Kabanata 40

2622 Words

Ang ngiti ni Tamaranea ang agad na bumungad sa mukha ni Elias Miguel. Ito’y mariin na nakatitig sa kanya habang siya’y natutulog. Hindi niya alintana ang paghaplos nito sa kanyang pisngi noong siya’y nagmuni-muni sa pagtulog sa kanyang higaan. Seryoso lang niyang nilaanan ng tingin si Tamaranea at hindi man lamang niya ito nilaanan pabalik ng ngiti. “Magandang umaga, Mahal!” maligayang bati ni Tamaranea. Tila’y masaya ang umpisa ng araw ng dalaga. Unti-unting bumangon ang binata sa kanyang higaan at kaagad na tumayo. “Kanina ka pa ba riyan?” ang tanging isinambulat niya sa dalaga. Nanatili pa ring nakangiti ang dalaga sa kanya ngunit, hindi siya ginaganahan sa mga pinagagawa nito. Nasusuka siya parati kapag sila’y nagpapanggap. “Alam ba ni Ama na pumasok ka na naman sa ’king silid?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD