Labis ang paghingi ng tawad sa akin ni Kuya Janus dahil sa nangyaring pag-uusap namin ni Kuya Junnie. Kakausapin daw niya ito pero sabi ko ay unawain na lang namin dahil alam kong nasaktan siya nang sobra. I salute Kuya Janus for being so understanding of the situation. "Kuya Janus, mag-iingat ka rito. Kayo ni Kuya Junnie. Thank you..." I croaked, hawak ko ang dalawa niyang kamay. "Thank you po sa pagkupkop, pagmamahal, at pagturing sa akin bilang isang tunay na kapatid." Muli na namang bumuhos ang mga luha ko. Kinabig niya ako upang mayakap. Napakasakit niyon sa akin because I was with them for the past twenty years of my life. Mami-miss ko nang sobra-sobra ang mga kapatid ko. Kahit minsan, hindi ko naramdaman na iba ako, na ampon ako, ngayon lang. Mula nang magkasagutan kami ni Kuya

