Kabanata 41

3358 Words

Nanlambot ang mag-asawang Escelante nang makita ang labis na nasusunog na bangkay ng kanilang anak. Kahit sa kabila ng kadiliman na ngayon ay humantong ay hindi nila ito binalingan ng atensyon. Malayo ang kanilang nilakbay kanina mula sa kanilang tahanan upang makaabot lang sa makipot na pook kung saan matutunghayan ang karumaldumal na ganap–ang nasusunog na mga karwahe kabilang na roon ang karwaheng sinakyan ng dalaga. Hinang-hina at malayang umaagos ang mga luha sa mga mata ni Doña Monica. Wala sa sariling lumapit ito sa bangkay ng kanyang anak. Hindi na halos makilala ang hitsura rito dahil sa lubusang pagsunog ng katawan ng dalaga. Ang karwahe ring sinasakyan nito at sa mga guwardiya personal ay halos naging abo na. Tiningnan ng donya ang bandang leeg ng dalaga at nasilayan niya ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD