. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang may dugo roon. "Paolo may....may sugat ka!", kinakabahang wika niya. May tama ito ng baril. Nilapitan niya ito tiningnang mabuti ang sugat nito. "K-kailangan kitang dalhin sa hospital, tara, baka maubusan ka ng dugo", natatarantang wika niya. "Ano ka ba. Wag kang mataranta diyan, daplis lang ito at malayong malayo sa bituka", tinawanan lang siya nito. Pinandilatan niya ito at marahas na hinila pabalik sa sofa at pinaupo niya ito. "Saan ba dito ang medicine kit mo? Kailangan natin yang linisin, baka maimpeksyon yan. Pero wait lang, I have to boil water first. Lilinisin muna natin yan ng tubig at sabon", bahagya ng nanginig siya sa takot. Sa totoo lang takot siya sa dugo pero sa pagkakataong ito kailangan niyang magpakatapang, silang dalawa pa man din ng binata ang nandito sa bahay. Baka mapahamak pa ito. Sabihin nalang nating matapang siya, pero hindi sa ganitong pagkakataon. Nagkukumahog na siya sa paghahanap kung saan ang lagayan nito ng mga gamot pero sa kasawiang palad heto't nakangisi lamang itong nakatingin sa kanya while staring at her. "Hoy! Mr. Paolo Montachalian, kung tititigan mo lang ako, I am really sure hindi ka gagaling diyan. Saan ba dito ang medicine kit mo?",suway niya dito. Honestly, her heart beat abnormally pati tiyan niya mukhang kinabag na rin. Wala talagang mabuting maidudulot itong nararamdaman niya sa binata. This is not a plain crush towards this man, she knows that she loves him in a romantic way. Iniwas niya ang kanyang mukha dahil nagblush na siguro siya. "Looking at you make me heal, staying by your side makes my day complete and every sillyness you made; made me love you more, Patricia", madamdaming wika nito. Napalingon siya rito at tinitigan ito.Tama ba ang mga narinig niya? This man is really something. Isipin mo nga, kanina lang ang lakas makapang-asar, ngayon naman! Naku! Mas lalong lumakas ang pang-aasar. May pa love love pa ito nalalaman. Pero kinilig naman siya. "May...may sinabi ka?", paninigurado niya rito. "May narinig ka?", tingnan mo nga naman eh di ginudtaym lang siya nito. "Ah wala, kala ko may sinabi ka", tinalikuran niya ito at palihim na napangiti. Gusto lang naming kais yang uniting an Sinai into kanina. Baka kasi nagkamali lang siya. Narinig niya ang malakas na halakhak nito. Ang saya-saya nito samantalang siya heto at umasa dun sa mga binitiwang mga salita kanina. Ang lakas makapaasa nito. Nag isip na siya kung ano ang magandang ipanghampas nito. Ang makapal na libro o ang mamahaling plorera sa center table, pero mas maganda ang paso na nasa malapit sa paanan ng staircase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD