ADAM POV
Buhat-buhat ko ngayon ang nanghihinang katawan ni Katana matapos nitong makipaglaban kanina sa mga Demon at muntik ng mapaslang ng isang Titan. Maging ako ay nakaramdam ng takot hindi lang para sa kaniya kundi pati na rin sa aking sarili lalo pa at iyon ang unang pagkakataon na nakakita ako ng Demon at Titan.
I thought they were just a work of mortal’s wide imagination but they are real…fucking damn real! Napapanood ko lang sila sa tv noon pero kanina ay napatunayan ko ng nage-exist sila.
Tahimik lang siya kaya tahimik rin ako. Masyado siyang mahina ngayon pero nakakapagsalita pa naman. Tinatarayan pa nga ako kanina kahit na puro ka-sweetan lang naman ang lumalabas sa aking bibig. Wala pa ring kupas kahit nanlalata na ang kaniyang pisikal na katawan.
“Milady!”
Napatingala ako sa kalangitan, sa isang babaeng lumilipad kahit wala namang pakpak, ang bigla nalang lumapag sa aming harapan. Dahil sa paglapag nito ay wala akong nagawa kundi ang tumigil pansamantala. Mukhang sanay na sanay itong gawin iyon dahil swabeng-swabe niya iyong ginawa ng walang kahirap-hirap.
She’s a woman with blue hair and blue tantalizing eyes. Mayroon din itong kulay asul na kalasag na bumabalot sa katawan nito habang may hawak naman itong isang trident na parang katulad ng kay Poseidon na napapanood ko lang dati sa pelikula. Pero mas natuon ang aking mga mata sa nakaputong na korona sa ulo nito at masasabi kong isa itong prinsesa.
Tama kaya ako ng hinala? Prinsesa naman kaya ng ano ito?
“Saan mo siya dadalhin? Kalaban ka ba? May balak ka bang masama sa kaniya?” sunod-sunod na tanong nito habang tinututukan ako ng hawak nitong trident.
Magsasalita palang sana ako pero naunahan na ako ni Katana.
“Calm down, Serena. He’s my friend,” sabi ni Katana na siyang ikinalukot ng mukha ko. Hindi nakakatuwa ang pagpapakilala nito sa akin.
Friend?
Pagkatapos ng lahat I’m still her friend?
Ano yun? Friend with benefits.’
Napabuntong hininga nalang ako. Yeah right, ako pala ang mang-aagaw ng girlfriend ng may girlfriend.
“Baka naman special friend?” panunudyo nitong si Serena na siyang ikinangiti ko dahil ikinapula ng pisngi ni Katana ang sinabi nito.
Ngumiti ako ng matagumpay. Kung empleyado ko lang ito siguradong may bonus talaga ito sa akin.
Come on Serena, tease her more.
“Umalis ka na, Serena,” masungit na utos ni Katana kay Serena pero nginisihan lang siya pabalik nito.
“At ikaw, huwag kang ngumiti diyan,” baling din nito sa akin pagkatapos nitong sungitan si Serena. Pati akong inosente nadadamay na.
“Anong masama sa pagngiti?” takang tanong ko.
“Basta! Huwag kang ngumiti pwede?” pinal na sabi nito kaya wala akong nagawa kundi ang sundin ito.
She’s the boss.
“Umuwi kana Serena bago ko pa tawagin si Blue-“ bago pa nito matapos ang kaniyang sasabihin ay dagli itong tumigil at pagkuwan ay nakangising tumingin sa dagat. “-O diyan na pala si Blue.” sabi nito na siyang ikinalingon rin namin sa direksiyon na tinitingan ni Katana.
Isang matikas na lalaki na may hawak na trident ang bigla nalang umahon sa dagat at naging astig ang pag-ahon nito dahil nakikiayon pa ang dagat rito. Tila nagkaroon ng natural na special effects dahil sa paghampas ng alon sa kaniyang kawatan.
He’s a very manly man with a warrior kind of vibe on him. May kahabaan itong kulay itim na buhok at kulay asul na mga mata at naaalala ko sa kaniya si Aquaman. Ang kaibahan nga lang nito kay Aquaman ay mas bata pa ito kung ikukumpara silang dalawa. Dagdag pa rito ang puting-puti rin nitong balat na tulad ng sa niyebe kaya kitang-kita ang ugat nito sa braso at maging ang namumukol nitong masel.
Gwapo siya pero mas gwapo ako. Tsk.
Tulad nitong si Serena ay may suot din itong kalasag na akmang-akma sa katawan nito. Maliban sa lahat ng nabanggit ko ay may korona rin na nakaputong sa ulo nito.
Ano naman kaya ang relasyon nito kay Serena? Mga dugong bughaw ba sila ni Serena?
If she’s a princess, then this man is her prince.
Pagkatapak na pagkatapak ng paa ng lalaki sa buhanginan ay agad itong tumakbo papalapit kay Serena at akma sana itong yayakapin pero mabilis na pinigilan ito ni Serena. Bago pa siya makalapit ay nasakop na ng palad nito ang mukha ng lalaki at natawa siya dahil doon. He’s a kid and I’m sure of that kahit sa unang tingin pa lang.
“Lumayo ka nga. Naaalibadbaran ako sa’yo.”
Napangisi ako ng marinig iyon dahil parang may pinagmanahan ang ugali nito rito sa babaeng buhat-buhat ko.
“Babe, hindi mo ba ako namiss? Kasi ako miss na miss kita,” ubod ng lambing na sabi nito at yayakapin sana nito ulit si Serena ngunit ngayon naman ay mabilis niyang iniwas ang kaniyang katawan sa lalaki.
“Huwag mo akong artehan diyan. Wala pang mga kalahating oras ng huli tayong nagkita.”
Ngumuso ito na parang bata. “Eh sa na-miss talaga kita. Anong magagawa ko kung ikaw ang hinahanap parati ng puso at isip ko?”
Tsk! Corny!
Umingos naman si Serena sa kaniyang narinig.
“Huwag kang umarte diyan dahil nandito na ako sa harapan mo.”
Lalong tumalim ang nguso nito.
“Hindi mo na ba ako mahal?” biglang naitanong nito kay Serena. Ako naman ay mataman din na nakikinig sa itutugon nito sa lalaki.
“Mahal kita pero sa nakikita ko sa’yo honestly na-turn off ako sa’yo Babe,” sabi ni Serena na labis naman na ikinabahala ng lalaki.
Who’s he again? Blue right? Blue is his name.
Agad itong lumuhod sa harapan ni Serena at nag-drama na parang isang babae sa pelikula. He’s so dramatic that made me looked away from them.
“Alis na tayo,” sabi ko kay Katana na ikinatango lang nito. May moment silang dalawa kaya dapat may moment din kami.
Hindi naman nila kami napansin na umalis dahil naririnig pa rin namin silang nag-uusap. Pero ang mas nangingibabaw sa usapan nilang iyon ay ang boses ni Blue na kahit medyo malayo na kami ay naririnig pa rin namain ang pagmamakaawa niya kay Serena.
“Hindi pa rin sila nagbabago,” biglang nasabi ni Katana kaya napatingin ako sa kaniya. May nakasupil na ngiti sa labi nito na nagpangiti rin sa akin.
This is what I love seeing on her. Gusto kong palagi siyang nakikitang masaya na tila ba walang dinadalang problema. Dahil kong masaya siya, masaya rin ako.
“Pati pag-ibig ko sa’yo, hindi rin magbabago, Mahal ko,” malambing na banat ko sa kaniya pero tulad ng inaasahan ay umikot lang ang mga mata nito pagkatapos ko iyong sabihin sa kaniya.
Mataray talaga siya pero nasanay na ako. Wala namang araw na hindi niya ako tinarayan at alam kong defense mechanism lang niya ito para pigilan ang kaniyang sarili na mahulog ng tuluyan sa akin.
Alam kong hindi pa niya ako lubos na pinagkakatiwalaan at dahil iyon sa past ko- isang bagay na pinagsisihan kong gawin. Marami akong niloko, sinaktan at pinaasang babae noon at alam kong takot siyang mapabilang sa mga iyon.
