SOMEONE POV
Kinaumagahan ay maaga silang dalawa na nagising kahit na sobra silang napuyat kagabi.
6:00 am palang ng umaga pero handang-handa na si Katana sa dadaluhang meeting nito ngayong araw sa Cloud Nine at mas lalo itong gumanda ngayon dahil sa suot nito.
She didn’t look tired, exhausted and sleepy at all because she looks great and stunning wearing a black ribbed sleeveless dress, and she just paired it with a black stiletto that add a few inches to her height.
Kurbadong-kurbado sa sexy nitong pangangatawan ang suot nitong damit. Hindi rin niya nakalimutang isuot ang ilan sa mga mamahalin niyang jewelries such us the infinity designed diamond necklace, the pure 925 sterling silver American diamond meghan markle design ring, a kiel leaf ear clip chain drop dangle earings, and lastly, her CDE infinity heart symbol charm diamond bracelet.
Para siyang hindi aatend ng meeting dahil sa suot niya pero hindi niya iyon inalintana dahil alam din niyang ang ibang Gods at Goddesses ay nagsuot din ng mga magaganda at mamahalin nilang damit at alahas.
Sa kabilang banda naman ay antok na antok parin si Adam kaya pumipikit-pikit pa ang mga mata nito. Wala ring kasigla-sigla ang katawan nito ngayon habang na nakaupo sa sofa, nakasandal ang likuran roon at yakap-yakap ang isang kulay puting unan.
He already made a coffee for himself but still it’s not enough to fully wake him up. Naka-dalawa na nga siya na tasa ng kape pero hindi parin iyon sapat para gisingin ang inaantok niyang sarili. It’s his fault though because he’s insatiable last night. Masyado siyang nagpadala sa bugso ng kaniyang damdamin kaya naman ilang beses niyang inangkin ang pinakamamahal niyang Diyosa kagabi.
“Hindi ka mag-aagahan?” inaantok na tanong niya kay Katana habang yakap-yakap pa rin niya ang isang maliit na unan.
Habang nagbibihis kasi si Katana kanina, siya naman ay naidlip muna dito sa sala, nahiga muna sa may sofa. Nagising lang siya ng may maramdaman siyang isang masuyong halik na dumapo sa kaniyang pisngi kanina.
Umiling ito. “Sa Cloud Nine na ako kakain, baka kainin mo pa ako,” sabi nito na mahinang ikinatawa niya.
Having her for his breakfast is a very nice idea though but, she still sore down there so it’s a no for now. Maybe some other time.
Mahinang sinampal niya ang sarili para gisingin ang kaniyang natutulog na diwa bago niya binitiwan ang yakap-yakap niyang unan at pagkuwan ay tumayo.
“Come here Love,” malambing na sabi niya kay Katana habang mapupungay pa rin ang kaniyang mga mata.
Idinipa niya ang kaniyang mga braso at hindi na niya kailangang magsalita pa para sabihin ang gusto niyang mangyari.
Kaagad tinawid ni Katana ang pagitan nilang dalawa ng may ngiti sa labi at pagkuwan ay niyakap siya nito ng mahigpit. Niyakap din niya ito ng mahigpit pabalik at hinalikan sa buhok. Dahil sa closeness nila ay nanuot sa kaniyang ilong ang mabango nitong samyo. Para itong fresh na fresh na bulaklak na may mabangong samyo at magandang anyo.
“Mag-ingat ka doon,” sabi niya rito.
Natatawa siya nitong tiningala. “Hindi sila masasamang mga Diyos tulad ng inaakala mo.”
Umingos siya. “Mag-ingat ka kay Zach I mean,” pag-klaro niya sa kaniyang unang sinabi.
Bahagyang dumistansiya ang Diyosa sa kaniya at nakangising tiningnan siya. “Hmmm. Natatakot ka ba na baka maagaw niya ako sa’yo?”
He nods. There’s no point of lying anymore.
“Dalawang araw ka niyang masosolo.”
Pinalo siya ni Katana sa braso. “Sira! Sinabi ko na sa’yo kagabi ang totoo diba? He’s just my friend and he already loves someone else.”
“But still he can steal you from me if he wanted to,” sabi niya.
Napa-aray siya ng pitikin siya nito sa noo.
“Trust.” Isang salita lang iyon pero sapat na para maintindihan niya ang nais nitong iparating.
“Fine. Wala naman akong choice.”
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay sabay silang lumabas ng Forbidden Cave at nagpaalam na sa isat-isa. Pero bago tuluyang umalis ang Diyosa ay nagbigay muna ito ng huling habilin sa kaniya.
“Love, don’t you dare find another woman. Ako lang ang dapat pinaliligaya ni Adam Jr.”
Napangisi naman siya ng marinig iyon. “Of course. Trust me, Love.”
Iyang ang huling sabi niya bago sila naghiwalay. Lumipad si Katana sa kalangitan habang siya naman ay naglakad pabalik ng Forbidden Tower.
ADAM POV
Naglalakad ako ngayon ng mag-isa sa dalampasigan dahil napagdesisyunan ko munang maglalakad-lakad sa kahabaan nito. May ilang mga kababaihan ang sinusubukang lumalapit sa akin pero tulad ng aking nakagawian ay ilag na ilag ako sa kanila.
Hindi na rin naman sila sinasaluduhan ni Adam Jr. pero mabuti ng nakakasiguro. Ayaw kong maputulan ng wala sa oras at lalong ayaw ko siyang pagtaksilan.
I’m just smiling from ear to ear right now while watching the sun rises and hearing the refreshing breeze of wind and even the soothing sound that the waves produces in the sea. May nakikita rin akong ilang grupo ng dolphin sa di kalayuan na masayang nagsisilanguyan at minsan pa ay lumulundag paitaas na para bang nakikipagtagisan sa isat-isa.
Naked Island was indeed a paradise however this island is full of temptations. May nakita pa nga ako kanina na nag-mi-make out sa buhanginan and it’s f*****g threesome. Pero imbes na tigasan, I felt nothing but contentment.
Contentment for what happened last night.
Sariwa pa sa aking alaala ang nangyari kagabi. It was such a long and tiring night indeed but so damn memorable for me. Lahat naman memorable basta kasama ko siya.
Napailing nalang ako habang nakangiti. Habang patagal ng patagal nagiging korny ako. Ganito talaga siguro kapag inlove.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayang napahaba na pala ang paglalakad ko.
Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nasa harapan ng isang malaki at mataas na estatwa ni Katana. Hindi ko ito nakita noong una, noong unang dating ko dito pero makailang beses ko naring natanaw ito mula sa malayo. Her statue was made of gold and it was well made.
Kudos to the artist behind it.
“STOP!”
“No! Sa tingin mo ba papakawalan pa kita pagkatapos kong malaman ang totoo?”
“Wala akong pakialam! Past is past! I already move on!”
“Tanginang Move on iyan! Buti ka pa naka-move on, pero ako mahal pa rin kita!”
Natuon naman ang aking atensiyon sa nagmamay-ari ng mga boses na iyon sa di-kalayuan.
Isang babae at isang lalaki na mukhang may pinagtatalunan. Pero kaagad sumingkit ang aking mga mata ng mapagtanto kong pamilyar ang mukha ng lalaki pero ang babae naman ay ngayon ko lang nakita pero nakakapagtaka na may suot din ito katulad ni Katana.
Is she a Goddess? And why Kaius is with her?
Yes, the guy is Kaius.
Hindi ko lang ito mamukhaan noong una dahil sa may kalakihang bato na nagkukubli sa buong katawan nito. Nakatalikod pa rin siya sa aking direksiyon pero his back was enough for me to recognized him.
Ano kaya ang pinagtatalunan nila?
Kusang humakbang ang aking mga paa at nagpadala naman ang buong katawan ko rito. Gusto ko rin namang kilalanin kong sino itong babaeng kasama niya. She didn’t looks like one of his flings because I felt that she’s special to Kaius.
May tinatangi din pala ang s*x addict na to?
Nakita kong napatingin sa akin ang babae at inaasahan ko na ang reaksiyon nito. Dahil siguro napansin ni Kaius ang gulat na reaksiyon ng babae ay kaagad siyang napalingon sa direksiyon ko at tulad ng babae ay nanlaki rin ang mga mata nito.
“W-What are you doing here, Adam?” he asked nervously the moment I got close to them.
I just smirk. “Ako dapat ang magtanong sa’yo niyan, Kai?” I asked and then I looked at the woman beside him at lumawak lang ang ngisi ko ng hinila nito ang babae at ikinubli sa likuran nito.
“Who’s she?” I asked.
“Kaibigan” –the woman
“Asawa”- Kaius
Mahina akong natawa ng marinig ko ang magkaibang sagot ng mga ito. Nakita kong naiinis na kinurot ng babae ang tagiliran ni Kaius kaya napa-aray ito sa sakit.
“Kaibigan lang talaga ako ni Kaius,” anang babae at nilingon nito si Kaius. “Diba?”
“Asawa kita- Aray!” Kinurot muli siya ng babae.
“Magsabi ka ng totoo,” may pagbabanta sa boses ng babae ng sinabi niya iyon kay Kaius habang kinukurot niya pa rin ito.
“I’m telling the truth.”
“No. You’re not. Tapos na tayo.”
“Asawa nga sabi kita kasi wala namang hiwalayang nangyari. Aray! Ba’t mo ba ako kinukurot?”
