Hindi niya napansin na matagal narin pala siyang nakatitig sa binata at matagal narin siya nitong tinitigan.
"Are you sure you're okay Pat? May mali ba sa mukha ko o sadyang napakagwapo ko lang talaga para titigan mo ako ng isang oras",napatikwas ang kanyang kilay ng marinig ang sinabi nito.
"Hindi ko na gusto ang tabas ng bibig mong lalaki ka ha? Porket ba tinitigan kita gwapo ka na agad? Napakayabang mo naman. Nag-iisip lang ako kung ano ang pwedeng ipanggamot diyan sa sugat mo, bahala ka na nga diyan. Para ka naming hindi lalaki sa kaeemote mo", tumayo siya at naupo siya sa kaharap nito na sofa.
"Alam mo, mas lalo kang gumaganda kung ganyang nakabusangot ka".
"Eh di inisin mo pa ako, dahil baka mamaya, mainlove ka na sa akin. Takot ko lang", nakita niyang umiba ang timpla nito ng sabihin niya ang salitang iyun. She was using the wrong construction of sentence.
Bigla nalang itong napahawak sa ulo nito nito at natahimik. Kaya't kaagad niya itong nilapitan at tiningnan ang mukha. Namutla ito at pinagpapawisan.
"Paolo! Paolo!", kinakabahang wika niya.
"Hoy, sagutin mo naman ako, wag ka ngang magbiro diyan", naiiyak na wika niya.
"Medyo nahilo lang ako ng kunti, I can manage", nakapikit parin ito at napasandal sa sofa. Hindi narin niya alam kung paano ihahandle ito.
Kaagad siyang nagpakulo ng tubig at pagkatapos ay nilinis ang sugat ng binata. Kumuha narin siya ng mga gamot sa medicine kit na pwedeng gamitin sa pagamot dito. Nilagyan niya ng bandage ang sugat pagkatapos malagyan ng gamot.
"Magpahinga ka nalang muna, ako nalang ang magluluto ng makakain natin", aniya rito ng matapos niyang lapatan ito ng first aid.
Nginisihan siya ito. Parang alam na niya ang gusto sabihin nito.
"Don't worry, nakapag-aral ako ng culinary arts sa Spain, kaya mas magaling akong magluto sayo", pagkatapos niyang magsalita kaagad siyang tumayo.
"Okay, sabi mo eh, I'll wait here"
Nagpunta siya sa dirty kitchen at nagsimulang magluto ng makakain nila. Sino ba naman ang mag-aakalang aabot sila sa ganitong punto. May magandang naidulot rin naman pala ang pagtakas niya sa bahay nila. Everything happens for a reason. Luto na pala ang kanyang iniluto. Inihanda niya ang lamesa at naghain narin siya. Pinuntahan niya ang binata sa sala. Nakapikit ito ng madatnan niya at halata ang hapo sa mukha.
'Sorry kung nadamay ka pa sa katigasan ng ulo ko. Halos ibinuhis mo na ang buhay mo para sa akin kanina. Kahit pa alam mong delikado hindi ka pa rin nagdalawang isip na sagipin ako. Bakit mo nga ba ginawa ang lahat ng ito?' , naibulong niya habang nakatitig sa binata.
"Oh, may problema ba?", napapitlag siya ng magsalita ito. Nagising na pala ito.
"Ha? Ahm..gigisingin sana kita para sabihin sayong nakahanda na ang hapunan", mabilis siyang tumayo, muntikan na nga siyang mabuwal buti na lang pala at mabilis ang kanyang mga reflexes. Medyo nanginig pa nga ang kanyang mga tuhod. Ang lakas talaga ng epekto ng lalaking ito sa kanya.
"Ganun ba? Sige", hindi niya nakita ang matamis na ngiti ng binata ng lumingon siya.
"Ahm..kailangan mo nang tulong para tumayo?" she asked him.
"No need. Hindi naman ganun kasama ang pakiramdam ko", he smiled at her.
Nauna na siyang maglakad papunta sa kainan. Nagiging awkward na naman kasi ang pakiramdam niya. Mabuti na rin pala kapag iniinis siya nito kesa ganitong nasa serious mode sila.
He pull a chair for her. Napakagentleman naman.
"Thank you", maikling turan niya. Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa binata.
"It smells delicious", komento nito ng makaupo naarin ito,.