That’s why now I’m trying my best to gain her trust again and conquer her heart after everything that happened. Wala akong pakialam kong matagal at mahirap ang pagdadaanan ko dahil ang importante lang ngayon para sa akin ay ang tuluyan siyang mapasaakin.
“O bakit natahimik ka na diyan?” rinig kong tanong niya sa akin kaya muli akong napatingin sa kaniya.
“Iniisip ko lang ang future nating dalawa,” sabi ko pero hindi ko maiwasang mapait na mapangiti pagkatapos kong sabihin iyon dahil alam kong malabong-malabo ang future naming dalawa.
Before, I don’t believe that forever exist.
Na ang mga nababasa ko noon at napapanood na patungkol sa Fairy Tale Love stories ay isang kathang isip lang, na wala talagang happily ever after dahil lahat naman ay may katapusan at ang pag-ibig ay hindi excempted roon. Katulad lang ito ng buhay natin na may katapusan at may hangganan.
Pero nagbago ang lahat ng makilala ko siya.
The first time that my eyes saw her that time in the cafeteria, I felt something new from my body, especially from my heart, it’s beating fast.
Akala ko noon ay simpleng atraksiyon lang ang nararamdaman ko sa kaniya ng sandaling iyon dahil sa sobrang ganda nito pero nagkamali ako. That’s not just a simple attraction, it more than that.
Habang tumatagal at nakakasama ko na ito ay paunti-unti na akong naliliwanagan sa lahat. Na hindi ko lang siya gusto, dahil mahal ko siya. Iyong pagmamahal na kahit alam kong bawal ay itinuloy ko pa rin. Iyong pagmamahal na nagpapalabas ng possessiveness at sweetness side ko sa katawan na hindi ko naman nararamdaman dati.
Mahina akong natawa dahil sa ka-corny-han ko. Pero wala akong pakialam sa sasabihin ng iba sa akin dahil ganito ako magmahal.
“Alam mong walang future sa atin Adam,” rinig kong sabi niya at nasaktan ako roon. Truth does really hurt. Parang piniga ng katotohanang iyon ang puso ko. Alam ko naman pero mas masakit kapag nanggaling ang mga salitang iyon sa bibig niya.
Pilit akong ngumiti. “Hayaan mo na akong mangarap para sa ating dalawa. Malay mo magkaroon ng himala sa huli.“
“Kahit alam mong hanggang pangarap lang iyan, mamahalin mo pa rin ako? Isusugal mo pa rin ang buhay mo? You can find another woman-“
“Huwag mo akong ipamigay sa iba dahil hindi sila ang mahal ko!” I cut her off.
Nakita kong nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses ko pero kaagad lumambot ang ekspresyon ng aking mukha ng makita kong nagsimula na naman itong tumangis.
“I’m sorry,” kaagad akong humingi ng tawad sa kaniya habang tinutuyo ko ang kaniyang mga luha.
“Ako dapat ang humingi ng tawad dahil ikaw ang labis na nasasaktan sa ating dalawa,” sabi niya sa akin na ikinangiti ko. “Umaasa kalang sa wala at nagi-guilty ako roon kahit hindi ko naman intensiyon na paasahin ka. Ayokong makasakit ng iba pero nasasaktan pa rin kita. Masama ba ako?”
Agad akong napailing at pagkuwan ay nginitian ito. Sapat na sa aking marinig na concern din siya sa akin.
“No, you’re not.”
“Pero paano ka?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
“Don’t worry Love, I can handle myself very well,” sabi ko sa kaniya as assurance.
Alam ko naman ang lugar ko sa buhay niya pero ayokong pumirmi lang sa comfort zone ko. I’m willing to sacrifice everything that I have for her and that’s how much I love this woman in my arms. Malayo-layo na rin ang narating ko at hindi ako baliw para itigil nalang ito bigla.
“Sagutin mo lang ako at ako ng bahala para sa ating dalawa,” I added.
Mahinang natawa ito sa aking sinabi.
