Malalim na hukay ng lupa ang siyang pinaglalagyan ngayon sa parihabang kahon kung saan nakahandusay ang walang buhay na dalaga. Panay ang paghagulhol ni Doña Monica habang unti-unting ibinaba ang kabaong ng kanyang anak. Walang ni sinuman ang makakatinag ng kanyang pag-iyak dahil ito na ang kahuli-hulihang pagkakataong masisilayan niya si Elizaela. Wala nang mas ikakasakit pa sa isang ina kundi ang mawala sa kanyang piling ang kanyang anak na sa matagal na panahon ay kanyang inalagaan. Kung ang pinakamagandang kaganapang nangyari sa kanyang buhay ay ang magluwal ng sanggol, ang pinakamasakit at pinakamasalimuot naman ay ang mamatayan ng isang anak. Parang ang noong kanyang pinangarap ay naglaho at muling naging pangarap na lamang. Lubusan siyang nanlumo. Nagitlahanan siya sa mga nakaraan

