Sa piitang kanyang pinaglalagyan ay nakaupo sa sulok at parang ibong humanap ng kalayaan si Hector. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati na kanyang tanging dinaramdam mismo sa kanyang sarili. Naulinigan niya ang ubod na dagundong ng malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng matatalim na kidlat mula sa labas ng kanyang piitan. Palagi na lamang mababaw ang kanyang mga luha dulot nang labis na pangungulila sa kanyang kapilas ng buhay at sa kanyang anak. Habang lumilipas ang mga araw ay ang tanging pangarap niya ay ang makalabas lamang sa Cuartel de la Guardia Civil upang matunghayan niyang muli ang kalagayan ng kanyang pamilya. Wala siyang kaisa-isang hiling kundi ang maisakatuparan ang kanyang katangi-tanging hangad-ang makalabas sa karsel ng pasakit at walang tigil na dala