"And tastes good too, I cooked soup for you, isa iyan sa unang natutunan kong lutuin doon sa Spain", pagmamalaki niya.
"Sige nga", tinikman ito. "You're right, masarap nga. Papasa ka na sa pag-aasawa".
"Ito pa, tikman mo rin ito", sa kagustuhang maiwasan ang ganoong usapan, she offered her the beef stroganoff.
"Hmm, it also tastes good", komento nito matapos matikman ang stroganoff.
"Sabi ko naman sayo na magaling ako diba?", may kumpiyansang turan niya.
"Siya nga pala. Bakit ka tumakas sa bahay niyo?", sumeryoso ang mukha nito.
"Alam mo rin naman siguro ang rason ko"
"At alam mo rin naman diba na delikado?"
"Kahit nasa loob pa ako ng bahay, there is always danger."
"But things get worse when you were out, just like what happen to you."
Tuluyan na siyang nawalan ng ganang kumain. Nagsisimula na namang uminit ang kanyang ulo.
"How did you found me?", tanong niya nalang dito.
"Tito called me and he said that you told your guards that you were with me", she saw him put his spoon down. "I traced you through GPS", dagdag pa nito.
"And there he found out that I am lying", dugtong niya dito.
"Exactly, paano nalang kung nahuli ako ng dating?", napatiim bagang ito.
Napabuntong hininga siya sa tanong nito. Kung nahuli ito ng dating? Malamang natangay na siya ng mga ito. Ang katangahan talaga niya ang umiral.
"Ubusin mo na yang pagkain mo, tapos magpahinga ka, pumunta ka lang sa taas, yung pangalawang kwarto sa kanan", wika nito. Gusto niya sanang sabihin dito na nawala na ang gana niya pero nanatiling tikom ang kanyang bibig at ipinagpatuloy nalang ang pagkain.
Natahimik silang dalawa habang nagpapatuloy sa pagkain. Nasaan na yung asaran nila? Bakit biglang naging seryoso sila ngayon? Natakot na rin siyang makipag-away dito dahil lalong lalaki ang gulo. Akala niya mga babae lang ang may moods wings mga lalaki din pala? Sa wakas, natapos din sila sa pagkain na walang imikan. Nagrepresinta siyang siya na ang maliligpit ng mga pinagkaininan nila. Gusto pa sana siya nitong pigilan ngunit nagmatigas siya, baka sa ibang pagkakataon siguro hahayaan niya ito, eh may sugat ito at kanina nga ay nahilo ito.
Sa wakas siya rin ang nasunod at naramdaman niyang umalis na ito sa dinning area. Sinimulan na niyang ligpitin ang mga pinagkaininan at hinugasan ang mga ito. Nang matapos siya, pumunta siya sa sala sa pag-aakalang nandun ang binata. Subalit wala roon. Siguro may pinuntahan lang ito sa saan mang sulok ng bahay. Aantayin nalang niya. Sa kaantay niya nakaramdam siya ng antok, kaya't naisipan niyang mahiga muna.
"Tito, she's with me, natagpuan ko siya kanina na muntikan ng makuha ng mga armadong tao", pagkaalis niya sa dinning area kanina, dumiretso siya sa Veranda ng bahay nila at napagdesisyonang tawagan ang ama ng dalaga.
"Wag kayong mag-alala tito, hindi nila madaling mahanap ang kinaroroonan namin ngayon. For the mean time sana, mas makabubuti kung dumito na muna siya ngayon. Saka ko muna siya pabalikin diyan kung may lead na tayo sa isyung ito, okay lang ho ba?"tanong niya dito.
"I trusted you somuch hijo, and thank you for sacrificing your life for my daughter", anito sa kabilang linya.
"Wala ho yun tito", makling tugon niya. Isa lang naman ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa. He loves her very much from the first time she saw her that night, and like any other men who were inlove, he will protect her, whatever happens.
Niyaya sila ng mommy ni Paul na doon daw sila maghahapunan sa bahay nito. Nagluto ang mommy nito para daw icelebrate nila ang kanilang pagkapanalo sa men's basketball tournament sa kanilang school. Buong team nila ang inimbitahan ng ginang. Matagal narin naging magkaibigan ang pamilya nila at nina Paul. Paul and him were friends since high school. Hindi nga lang siya nagtapos ng high school sa Pilipinas, he finished it in Texas USA ng magdesisyon ang pamilya nilang doon na manirahan. May negosyo sila doon kaya iyun ang nagging desisyon ng kanyang mga magulang. Naisipan lang niyang bumalik ng Pilipinas ng mag second year college siya at sa pinapasukang paaralan din ni Paul siya nakapag-enroll kaya napasama siya sa team nito.