“Hindi ka pa nga nanliligaw,” sabi niya na ikinagulat ko.
“So ibig sabihin-“
“Yes, you can start courting me now,” she cut me off that instantly put a smile in my lips.
Walang pagsidlan ang saya ko sa aking puso kaya nagawa ko siyang halikan sa labi pero agad ko rin iyon pinutol dahil nanliligaw palang ako sa kaniya.
Taking it slow, Adam. Huwag mong kalimutan.
Sa sobrang haba ng pag-uusap namin ay hindi na namin namalayan na narating na pala namin ang harap ng Forbidden Cave. Tulad ng inaasahan ay siya ang nagbukas ang pintuan nito dahil siya lang ang tanging nakakapagbukas nito gamit ang kaniyang kapangyarihan na may kalakip na isang engkantasyon.
Tuloy-tuloy lang kami sa pagpasok hanggang sa tuluyan na rin naming narating ang Forbidden pool. This scene is so familiar to me but the only difference is that the reason why we’re here right now. Kung noong una ay dinala ko ito the next morning after we make love but right now, I bring her after she used all her energy and power after her previous fight.
I’m wrong. May kahinaan din pala siya. May limitasyon din pala ang kapangyarihan niya kahit na sabihing isa siyang Diyosa.
Nagsimula na akong maglakad at kaagad lumusong sa pool. Muli ay naramdaman ko ang tamang temperatura ng tubig na kapwa may init at lamig. The temperature of the water just blends in perfectly.
“Here we go,” sabi ko bago ko maingat na inilubog ang katawan niya sa tubig dahil alam kong mahinang-mahina pa ang katawan nito.
Pagkalubog na pagkalubog ng buong katawan niya sa tubig ay kaagad kong napansin ang unti-unting pagliwanag ng kaniyang buong katawan. Agad naman akong napatakip sa aking mga mata dahil sa biglang pagliwanag ng buong katawan niya pero mas nakakasilaw lang siya ngayon kaysa noong una na ginamit niya ang pool na ito.
Nagmulat lang ako ng aking mga mata pagkaraan ng ilang minuto pagkatapos mawala ang nakakasilaw na liwanag na bumabalot sa kaniyang katawan at napangiti ako dahil bumalik na ang sigla ng kaniyang katawan maging ang magandang glow ng kaniyang balat.
Beautiful…and she’s mine.
“Magsimula ka palang manligaw pagkatapos ng dalawang araw,” sabi nito na siyang ikinagulat ko.
“Hindi naman nagbago ang isip mo diba?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. “Don’t you dare, Love! Huwag mong bawiin ang sinabi mo kanina,” banta ko sa kaniya.
Mahina namang itong natawa sa sinabi ko at kinurot ang pisngi ko. “Ang cute mo talaga,” nanggigil na sabi niya sa akin.
“Huwag mong ibahin ang usapan.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi ako papayag na bigla mo nalang babawiin mo ang sinabi mo kanina. Paasa ka!”
Nainis naman ako ng nagawa pa nitong tumawa. “Wala naman akong sinasabi. Praning kalang.”
“Hindi ako praning. Sobra lang akong magmahal.”
Ngumiti naman ito at pagkuwan ay ninakawan ako ng halik sa labi na siyang ikinagulat ko. That is the first time that she initiated the kiss and I felt so damn happy right now.
“Huwag kang magsawang mahalin ako dahil siguradong mapapalaban ka ng husto sa akin.” sabi niya.
“As if naman magpapatalo ako,” seryosong sabi ko at pagkuwan ay nagtanong, “Ano pala ang ibig sabihin ng sinabi mo kanina?” I am referring to what she said a while ago.
Ipinulupot muna nito ang kaniyang mga braso sa aking leeg at pagkuwan ay ipinagdikit nito ang aming mga ilong. Kusa namang gumalaw ang aking mga kamay at pumulupot iyon sa kaniyang balinkinitang beywang.
She’s very sexy.
“About doon sa panliligaw?” tanong niya.
Tumango ako. “Wala ng iba pa.”