“Gusto mo sa singit pa kita kurutin!”
Nakamasid lang ako sa kanila habang salit-salitan ito sa pagbabatuhan ng kanilang mga linya. They are the main character of the movie I am directing right and it’s time to end this scene.
“Okay. Cut. That’s perfect!” I complemented their acting skills and then I also gave them a round of applause.
“I can see the emotion. It’s very natural-“
“Tumigil ka diyan sa kalokohan mo Adam at baka masapak kita!” Kaius cut me off.
“I’m your Director, Kai. Of course it’s natural that I complement my actors. Ibig sabihin lang nun magaling kayo,” I said that made him more pissed.
“Bakit ka ba nandito?” naiinis na tanong nito sa akin.
“Same question,” tipid kong tugon.
“SAGUTIN MO NA!”
Nagulat ako ng bigla itong sumigaw. Ang kaninang mapaglaro kong mga ngiti ay hindi na makita pa sa aking labi. I made my face cold and emotionless.
How dare him!
Nakita kong napalunok naman silang dalawa sa biglang pagbabago ng mood ko.
“Hey woman,” tawag pansin ko sa babaeng nasa likuran ni Kaius. “Who is he to you? I want an honest answer,” I demanded.
“Do-“
“Shut up, Kai!” agaran kong pagpigil kay Kaius bago pa ito makapagsambit ng kahit isang salita. “I’m pissed, huwag mo ng dagdagan pa,” I added that completely shut him off for the mean time.
Ibinalik ko muli ang tingin sa babae. “Now, answer me woman. Who is he to you?”
“H-He is my….husband,” sabi nito sa mahinang boses.
Pinigil ko ang aking mga labi na hindi mapangiti dahil sa aking nalaman. May asawa na pala si Kaius pero mukhang hindi sila in good term.
“I don’t see the ring,” sabi ko dahil wala naman silang suot na singsing sa daliri.
“Tinapon niya,” parang bata na sumbong ni Kaius sa akin. Nakanguso pa nga ito na parang bata.
“And where is yours?” tanong ko sa kaniya.
“Itinago ko sa bahay namin.” sagot naman nito na ikinatango ko nalang.
“May asawa kana pala ba’t nambababae ka pa?”
Nakita kong natigilan naman siya sa tanong ko. Ang babae naman na kasama nito ay kaagad dumilim ang mukha at nababasa ko roon ang sakit, galit at selos.
“Akala ko kasi…pinagpalit niya ako sa ibang lalaki,” guilty na sabi ni Kaius.
“Pero hindi pa rin iyan sapat na dahilan para mambabae ka,” puna ko sa kaniya na ikinayuko nito. “Wala kang tiwala sa asawa mo dahil nambabae ka dahil lang sa maling akala mo. A marriage without trust to each other will not last forever.”
Napabuntong-hininga nalang ako ng hindi na naka-imik pa si Kaius. May pag-asa pa kaya silang mabuo muli?
“What’s your name?” tanong ko sa babae.
“Sandara- Sandara Lay Whitestone.”
“It’s Godwin, not Whitestone,” pagtama ni Kaius sa sinabi ni Sandara pero agad din akong nagtaka sa kaniyang sinabi.
Salvatore ang apelyido ni Kaius diba? So what’s with his surname ‘Godwin’?
“You’re Kaius Salvatore right?” may pagdududang tanong ko sa kaniya.
Nilingon niya naman ako na para siyang natuklaw ng ahas. Seeing that reaction made me doubted him more.
“Kaius Salvatore?” naitanong rin bigla ni Sandara habang nakatingin na rin ito kay Kaius na maputlang-maputla na ang mukha ngayon.
“So, you’re not my husband? As far as I can remember, the name of my husband is Kaius Redintore Godwin, so who are…you?” pagdududa nito kay Kaius.
Umatras si Sandara at dumistansiya kay Kaius na lalong ikinabahala nito. Gusto kong matawa pero ayoko dahil nagsinungaling din ito sa akin. Alam kong umaakto lang si Sandara ngayon na tila hindi nito kilala ang nasa harapan niya and I commend her for her great acting skills.
Proud Director here.
“He’s an impostor,” I coldly said that send Kaius into his panic state. Nakisakay na rin ako sa trip ni Sandara. Pambawi ko na ito sa kaniya.
Ilang beses itong umiling. Nangingilid na nga ang luha nito dala ng sobrang takot at kaba.
“I’m not an impostor,” sabi nito para kumbinsihin kaming dalawa ni Sandara pero tiningnan lang namin siya pabalik na parang hindi namin siya kilala. “Kaius Redintore Godwin is my real name. Disguise name ko lang ang Kaius Salvatore. Please, maniwala kayo sa akin. Ako lang ang may ganitong kagwapong mukha sa mundo-”
“HAHAHA!”