"Pat!! Saan ka naman pupunta? Wala pa ngang isang oras kang umuwi ng bahay tapos aalis ka na naman?", narinig niyang wika ng mommy ni Paul.
"Mom, you don't have to worry, I will be with Meryl. May gagawin lang kaming project", nasa malaking sala sila ng mga Ayala at mula sa kanyang kinauupuang sofa, napako ang kanyang tingin sa dalaga na noon ay nakababa na ng hagdan. He eyes was being nailed down to her beautiful face.Kahit nasa malayo siya, kitang kita niya ang magandang hugis ng mukha nito.
"Kanina lang ang sabi mo kaya ka natagalang umuwi eh may tinapos kayong project", ang mommy nito.
"Ah yun ba? Marami kasi kaming project ngayon, and by this time kagrupo ko si Meryl", napailing nalang siya sa sinabi ng dalaga.
"Siguraduhin mo lang na makakauwi ka dito bago paman dumating ang daddy mo", ang ginang.
"I already called dad, and he told me that he will be home at 11 pm", mukhang alam na niya ang takbo ng utakng babaeng ito.
"So?", ang ginang ulit.
"So, I will be home at 10:30 pm, bye mom", tama nga siya. Matapos nitong makipagbeso sa ina masaya itong nagtungo sa pinto at tuluyan ng lumabas ng bahay.
"Ang lupit ng kapatid mo bro ha?", narinig niyang komento ni Brent, isa sa mga kateammate nila.
"Pagpasensyahan niyo nayun, may pagka spoiled brat kasi", wika ni Paolo.
Simula ng gabing iyun, hindi niya kailanman nakalimutan ang magandang mukha nito. Palagi siyang sumasama kay Paul sa bahay ng mga ito, hoping to see her again, pero ilang ulit lang siyang nabigo. Parating wala daw ito sa bahay.
He also remembered that it was the same girl who ruined his toy. Nagkasundo sila nuon ni Paul na maglaro ng video game sa bahay ng mga ito. They were 15 years old at that time. They were currently playing on the television set at the living room when Paul's sister suddenly came.
"Kuya! You and your friend will have to go, I will watch tv here", utos nito sa kanila. Sa murang edad nito ang lakas na kung makapag-utos.
"Meron ka namang tv sa kwarto mo ah, dun ka nalang, naglalaro pa kami dito", narinig niyang wika ni Paul.
"At meron ka din namang tv dun sa kwarto mo ah, doon ka nalang", balik utos nito.
"Mas maganda dito maglaro kasi malaki ang screen", pakikipagtalo pa ni Paul. Napahalukipkip nalang siya sa tabi ni Paul habnag nakikipagbangayan ito sa kapatid nitong bruhilda.
"Kaya nga gusto kong manood dito dahil las malaki ang screen. Why can't you understand me?! You just go!", tuluyan na ngang nagalit ito.
Sinugod sila nito at inisa-isang binawi ang kanilang remote controller at pagkatapos ay inihagis ng pagkalakas lakas sa sahig. Ang kanyang kawawang controller, wasak. Hindi na siya nakaimik at pati na rin si Paul ay nabigla sa ginawa ng pilyang kapatid. Kinuha nito ang tv remote at pinatayan sila ng tv.
"Bakit mo yun ginawa! Sinira mo ang controller ko at pati narin kay Paolo", nilapitan ito ng kuya nito.
"You get me mad!! Thats why I did it!", ganun pala yun, pag ginalit agad maninira ng gamit.
"I will tell dad about this, and made you pay for Paolo's controller", deklara ni Paul.
"O eh di, maglaro na kayo diyan, doon nalang ako manonood sa kwarto ko", pagkatapos nitong magsalita ay iniwan na sila ni Paul sa sala.
Iniwan nga sila nito para makapaglarong muli eh sinira naman nito ang remote controller nila.Napailing nalang siya sa nangyari, buti nalang wala siyang kapatid na kasing pilya nito.