“Kailangan ko kasing mag-attend ng meeting sa Cloud Nine,” sabi nito na ikinakunot ng aking noo. Pati silang mga Gods at Goddesses ay may meeting rin?
Unbelievable!
Ano naman kayang klaseng meeting iyon? Business meeting, conference meeting, etc.
“Meeting with whom? At ano iyong Cloud Nine?” sunod-sunod kong tanong ko.
“Every end of the month kasi ay may meeting kaming mga Gods and Goddesses in the Cloud Nine. Ang Cloud Nine naman ay isang sagradong lugar na para lang sa amin at bawal ang mga tulad mo doon.”
Agad akong napasimangot ng marinig iyon sa kaniya. May balak sana akong sumama eh. Kung hindi naman niya ako pasasamahin ay susundan ko siya ng palihim.
“Bakit dalawang araw?” tanong ko ulit.
“Usually isang araw lang ang meeting pero dahil sa nangyari kanina, siguradong matatagalan ang pagpupulong namin. At isa pa, after ng meeting namin ay may visitation kami sa lahat ng islands na pagmamay-ari naming mga Gods at Godesses.”
Tumango-tango lang ako habang pinapakinggan ang mga iyon sa kaniya.
“Mami-miss kita,” malungkot na sabi ko sa kaniya. “Make love muna tayo, Mahal ko. Sa akin ka muna buong magdamag bago ka kunin nila.”
Kinurot niya naman ako sa tagiliran matapos niyang marinig ang sinabi ko.
“Ang hilig mo talaga,” natatawang sabi nito.
“Sige na. Pagbigyan mo na ako,” pagsusumamo ko sa kaniya.
“Baka magtaka na si Kaius sa’yo niyan dahil minsan-minsan ka nalang makipagkita sa kaniya?” tanong nito bigla sa akin na siyang ikinagulat ko. I didn’t remember that I mentioned Kaius name to her before so how did she knew it?
Oh, damn I forgot.
She’s a Goddess and the owner of this island. She can do anything here in this place and basically she knew our background profiles pero sobrang dami naman iyon para alamin niya lahat. Siguro may nakakatago rin sa kaniya.
Her power on the other hand has no limit. That’s what I thought of her before but everything changes after her battle and what the battle did to her at the end. Na-Hype lang siguro ako sa pagiging Goddess nito.
“Kilala mo ang kaibigan ko?”
Tumango siya.
“Kilalang-kilala,” tipid niyang sagot na ikinakunot ng noo ko. “Mas kilala ko pa nga siya kaysa sa’yo.”
“Ex mo?”
Ngumisi ito. “Hmm. Pwede rin.” Sabi nito na ikinasingkit ng aking mga mata.
Tanginang Kaius yun! Inunahan pa ako.
“Joke lang. Ito naman hindi mabiro.”
Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig iyon. I can’t afford to have more rivals in her heart. Masyadong magiging komplikado lang ang lahat sa amin ni Katana kapag may dumagdag pa.
“Hindi ko gusto ang biro mo,” seryosong sabi ko sa kaniya. “And for your information, alam niya ang namamagitan sa atin simula pa noong una. Suportado niya nga itong ginagawa kong panunuyo sa’yo,” he honestly said.
Tumango-tango naman ito at pagkuwan ay napangiti.
“So, magkukuwentuhan nalang ba tayo dito?”
May kakaibang kislap ang mga mata nito habang pinapatakan niya ako ng magagaang mga halik sa aking noo, pisngi, ilong at maging sa aking labi.
Ngumisi ako dahil alam ko na ang pupuntahan ng usapan naming ito.
“Here or in your room?” I asked and then I pinched her n****e making her moan deliciously.
Nakita kong kinagat nito ang kaniyang pang-ibabang labi bago ito magsalita, “Pwede naman sa lahat ng parte ng Forbidden Cave. I don’t mind, Love.”
Napangiti ako dahil ito na ang tamang araw para isakatuparan ang nasa plano. Sana lang at magtagumpay ako ngayon.
Ready yourself, Adam Jr, dahil mapapalaban ka ngayon.
TO BE CONTINUED.