Sabay kaming napahalakhak ng malakas ni Sandara ng marinig namin ang lahat ng iyon sa kaniya. Halos gumulong-gulong na nga ako sa buhanginan sa kakatawa dahil kanina ko pa ito gustong gawin pero ayoko namang sirain ang moment ni Kaius. Minsan ko lang ito makitang ganun kaya nilubos-lubos ko na.
He’s so funny while trying his best to convinced us. Para itong natatae na naiihi na parang ewan and that’s the first time I saw him like that. Buti nga hindi pa ito umabot sa puntong umiiyak na habang nakaluhod sa buhanginan at patuloy na nagmamakaawa sa amin.
Natigil naman ako sa pagtawa ng dagling lumapit sa akin si Kaius at nagpakawala ng sunod-sunod na suntok. Mabibilis ang pinakawalan nitong mga suntok pero naiiwasan ko naman lahat ng iyon.
Tawang-tawa pa rin ako habang panay ang ilag ko sa kaniya pero bigla nalang itong nawala sa harapan ko at lumitaw naman sa likuran ko at pagkuwan ay sinipa ako sa tagiliran pero pati iyon ay nagawa ko ring iwasan sa hindi ko malaman na kadahalinan. Basta natagpuan ko nalang ang aking sarili na nasa likuran na niya.
“H-How did you do that?” gulat na gulat na tanong sa akin ni Kaius. Maging si Sandara ay hindi rin makapaniwala sa ginawa ko.
“I-I’m just fast,” hindi siguradong sagot ko sa kaniya.
“Man, your speed and agility exceeded my expectation,” manghang panimula nito. “Walang tao na nakakagalaw ng ganiyan kabilis tulad mo. Aside from that, the last thing that you did was not just because you’re fast enough to dodge my kick. You teleported yourself,” mahabang litaniya nito na nagpasakit ng aking ulo dahil kahit ako rin ay hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa. I just f*****g did it without knowing the real reason how and why I could possibly do such thing.
Isa na naman ba ito sa mga kakayahan ko na unti-unti kong nadi-discover? Pero kung ganoon nga, ano ako, sino ako, at tao pa ba ako sa lagay na ito?
‘Remember who you really are, Master’
Bigla ko namang naalala ang sinabi ng Dragon na iyon sa aking panaginip. Siya kaya ang tanging makakasagot sa aking totoong katauhan? Pero kailan ko naman siya muling makakausap?
Hindi na siya muling dumadalaw sa aking panaginip. Haist! Pati ako nahihirapang kilalanin ang aking sarili, paano pa kaya ang iba?
“Hey!”
I was snapped out in my own reveries after that. Nakalimutan ko palang may kasama pa ako ngayon at nakikipag-usap pa ako sa kanila.
“Damn man! I thought you already lost your mind,” exaggerated na sabi sa akin ni Kaius. “Anyways, hindi na kami magtatanong pa tungkol sa nangyari basta huwag mo lang itong ipaalam sa iba.”
Tumango ako. “Wala naman talaga akong balak sabihin sa iba dahil kahit ako hindi ko rin alam kung bakit at kung paano ko nagagawa ang mga iyon. It just happened, that’s it, without explanation.”
Mataman naman akong tiningnan nilang dalawa.
“Kahit si Katana, hindi alam ito?” tanong ni Sandara.
Tumango ako. “Yes, because this the first time that I teleported myself,” I honestly said.
“But she already saw how I broke her barrier,” I honestly added that made the two of them gasps.
“Y-You did that?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Kaius na maging si Sandara ay lumapit na rin sa tabi nito at naki-isyoso.
Tumango ako. “But still I didn’t know why I can do such thing?”
Nakita ko namang ngumiti si Kaius at tinapik ang aking balikat.
“Don’t worry we can help you discover the mystery behind your abilities.”
“But Adam, you’re great! You can be a superhero,” pagsali sa usapan ni Sandara.
“I’m not a superhero,” I said. “And I’ll never be.”
At isa pa, saka ko na sasabihin sa kanila ang iba ko pang mga kakayahan kapag tuluyan ko ng nakilala ang sarili ko at kung pagbabasehan ang sinabi sa akin ng Dragon ay siguradong may nakalimutan akong alaala pero possible ba iyon kahit wala naman akong natandaan na naaksidente ako at nagka-amneisa pagkatapos?
Habang tumatagal ay lalo kong pinagdududahan ang aking sarili.
Sana lang ay malaman ko sa lalong madaling panahon ang misteryong bumabalot sa aking totoong pagkatao.
Kung hindi nga ako isang mortal, what am i then?
TO BE CONTINUED