"I'm sorry for this Paolo, ibibili nalang kita ng bago", pagpahinging paumanhin nito sa kanya.
Marahan siyang napabuntong hininga ng matapos balikan ang isang bahagi ng kanyang nakaraan with Patricia. Napagpasyahan niyang bumalik na sa sala, mahigit isa at kalahating oras na pala siyang nasa veranda ng kanilang bahay.
Nang makababa siya ng hagdan, nakita niya ang dalaga na noon ay nakahiga sa sofa. Nilapitan niya ito at saka pa niya nalamang nakatulog na pala ito. Nakaupo siya ng nakasquat position sa harap ng sofang hinigaan nito. He stares at her face. He memorizes every detail at pinagsawa niya ang kanyang mga mata rito. Hindi niya magagawa ang pagtitig rito ng mahaba kung gising ito.
Tuluyan na siyang nagising sa sinag ng araw. Nag-unat siya. Napakaganda ng kanyang pakiramdam. Ang lambot naman ng kama. Teka lang, kama? Sa pagkakatanda niya huli siyang nahiga siya sa sofa sa sala. Paano siya napunta dito? Siguro ang binata ang naglipat sa kanya. Kinarga siya nito eh may sugat yun eh?
"Good morning, maayos ba ang tulog mo?", napadako ang tingin niya sa binata na kakapasok palang sa kanyang inuukupang kwarto.
Napakalinis nitong tingnan, at halatang katatapos lang nitong maligo base na rin sa buhok nitong basa pa. Bakit ang hot nitong tingnan kahit nakasuot itong ng medyo loose na damit? Ganito ba ito palagi tuwing umaga? Bakit ang lakas lakas ng apil nito, eh simpleng ngiti lang ay mapapako na ang tingin mo dito. Hindi niya mapigilan ang sariling mapatulala dito.
"Paolo bakit ba ang lupit mo, parang ayaw ko ng mawala ka sa aking paningin", sigaw ng kanyang isipan.
"Patricia, it would be better if you take your shower para magising ka nang tuluyan", saka palang siya nagising sa katotohanang matagal siyang napatitig dito.
Pagkalabas na pagkalabas ng binata, kaagad siyang napasabunot sa kanyang buhok at patalong tinungo ang pinto. She locked it and then lean her ears on the door, thinking that the guy is still outside and laugh at her. Hindi siya mapakali.
Matapos siyang makapagshower at makabihis ay kaagad siyang bumaba.Take note, damit ni Paolo ang suot niya. Kasalanan ba niya eh sa hindi niya alam na darating sa puntong mapupunta siya sa poder ng binata.
Pagkarating niya sa kusina, nadatnan niyang itong nag-ayos ng mesa, nagdadalawang isip pa siyang lumapit dito. Akmang tatalikod na siya ng marinig niya ang boses nitong tumawag sa kanyang pangalan.
" You take a seat Pat", utos nito. Dahan dahan naman siyang humarap dito at deritso lang ang kanyang paningin sa mesa. Ano ba naman kasi ang pumasok ng utak niya kanina ng titigan niya ito ng pagkatagal tagal. Baka isipin nitong pinagpapantasyahan niya ito ng maaga. 'Hindi ganun naman talaga diba ang bagong gising, dahil sa hindi pa fully awake ang iyong system ay mapatulala ka nalang', she wanted to console herself of the lie she had in mind. Hindi naman siguro big deal para sa binata ang ginawa niya kanina diba? 'Eh big deal yun sa akin eh". "Okay, ito ang ipasok mo sa iyong isipan, hindi mo siya pinagpapantasyahan kanina"
'Diba't yun naman ang ginawa mo literally?', sigaw ng kanyang isipan. Hindi talaga siya mapakali sa kanyang kinauupuan, she really felt uneasy with his presence. Kung magpapatuloy siya sa ganoong ayos habang kumakain silang ng agahan, hindi malayong magka-indigestion siya.
"Are you alright?", puna sa kanya ng binata ng mapansin siguro nitong hindi pa niya nagalaw ang kanyang pagkain.
"Ha?...ahm... yes! Yes, okay lang naman ako", natatarantang sagot niya at mabilis na isinubo ang pagkaing nasa kutsara niya.
Namagitan sa kanila ang mahabang katahimikan.
