"Huwag mo akong iwan, Elizaela. Matagal na akong nagbalik para sa 'yo. Sa pagkakataong ito, hindi ko nais na... mawala ka na naman sa 'kin." Itinakwil ni Elizaela si Miguel matapos niyang mapakinggan 'yon. Naguguluhan siya sa mga gawing inilaan nito sa kanya. Labis siyang naninibago at hindi niya ito kailanman naiintindihan sa mga pinagsasabi nito. Kunot-noo niya itong binalingan ng tingin. Nakita niya mismo ang matinding pagluha ni Miguel mula sa kanyang harapan. "Miguel, ano ang 'yong pagpapakahulugan patungkol sa 'yong mga isinabahagi at mga inaakto? Hindi kita maintindihan at lalo nang hindi ko nagustuhan ang 'yong mga tinuran dito sa 'kin." Pilit na pinapakalma ni Elizaela ang kanyang sarili. Sadyang napakagulo lang talaga ni Elias Miguel. Nais niyang maliwanagan at linawin ito laha