"You are not coming back home until everything has been settled", anito at kasabay nun ang pagbaba ng kutsara't tinidor ng binata bago siya tinitigan.
"Huh! Then, I'll be stock here, yun ba ang ibig mong sabihin?", maikling tugon niya at natigil narin siya sa pagkain.
"Not really, just tell me what do you want to do while you're here in order to kill the boredome",anito.
"You came up with this kind of decision without asking my approval, don't you? If I am okay with this set up? Do I lost the freedom to decide for myself?", bumangon ang inis sa kanya dibdib. Bakit ba ganito nalang ang treatment ng mga tao sa paligid niya na para siyang walang karapatang magdesisyon para sa kanyang sarili.
Daig pa niya ang isang bata sa estado niya ngayon. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon at kung ano ang gusto nilang mangyari para sa kanya. They want her to keep safe, but she wanted also to keep them safe. How could she protect her loveones if she didn't know their plans and whereabouts? This was actually too unfair to her part.
"I don't need your approval dahil alam kong hindi ka naman papayag, and please Patricia stop acting like a child. I did this to protect you. Mahirap bang intindihin iyon, o sadyang matigas lang ang ulo mo, hindi ka na tulad noon, time change, people change, everything change, I hope you'll change too", sandali siyang natameme sa sinabi ng binata.
"If I did, would you stay here?", nanghahamon ang tinig ng binata. Hindi siya makasagot sa simpleng tanong nito. A part of her wanted to say yes but she knows to herself that she can't. She escaped from being a prisoner not to be a prisoner again.
"This is the reason why I didn't asked it from you because I aready know your answer", malamig na ngayon ang tono nito.
"Im tired of being like this! What I hated most is that you were treating me as if I am not capable of protecting myself. Parang ipinaparamdam niyo sa akin na wala akong kwenta!", nagsimula ng uminit ang sulok ng kanyang mga mata. Hindi siya iiyak sa harapan nito, dahil mas lalong mas magiging nakakaawa siya.
"Did you hear yourself?, protecting you is making you feel unimportant? Why are you so stubborn? Ilang ulit ko na bang sinasabi sayo'ng para ito sa kaligtasan mo, mahirap ba iyong intindihin? We just wanted to protect you!", tumaas na boses nito.
"I don't ask you to do that for me, I don't need you!", dahil sa labis na poot na kanyang naramdaman ng mga oras nayun ay nagawa niyang magbitaw ng mga salitang hindi niya rin alam mismo sa sarili kung saan nanggaling. Nakita niya ang pagdilim ng mukha ng binata na dagli rin namang nawala. Apart from her felt sorry for what she did, pero mas nanaig ang kanyang pride.
"Okay fine, if that's what you want, pero pasensiya na kung hindi ko yan matutupad sa ngayon. I made a promise to tito and tita, and I have to make that promise," pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon, kaagad itong tumayo at lumabas ng bahay.
Naiwan siya nakatulala, hindi ba't dapat siyang maging mas masaya dahil kasama niya ng binata and he shows care towards her?. Napasunod nalang siya ng tingin sa papalabas na binata. He wanted to be on his side but she keeps on pushing him away, is she guarding herself from the possibility of falling for him deeply? Mula sa malalim na pag-iisip, muling nagbalik ang kanyang diwa ng marinig ang tunog ng papalayong sasakyan ng binata.
Matapos niyang mailigpit ang kanilang pinagkainan, nagpunta siya sa sala. She wanted to take a fresh air outside, but when she attempts to open the door, it was being locked. She was definitely losing all the freedom she had. How lonely it is, mag-isa lang siya sa loob ng malaking bahay. Nilibot ng kanyang paningin nag buong kabahayan at napabuntong hininga siya. Sa halip na piliting buksan ang pinto, pumanhik nalang siya sa kanyang kwarto. All she can do is to cry.
Umaga pa simula ng umalis ang binata, pero nagsimula ng kumalat ang dilim sa paligid hindi parin ito nagbalik. Ang pinakakatakutan pa naman niya ay ang dilim, lalo na sa lugar na tulad ng kinaroroonan niya ngayon. Nasa may kasukalan pa naman ang lugar. Paano nalang pag may mga masasamang tao ang maligaw at pasukin siya. No one could help her. Nasaan ba naman kasi ang binata, napakaimmature naman nito kung umasta, ang daling magtampo.
'Alalahanin mo Pat, sinigawan mo yung tao, tapos sinabihan mo pang hindi mo siya gustong makita, and that you don't need him', pakikipag-usap niya sa kanyang sarili.
Dahil sa takot, hindi na siya bumaba, kahit nakaramdam na siya ng gutom, bahala na. Hindi naman siguro siya mamamatay kung hindi siya makakain ng hapunan ngayon. Ang mahalaga, ligtas siya. Dala siguro ng gutom kaya't kung anu-ano nalang ang pumasok sa kanyang utak.
Madilim na madilim na ang kapaligiran, hindi siya nag-abalang magbukas ng mga ilaw. Tanging lampshade lang sa kanyang kwarto ang nakabukas. Kanina pa siya gutom na gutom. Ayaw din naman niyang bumaba dahil natatakot siya. Napasigaw siya ng biglang kumulog at gumuhit ang kidlat, pagtapos ilang saglit lang ay bumuhos ang malakas na ulan. Nakarinig siya ng kalampag sa may likod bahay malapit sa kanyang kwarto, nanginginig na siya sa takot. Dagli niyang pinatay ang lampshade at nagtalukbong ng kumot. Mangiyak ngiyak na siya.
"Paolo, asan ka na kasi, I'm sorry", nawika niya sa kabila ng paghikbi. Nagmumukha na tuloy siyang bata sa inasta niya ngayon.
Nagpunta siya sa kanyang condo para magpalipas ng buong maghapon. Kailangan niya ring malaman kung sino ang mga nasa likod ng mga pangyayari ito sa pamilya nina Patricia. Hindi niya hahayaang masaktan pa uli ang dalaga. Isa rin sa mga dahilan niya kung bakit siya nagpakalayo sa dalaga ngayong araw dahil narin sa palitan nila ng mga salita kanina. She's pushing her away and it really causes pain in his heart.
Magdadapit alas 5:00 na ng hapon ng mapagdesisyonan niyang balikan nag dalaga sa ancestral house nila. Biglang bumuhos ang malakas na ulan habang nagmamaneho siya ng kanyang motorbike.
Pagkarating niya sa garage, madilim ang buong kabahayan. Kaagad niyang binuksan ang man door ng bahay. He turn on the lights in the leaving room. Nagpunta siya sa kitchen and check if she's there, pero wala. Nagsimula na siyang kabahan. Tinawag siya ang dalaga ng ilang ulit at hindi ito sumagot. Pumanhik siya sa ikalawang palapag ng bahay at nagtungo sa kwartong iniukupa nito. Madilim din ang loob ng silid, binuksan niya ang ilaw at tinawag muli ito.
"Pat!", aniya. Nakita niyang nakatalukbong ito ng kumot. Nilapitan niya ito at hinila ang kumot.
He felt that his heart were being crampled when he saw her face with tears flowing from her eyes. Nakapikit ito at mukahang nakatulugan na nito ang pag-iyak. Gusto niyang sipain at suntukin ang sarili in hurting her. He really doesn't want to see her cry pero heto't siya pa ang dahilan ng pag-iyak nito. Gusto niyang sugurin ito ng yakap, yung sobrang higpit, pero malinaw pa sa kanyang balintataw ang sinabi nito. She doesn't want him near her and she doesn't also need him either. So let it be.
"Pat?", ginising niya ito.
Hindi parin ito nagising. Umupo siya sa kama at pinagsawang tignan ang mukha ng babae. That same face who made his heart flutter everytime he saw it, that same face that made him realize what love is, and that same face who he wanted to protect and even offer his life just to make it sure she was away from all danger.
Naalala niya ang eksena na kung saan muntikan na nitong bungguin ang kanyang motorbike sa parking lot. Simula ng araw na iyun, hindi na mawala sa kanyang isipan ang dalaga. When he knew that she will be migrating to Spain, it makes his world turn upside-down. Kaya nga nagpunta siya ng maaga sa bahay ng mga ito ng mismong araw ng pag-alis nito.
He wanted to kiss her at the very moment, but he was trying to put himself together. Baka mas lalong magtampo sa kanya nag dalaga.
"Pat?", ginising niya uli ito.
Hindi niya alam kung panaginip lang iyun pero narinig niya ang boses ng binata na tumawag ng kanyang pangalan.